"I ended our friendship but that doesn't mean that we'll not fulfill each other's promise. Noon pa lang ay pinangako na namin na sa iisang school at course kami papasok kahit anong mangyari. And that's only the best thing we did after what happened."

Tumango ako. Ngayon ay naintindihan ko na. At least, they still fulfilled their promise. Mahirap rin naman sigurong nasa iisa kayo ng room ng dati mong kaibigan.

You'll miss the bondings and moments that you've shared. Ako kasi parang hindi ko kaya kapag ako ang nasa sitwasyon nila.

"Sorry, ah? Noong umamin ka kasi, umamin din siya sa akin and he said that he'll court me. Kaya iyong paghatid sundo ang paraan niya."

"Don't be sorry. Hindi mo naman kasalanan at mukhang dapat matagal ko nang inamin ang nararamdaman sa'yo. I just felt coward. Kaya nahuli na naman ako ngayon."

"We can still be friends. Kapag may kailangan ka, handa naman akong tumulong," I offered since it is my only way to comfort him, being his friend. Kahit ganoon man lang ay mabigay ko sa kanya.

"Sure. Kahit hindi mo naman sabihin, papayag akong maging kaibigan mo."

I tapped his shoulder and gave him a hug. A friendly hug.

Ngayon lang naman ako nagkusang yumakap sa kanya dahil medyo nakakagaanan ko na ng loob. Dati kasi hindi ko magawa sa kanya ito.

"Sana maging okay ka. Cheer up. There's a lot of reasons in this world to be happy. Hindi lang ako nag-iisa na pwede mong ligawan," sabi ko at pinangiti siya.

It's the night where I comforted a person. Nakakagaan sa loob. I felt relieved and contented at the same time.

"Thanks. I can still have a crush on you, right?" tumango na lang ako. Crush is just admiring. Okay na iyon kasi wala namang tao na hindi humahanga.

We both laughed on his crazy suggestion. Mas okay na iyon kaysa hindi naman kami nagpapansinan.

Napatingin ako sa bracelet na binigay niya. It's simple but I appreciate it.

"Consider that bracelet as my gift for you. It's my first time doing that so please bear with the imperfections of it."

"Ano ka ba. Maganda nga, eh. It's beautiful," I complimented.

"Pero seryoso. You're lucky to have Joaquin. Babaero 'yan pero kapag nagmahal, sobra-sobra. I witnessed it before."

I guess he really knows him. Sila ang naging magkasama noon kaya siguro ay ganoon talaga siya magmahal?

I'm still testing the possible feelings of mine for him.

After his graduation.

That will be the time I am sure of. Sa ngayon ay wala pa naman at hindi pa naman sa highest level kami.

Tinawag na kaming lahat para pumasok na sa loob. I tapped his shoulder once more before we parted ways.

Hinanap ko si Joaquin pero hindi ko makita. I asked some of his classmates but I got the same answers. Hindi rin nila alam.

Chesca started bugging me again about what happened. Sinabi ko na lang sa kanya kung ano nga iyong nangyari dahil hindi ko naman kailangang itago.

She's my friend after all.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now