Chapter-32

483 20 11
                                    







Celine's POV...






"Naayos ko na nga pala lahat ng kelangan niyo para sa adoption kay Cyd isa nalang ang kelangan" Saad ni Tita Jes habang naghahapunan kami. Pansamantalang nasa isang charity house si Cyd ngayon hindi pa siya pwedeng mapunta sa puder namin hanggat hindi pa naayos ang adoption papers niya pero palagi naman namin siyang binibisita ni Diana.





"Kelangan niyo ng ikasal para pangalan niyong dalawa ang mailalagay sa adoption paper at Carlos ang magiging surname ni Cyd" Dugtong nito.






Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Tita Jes pero agad ding nawala iyon ng Hinawakan ni Diana ang kamay ko saka ako binigyan ng isang nakakaunawang ngiti.






"Ahmmm...  Jes, can you give us a month? Ayaw ko namang basta-basta nalang kaming ikasal ni Celine... she deserve the best wedding of all and I want to give it to her" Tugon ni Diana. Napangiti naman ako sa sinabi niya.






Bakit ako kakabahan na ikasal sa kanya ehh... Mahal ko siya at mahal niya ako at alam kong hinding-hindi niya ako papabayaan.





"Pwede naman, makakapaghintay naman kami, mas mahalaga ang pagiging handa niyo sa kasal niyo" Sagot naman ni Tita Jes.





"We can help you guys sa pag-aayos ng kasal niyo... Lalo na bestfriend ko ang ikakasal" Presinta ni Carly.






Ngumiti naman ako kay Carly then I mouthed "I love you"






"Kami din ni Jesma willing tumulong" Singit naman ni Marian.






"Thank you guys... I loved to hear your ideas qbout sa wedding namin pero ang gusto parin ng bride ang masusunod" Saad ni Diana.






Napatingin naman silang lahat sakin na para bang hinihintay ang sasabihin ko.






"Ahh... Gusto ko, isang simpleng beach wedding lang yung nagsasabihan kami ng I do sakto sa paglubog ng araw" Saad ko naman.








Simula noong bata pa kasi ako pangarap ko na ang ganung klase ng kasal. Hindi naman sa ayaw ng church wedding but para sakin ang magical ng dating habang nag bibigayan kayo ng wedding vow at I do habang papalubog ang araw.





"Yung resort namin sa Batangas pwedeng venue yun ng kasal niyo... Marami narin kaming clients na duon ginaganap ang beach wedding nila" Saad ni Tita Ely.







"Ayan! may venue na, reception at damit nalang ang aasikasuhin natin" Masayang sagot naman ni Carly.






Napangiti naman ako habang tinitignan silang nagbibigayan ng ideya sa magiging kasal namin ni Diana.






"Nakakatuwa sila tignan noh?" Bulong ni Diana.






Mukhang parehas kami ng naiisip.






"Kaya nga... Ang supportive nila sa ating dalawa, ang swerte natin na naging kapamilya natin sila" Tugon ko.






"I love you" Sagot naman niya.







"I love you more" Buong puso ko namang tugon.






"Kiss na yan!!" Sigaw ni Ally habang pinapatunog ang baso nito gamit ang kutsara parang sa mga kasal na nagrerequest ang mga guest ng kiss sa bagong kasal.







Future You (ToLine)Where stories live. Discover now