"Buti nalang at pumunta ako rito, nakakita na naman ako ng iba mong reaksyon," natatawang sabi ni Sefarino. "Safarel!"

Napalingon naman agad si Safarel nang may tumawag sa kanya at napangiti nang makita si Sefarino kaya agad siyang tumakbo papunta sa kanya.

"Old man!" masayang bati ni Safarel na nagpangiwi kay Sefarino.

"24 years old pa lang ako, just call me uncle Sefarino," natatawang sabi ni Sefarino.

"What brought you here?"

Iniabot naman ni Sefarino ang plastic kaya kinuha ito ni Safarel at tiningnan.

"Woah! For real?!" masayang sabi ni Safarel habang nakangiting nakatingin kay Sefarino.

Tumango naman si Sefarino. "Yes, if you're not busy, I can tour you on my garden."

Mabilis namang tumango ang bata saka tumakbo papunta kay Raziel at nagpaalam. Nanunuod lang si Sefarino sa mga tao, gusto niyang makita ang ina ni Safarel pero andaming nakaharang. Noong nakaraang araw kasi parang tindig ng isang lalaki ang nakita niya.

"Let's go, old man!" masayang sabi ni Safarel saka hinila na papalabas si Sefarino at tumungo sa kotse nito.

"Nagpaalam ka na ba sa mama mo?" tanong ni Sefarino habang nagda-drive.

"He said, yes," simpleng sagot ni Safarel.

"He?" tanong ni Sefarino sa isip niya pero hinayaan nalang niya dahil naisip niya na baka namali lang ito.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ni Sefarino saka tinapunan ng tingin saglit ang katabi niya.

"Why would I? Mabait naman si Traz kaya alam kong mabait rin ang nasa paligid niya—ahh!"

Napahinto naman si Sefarino sa pagda-drive dahil sumigaw si Safarel.

"Hey, are you okay?" tanong niya sa bata saka hinawakan sa likod pero hinawi agad ito ni Safarel.

"D-Don't touch me!" Nabigla naman siya sigaw ng bata at doon niya nakita ang mga pangil nito.

"You're a vampire," mahinang sabi ni Sefarino. Tumango-tango naman si Safarel habang nakahawak sa kaliwang dibdib niya dahil parang pinipisil ito.

"D-Don't touch me, I d-don't want to hurt you," mangiyak-ngiyak na sabi ng bata.

"Don't worry, you can't hurt me—"

"Please!" pakiusap ng bata at hindi alam ni Sefarino ang gagawin dahil ngayon lang siya nakakita ng ganitong pangyayari sa isang bampira except kay Traz. Dali-dali naman niyang tinawagan si Orazi para magtanong.

Sinagot naman ni Orazi ang tawag. "Wazzup, insan—"

"Ano ang gagawin kapag ang isang batang bampira ay sumasakit ang dibdib?" tarantang tanong ni Sefarino habang nakatingin kay Safarel na ngayon ay napakapula na ng mukha nito.

"Ha? Hindi ko maintindihan—"

"Fuck! 'Yung kagaya sa nangyari kay Traz last week!" inis na sabi ni Sefarino.

"Iyon ba? Insan, kailangan niyang uminom ng dugo ng ama niya," sambit ni Orazi habang nagtataka siya kung bakit nagtatanong si Sefarino sa bagay na iyon.

"What if wala siyang ama?"

Napabuntong-hininga naman si Orazi. "Maghihirap siya, hihintayin ng bata kung kailan hihinto ang sakit—" Hindi na natapos ni Orazi ang sasabihin nang biglang ibinaba na ni Sefarino ang tawag.

Lumingon naman si Sefarino sa bata na pula ang mga mata at mukha, pinapawisan, tumutulo na ang mga luha nito at nanginginig.

Iniabot naman ni Sefarino ang kamay sa bata kaya napatingin ito sa kanya pero ngumiti lang siya.

Unbiased Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon