💕 NOBODY'S BETTER 40 💕

Start from the beginning
                                        

❌❌❌

As expected, naghintay lang kami sa wala buong umaga. Bigla daw kasing nagkaroon ng emergency meeting ang mga teachers reagarding sa upcoming graduation. Kaya buong umaga kaming walang klase kanina. Hapon na ngayon, mga nasa 2:20 na at hinihintay namin ulit ang aming last subject teacher. Wala pa din kasi eh, eh alas dos ang umpisa ng klase namin sa kanya. Late na naman siya ng twenty minutes. Habang naghihintay, nagkwekwentuhan lang ulit kaming magkakaibigan ng kung ano-ano ng biglang may kumatok sa pintuan ng classroom namin. Binuksan naman ni kuya Marc since siya ang nakatambay sa harap at naggigitara. Iniluwa non ang isang estudyanteng ‘di ko kilala. “Good afternoon po. Pinapasabi po ni ma’am Reyes na hindi daw po siya makakadalo sa klase niyo. Marami daw po kasing pinapagawa sa kanya don sa faculty kaya pwede na daw po kayong umuwi.” Nagsihiyawan naman kami sa narinig at nagpasalamat. Agad kong inayos ang mga gamit ko pagkatapos ay humarap ako sa mga kaibigan ko.

“Dalian niyo! Punta na tayo sa main! Tignan natin ‘yong exhibition! Dali! Dali!” naeexcite na sabi ko sa kanila dahil sa wakas ay mapupuntahan na namin ‘yong exhibition nila Kelso. “Oo na. Oo na beshywap! Di ka naman excited!” sagot naman ni Cela. Napangiti na lang ako bilang sagot. Halata bang excited ako? Hahahaha! Ilang saglit lang ay umalis na rin kami sa classroom at pumunta na kaming main.

❌❌❌

Grabe! Ang ganda! Iyon lang ang masasabi ko pagkadating na pagkadating namin sa exhibition. Sobrang ganda! As in ang ganda! Hindi ko madescribe through words ang nakikita ko basta ang alam ko, sobrang ganda ng exhibition. Katulad ng sinabi ni Momo kanina, punong puno ‘to ng iba’t ibang uri ng arts na parang di gawa ng estudyante. May mga paintings, photographs, crafts ng kung ano-ano, mga banners, basta madami. May station din kung saan pwede kang bumili doon. At mamaya kapag may nakita akong mura, bibili ako. Hahahaha! Pagdating namin don, hindi ko napansing naghiwalay hiwalay kaming lima. Ako kasi dumiretso don sa mga may paintings, sila, hindi ko alam kung saan sila pumunta. Hindi naman kami mawawala dahil medyo hindi ganoon kalakihan itong building kaya hinayaan ko lang sila.

Tinitignan ko isa-isa itong mga paintings at nagagalingan ako sa mga estudyanteng gumawa. Sa bawat baba kasi ng paintings ay may description. Description kung ano ba ang ibig sabihin nong painting na ginawa nila at kung sino ang gumawa noon. Though hindi ko naman sila kilala, at kakaunti lang talaga kilala ko sa section nila Kelso (dahil nga hindi ako social butterfly) ay namamangha pa din ako. Ang talented naman nila masyado. Sana all! Habang pinagmamasdan ko tong mga painting ay naghahum din ako sa background music na pinapatugtog dito sa loob. Infernes, nagdadagdag ganda ‘yong background music sa paligid. Nasa gitna na ako ng mga painting na tinitignan ko ng bigla akong napahinto. Sa lahat ng painting na nakita ko ngayon dito sa exhibition na ‘to, ito na siguro ang pinakamagandang nakita ko. Painting ‘to ng isang babaeng nakataligid. Naka ipit ang kanyang buhok habang ang ibang strands ng buhok niya ay maayos na nakaharang sa napakaganda niyang mukha. May hawak din siyang puting bulaklak at feeling ko ang bulaklak na ‘yon ay isang baby’s breathe. Nakasuot rin siya ng puting damit. Tinitignan kong mabuti ang painting. May kamukha siya eh! Hindi ko lang alam kung sino pero feeling ko kilala ko eh! Hindi lang vivid iyong memory ko.

“The painter painted the girl he wanted to marry in the future.” Basa ko sa description sa baba ng painting. Bumilis ang tibok ng puso ko kung sino ‘yong nagpaint nitong painting na ito at napanga-nga. “It’s I who paints that painting. It’s you whom I want to marry in the future.” Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Hindi ko siya napansin since busy akong tinitignan iyong painting. Hindi ako makasalita dahil sa sinabi niya. “Matagal ko ng gawa ‘yan,” panimula niya. “Hindi ko lang alam kung kailan ang tamang oras kung kailan ko ipapakita sa’yo ‘yang gawa ko.” Sagot niya pa. nakikinig lang ako sa kanya habang di pa rin masink in sa isipan ko ang narinig at nakita. “Pero si tadhana na ang gumawa ng paraan para maipakita ko sa’yo. Nagustuhan mo ba anae?” tanong niya. Walang salitang lumabas sa bibig ko. Tanging tango lamang ang naisagot ko. Ngumiti naman siya at dinako niya ulit ang kanyang paningin don sa painting.

“Kailan mo ‘to ginawa?” tanong ko ng medyo naging okay na ako. “Matagal na. Siguro nong naging tayo, pinipaint ko na ‘yan. Though hindi dirediretso ‘yong process dahil naging busy, pero ayon natapos ko before na magkaroon ng ganitong event.” Sagot niya. Sa painting pa rin ang tingin. “Bakit ngayon ko lang ‘to nakita?” tanong ko ulit. Gustong gusto ko talagang malaman. “Ano kasi nahihiya ako. Baka kasi di mo magustuhan.” Nahihiyang tugon niya sabay kamot sa batok. Napangiti naman ako. “Nagustuhan ko,” sagot ko. “At ‘yong babaeng pinaint mo, gusto din niyang pakasalan ‘yong nagpaint sa kanya in the future.” Ngumiti naman siya.

“Promise?”

“Magpropose ka muna!”

“Ay akala ko, proposal na ‘yang ginawa kong painting? Di mo ba gets ‘yang gawa ko?”

“Gets ko! Pero gusto ko pa ring magpropose ka!”

“Sige sa future, magpropropose ako. Pero gusto mo ngayon na mismo eh!” binatukan ko siya dahil sa sinabi niya. Nagtawanan lang kami. Sabi ni Kelso wala siyang talents sa arts, eh marunong naman. Ang ganda nga ng pinaint niya eh! Etchusera talaga ‘tong lalaking ‘to! Pero kahit ganyan ‘yan, mahal ko ‘yan! HIHIHI!

Excited na tuloy ako sa future.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now