" Hala hindi ko siya binaril promise , hindi ko nga alam paano gagamitin yung baril na iyon eh " Yumakap ako kay nanay at niyakap din ako nito pabalik.
" Iho umalis na kayo madami na kayong gulo na ginawa dito " Mahinahon pero ma otoridad na sabi ni nanay sakanila.
" Tiyaka hindi ko na kailangan ng mang gagamot ok na ako salamat nalang puwede na kayo umalis " Ramdam ko ang pagtitig saakin nitong nakakakilabot na nilalang na ito.
Nang madinig ko ang papaalis na sasakyan nila tiyaka lang ako nakahinga ng maluwag.
" Ate ayos ka lang? , pasensiya na ate dayo ka lang pero nasusugatan ka " Nginitian ko lang ang nag aalalang si nena.
" ayos lang ako ano kaba , malayo sa bituka to "
" Malayo pero mauubusan ka ng dugo , ikaw talagana bata ka " Kinurot ni nanay ang tagiliran ko.
" Ang sakit nun nay "
" Hala sige matulog kana ulit doon "
"Pero nay umaga napo eh "
" Hala sige at baka makurot kita sa singit bata ka "
ngumuso nalang ako at umupo sa papag na may kama .
Napangiti ako ng malungkot , namimiss ko ang kuya kong doctor tuwing nagkakasugat ako lagi niya ako ginagamot at nandiyan si mama na laging naka sermon sakin . Napaka lapitin ko talaga sa disgrasya.
Hindi nadin ako nakakapag vlogg. Hindi ako maka pag upload sa youtube dahil wala na akong wifi naubos na . Wala din signal dito.
Tinignan ko ang kamay kong naka benda dahil sa pananapak ko sa lalaking iyon at ang pag baril saakin sa braso.
sasamahan ko pala si nanay mag benta ng kakanin at suman ngayon . Taga sukli lang daw ako dahil may sugat ako kaya siya daw mag dadala jusme layo Sa bituka nito eh.
"Iha bakit ka pala napadpad sa sitio bato? " Tanong ni nanay habang hawak ang bilao sa ulo niya .
" Nag susubok po ako mag laboy laboy nay tas dito po ako napadpad hehe "
" Hindi kaba hinahanap sa inyo iha?" Ngumiti lang ako kay nanay at sakto may bumili saamin.
Hinahanap po kaso pasaway ho ako at nahihiya po sa kanila.
" Ang ganda naman niyang kasama mo aleng pura " Nginitian ko si ate at nagpasalamat dahil bumili siya.
"Wait miss bus ?" Takang tinignan ko ang lalaking naka hubo ang pang itaas at naka sabit lang sa balikat ang damit habang nagtutuluan ang pawis sa katawan nito.
" Kilala mo ba itong si larkin iha? " Tanong ni nanay habang nakaturo sa lalaking hubadero.
" Hindi po nay " Sagot ko naman kaagad.
"Ay mahina memorya mo? Naalala mo yung naka upo ka sa bus tas umiyak ka binigyan kita ng panyo? "
" Ah oo naalala na kita ikaw yung epal " Tinawanan lang ako nito.
Halos magulat ako sa mga nagsisilapitan na bata saakin at nagpapakarga .
" Pasensiya na hindi ko kayo mabubuhat may sugat ako eh , next time nalang " Nakangiting sabi ko sa mga bata.
Napatingin ako sa isang Board na may mukha ng isang lalaking Napaka seryoso ng mukha. Ang gwapo naman nito nag eexist paba ito sa mundo. Grabe galit yata ito sa camera inaano ba siya nung camera . Ano pangalan . ADONIS STRING SANDIEGO .. Teka sandiego? Kaano ano kaya nito yung mga epal na sumugod sa sitio bato. Gwapo siya ah . Type ko to .
YOU ARE READING
HEART STRING (On going)
RandomIsang babaeng nakatulog mula limang taon at Papasok sa Buhay ng Isang Seryosong Lalake . She promised me she never leaves by my side !. After 4 years she's back , matutuloy kaya ang pag iibigan ng dalawa ? Letsee!. Yoona and taehyung second story .
HEART STRING THREE
Start from the beginning
