Zamiel scowled, "Well damn, at least I said sorry? Accept it or not? Going once, going twice—"

"Fine," Agap niya rito.

Hindi nakatakas sa paningin niya ang malawak na pagngisi ni Zamiel sa naging sagot niya. Akala mo, nanalo na ng lotto.

Is sleeping in his bed really a big deal?

Hindi naman sila, kaibigan lang din ang turing ni Zamiel sa kanya. Pero gustung-gusto siyang katabi na matulog.

Kaya kahit sino talagang may alam na natutulog siya sa kwarto nito, iisiping may malisya talaga ang relasyon nila, ayaw lang nilang magsabi.

And that idea alone, is evil itself. He has to keep distance if he wants to move on.

"But I still won't sleep in your place," Dugtong niya.

Mabilis na nabura ang ngising nasa mga labi ni Zamiel nang sabihin iyon.

Halos mahulog ang panga nito sa sinabi niya, nanlalaki rin ang mga mata at hindi makapaniwala sa tinuran niya.

"Tang ina? Bakit?!"

Nagkibit balikat siya, "Don't you think it's weird? Magkaibigan lang tayo."

"It's not weird if you won't put any malicious thoughts on sleeping beside me," Mabilis nitong sagot.

Well now, that is a good point.

"But everyone knows that I'm bi and they'd probably think that you're fucking me whenever I sleep in your place."

Nanghihilakbot na napaatras si Zamiel sa rebuttal niya, dahilan para lihim siyang mapangisi.

"Wha—what the fuck?! You don't dominate your exes?!"

"I do but I'd absolutely receive if you're doing it with me."

Natigilan sandali ang binata bago ito pinamulahan ng pisngi.

"Fuck you, Gonzales. Sinagot mo talaga iyong walang kwenta kong tanong."

Natawa naman siya, "I wanted to feed your curiosity, okay?"

"Tang ina mo! Now I don't want you to stay the night with me."

"O edi maganda. Makakapagpahinga ako sa sarili kong kwarto."

Napaatras si Ridge nang lumapit si Zamiel sa kanya at pisilin ang mga pisngi niya.

Tang ina, ayan na naman ito sa hilig nitong manakit at pumisil ng pisngi.

Parang walang sariling pisngi si Zamiel, ah?!

"Never mind, I'm staying with you," Mariin nitong sabi, dahilan para mapatanga si Ridge.

Noong oras na iyon, siya naman ang halos mapanganga sa sagot ni Zamiel.

"Ano? Anong 'I'm staying with you?'"

Umangat ang isang kilay ng binata habang pinagmamasdan siya bago nito hinawakan ang pulsuhan niya at hinila siya sa kung saan.

"It is what it is, Ridge. I'm sleeping in your place for a change."

Putang ina, hindi talaga siya pinatahimik kahit sandali lang samantalang ang dami niyang punto na iniangat at tinackle kanina!

"I literally told you—"

"No, nope! Nope, I'm not listening to you, Ridge," Nanggagalaiti na ngayon si Zamiel pero humina rin ang boses nito. "I can only sleep better when you're with me."

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن