HEART STRING THREE

23 5 19
                                        

Halos malaglag ako sa hinihigaan kong papag ng madinig ko ang malakas na putok ng baril na iyon .

Dali dali akong lumabas wala ng hilamos hilamos at hindi nadin ako nagpalit ng suot nakalimutan ko nadin mag tsinelas.

" Anyare mang estong? "Tanong ko kaagad kay mang estong na hinihimas ang nabaril na kalabaw.

" Nagsisimula na sila , inuubos na nila ang mga alagang hayop dito "

Nilapitan ko ang isang hayop ng matamaan ako sa balikat ng dapat ipuputok sa baka ni mang agor.

Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa balikat ko pababa sa kamay ko .

Halos wala na ako madinig na ingay at wala akong makita kundi ang kulay pulang likido na umaagos sa balikat ko .

" Tumawag na kayo ng mang gagamot malalim ang bala na bumaon sa balikat niya "

" Iha "

" ate "

Halos hindi ko maramdaman ang sakit , ngunit iba ang nararamdaman ko sa ngayon , naramdaman ko na to alam ko .

" Cloud? " Isang nakakatakot na boses ang nagpabalik saakin sa realidad at tiyaka ko lang naramdaman ang kirot sa balikat ko.

" Sino ang bumaril ? " Seryosong tanong nitong lalaki kanina.

Habang nagkakagulo sila doon pumasok na ako sa bahay ni nanay at nag hanap ng puwedeng pang hila dito sa bala , pwede na yata ang tiyane .

kumuha nadin ako ng isang planggana na may maligamgam na tubig at alcohol mula sa bag ko .

" Arghhhh !!! pucha ! ang sakit !!! " Malakas na sigaw ko habang pilit na hinihila ang bala na nasa balikat ko.

" Ano ba magpabunot ka naman oh! Mauubusan ako ng dugo sayo eh ! Napaka rare lang pa naman ng dugo ko ! "

" INAYYYYYYY KOPO !!!! "

Halos magulat ako ng tumalsik ang bala at ang malakas na pag bukas ng kahoy na pinto ni nanay .

" Susmaryosep na bata ka " Dali dali akong nilapitan ni nanay at nilagyan ng tapal ang sugat ko .

" Tumawag na kami ng ambulansiya " Napatingin ako ng masama sa lalaking nasapak ko kahapon.

Nakaramdam nanaman ako ng kakaibang kilabot .

" Sino bumaril saakin?" Tanong ko sa lalaking sinapak ko.

" Si arturo " sagot nito saakin .

" Nasaan siya? "

" Bakit kailangan mo pa siya hanapin? " Kumalma ka heart wag ka papahalata na natatakot ka sa boses na iyon . Tagalog yun .

" Anong paki mo ! " sagot ko dito habang hindi tinitignan ang mukha niya. Kung ang boses at presensiya niya nakakatakot na pano pa kaya kapag mukha na.

" Just tell me ! " jusmeyo ano ba ginagawa mo lalo mo lang siya ginagalit.

"Nasaan sabi eh !! " Malakas na sigaw ko , kaya halos magulat si nay.

" Tch! Outside ! " Pagkasabi niya nun lumabas na ako.

Nakita ko ang bumaril saakin nakatali na . Dinampot ko ang baril at tinutok sa kaniya.

" M-miss I-ibaba mo yung baril baka maputok mo " Nginisihan ko ito .

" Saan mo gusto iputok ko ito? .. dito ba sa ulo or sa puso or sa bird mo , pili ka lang isa lang ah " Nakangising sabi ko dito .

" SAGOT!!! " Malakas na sigaw ko dito ." Manyak ka kung mata mo nalang kaya pasabugin ko " Halos mapatalon ako ng Bigla nalang bumulagta sa sahig at naliligo sa dugo ang lalaking manyak na ito . Nabitawan ko ang baril .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HEART STRING (On going)Where stories live. Discover now