Nasa cr ako ngayon makatanggap ako ng unknown message. Dala ko kasi phone ko.
0932*******
/don't trust too much you'll end up getting hurt/
Ano ba to? Tanga lang? Pinagpatuloy ko lang ang pagtae ko, di ko nalang pinansin yung text. Nood nalang muna akong youtube. Ngayon daw kasi ang comeback ng blackpink.
Oo blink ako kahit na lalaki ako. Nakakabighani ang ganda nilang apat.
Nakatanggap naman ako ng notif sa ig na may story yung crush ko kaya dali dali akong lumipat.
Valerie_obsa
*i'm starting to do the dare*
Valerie_obsa
*i can't lose*
Hala may pa dare siya? Ano kayang dare ang gagawin niya? Sunod naman na lumabas yung picture niya. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Nakakaakit
Nagpm naman ako sa kanya, pero gaya ng dati wala paring reply. Famous eh maganda din. Di nagrereply sa pangit.
"Anak! Bilisan mo diyan at ako'y naiihi na" sigaw ni mama
"Opo ma"
Nang matapos ako sumunod naman agad si mama.
Kasalukuyan akong nasa sala ng tumunog ulit yung phone ko.
Text na naman? Papansin talaga to
0932*******
/hi christian/
Kilala niya ako? Sino na naman to? Ahh alam ko na ba ka tropa ko to.
Ako
/hoy! Di ako natatakot./
0932*******
/ako rin/
Ako
/edi wow/
0932*******
/this is valerie/
Agad naman ako nabuhayan ng mabasa ko yung text niya. Valerie? Yung crush ko?
Ako
/di nga yun nagrereply sa chat, text pa kaya. Wag ako/
0932*******
/this is me nga, call ako/
Di ako nag reply bahala siya. Pinapaasa lang ako nito.
Hanggang sa tumawag nga siya. Sinagot ko naman
"Ano?!" Pagalit sa sagot ko
"hi it's me valerie"
Pagkarinig ko sa boses niya alam ko si valerie talga yun. Kilalang kilala ko boses ng crush ko.
Kinilig naman ako, oh ano bawal ba kiligin paglalaki? Sarap niyo tirisin sa parang kuto pag di niyo alam kinikilig kaming mga lalaki.
"Napatawag ka?" Sungit sungitan ko
Aba marunong din kaming magpakipot oy kala niyo mga babae lang.
"I just wanted to say i really like you"- valerie
"Really? Di ka nga nagrereply sa chat ko sayo" sagot ko sa kanya.
Pinatay ko naman ang tawag ng hindi siya makasagot. Di ko na siya gusto. Hindi ko gusto yung ugali niya.
Imposible naman kase na gusto niya ako samantalang sa tuwing magchat ako sa kanya laging seen. Sarap niya naman magkagusto very unique.
Lumipas ang ilang araw text parin siya ng text. Di niya ako tinigilan simula nung nagkausap kami. Hanggang sa dumating sa punto na bored ako kaya naisipan ko na magpaload para replyan siya after all naging crush ko naman siya dati.
Ako
/hi, kumain kana?/
Pa fall na kaya ako nito? Haha kiddin'
Valerie
/buti naman naisipan mo akong pansinin/
Masakit ba? Yan kasi ginawa mo sakin nung gusto pa kita. Awts
Ako
/busy lang. Ano kumain kana/
Valerie
/kainin kita/
Ang wild niya sheeeet. Pero wala parin ang weak lang
Ako
/di ako pagkain/
Di ako easy man. HAHAHA
Valerie
/Yung totoo di ka ba tinuruan lumandi?/
Ay waaw nagulat ako ng beri slayt
Ako
/Tinuruan naman, di nga lang para sayo/
Ano, ano masakit?
Valerie
/aray!/
Ako
/oh kalma ang puso baka atakihin ka/
Valerie
/okay/
Hahaha walang masabi. Dumaan ang dalawang linggo na magkatext parin kami, naisipan namin na magkita.
Syempre papayag yun, nalaman ko kasi na dare pala niya na kausapin ako. Jowa kasi ng kaibigan ko ang isa sa kaibigan ni valerie.
Di niya ako maiisahan oy. Magkikita kami ngayon sa mall.
Agad naman siya nagtext na andun na raw siya sa mall, papunta na sana ako ng biglang tumawag si henry.
"Dude, huwag kang tumuloy sa kita niyo ni val" henry
"Bakit naman? Anong problema?" Tanong ko sa kanya
"Andito kanina si val, narinig ko usapan nila na ngayon ka daw niya pagmumukhaing tanga. Wag ka pumunta unahan mo na" henry
Trap lang pala yung text niya na andun na siya sa mall. Buti naman.
"Sa anong paraan?" Tanong ko ulit
"Ganito kasi yun sabi ng jowa ko kapag nagkita na kayo at lalapitan mo si val. Magkukunwari siyang hindi ka kilala, narinig ko rin na may kukuha ng video sa inyo kaya huwag ka pupunta." henry
"Okay, sige dude salamat sa impormasyon" sagot ko at pinatay na ang tawag.
Nagtext naman ako kay val na papunta na ako. Siya ngayon ang pagmumukhain kung tanga.
Hanggang sa lumipas ang tatlong oras, tumawag na siya. Pero di ko sinagot. Natatawa lang ako sa kanya, ano siya ngayon? Trap sa sariling plano.
Nagtext naman siya
Valerie
/saan ka na kanina pa ako naghihintay sayo/
Ako
/ay sorry di pala ako makakapunta. Tanggapin mo nalang na talo ka sa laro niyo./
Lumipas ang 10 minuto bago siya nagreply
Valerie
/pot*ngina mo! G*go!/
At dun na nagtatapos ang nakakatakot na kwento namin ni valerie.
Scary ng ghost diba.
The End.
Yun na nga natapos na ang aking unang akda. Kung nagustohan niyo at relate kayo salamat ng marami. Kung hindi salamat parin.
Hanggang sa muli,
Mega_Minds
YOU ARE READING
Messages /One Shot/
HorrorBefore it was like an ordinary message. Not until it turns into a scary one. Horror Comedy
