"Bibigyan ako ni Lolo ng mana kung sakali mang bigyan ko siya ng apo."

"Gagamitin mo ang magiging anak mo sa kasakiman mo? Gano'n ka na ba kadesperada para makuha ang mana mo?"

"If I can't have mine, mapupunta iyon sa mga anak niyo." Deretsa niyang sagot.  Hindi inisip kong mao-offend ba niya ang pinsan.

Napalitan ng galit ang mukha ni Celeste. "Sa tingin mo ba, kaya kami nagsilang ng sanggol ay para makakuha ng mana kay Lolo? Ganyan ba ang tingin mo sa amin?"

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabi—"

"My husband owns a company, Sera's husband owns one too. Eros is a doctor, kaya niyang sustentihan ang pamilya niya. Alexa can live her life without money from Lolo. Hindi namin kailangan ng pera ni Lolo para mabuhay." Punto nito.

"I am sorry if you think it that way."

"You are not sorry, Roxanne. Gusto ko lang ipaliwanag sa'yo na hindi sa lahat ng oras, nakadepende ang isang tao sa pera" Kalmado man si Celeste, ay alam niyang gusto na siya nitong sigawan at paalisin sa bahay nito. "Hindi ko lang inaasahan na maririnig ko iyan mula sa'yo. Hindi ko rin inaasahan na ang isang katulad mo na successful na sa career ay maghahangad pa ng higit. Of all people." Mahihimigan niya ang pagkadismaya sa tono nito.

Tumayo siya. "I'll leave then." Bago pa man siya makahakbang ay muli itong nagsalita.
Nakatalikod ito at hindi na muli pang lumingon sa kanya.

"Lucien is a good guy, you know. I just hope you look at him and realize that he is more than what he is. All you have to do is give him a chance. Give yourself a chance aswell."

Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito at pumanhik sa itaas ng bahay nito. Siya naman ay lumabas na ng bahay nito.

Bigla ay bumigat ang puso niya. Hindi niya akalaing gano'n pala ang magiging kalalabasan ng pag-amin niya. Napagtanto niyang may mali siya.

'Give him a chance.'

Pero hindi niya kailangan ng tao sa buhay niya. Hindi niya kailangan si Lucien para mabuhay. Ang kailangan niya ay anak na maibibigay nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay maghihiwalay na sila ng landas.

Iyon lang ang mahalaga, at iyon lang ang kailangan niyang itatak sa isip niya.

Kung anuman ang nararamdaman niya ay kailangan niya iyong itapon. Kailangan niyang pilitin na huwag maramdaman.

'The sooner I get pregnant, the better.' aniya sa isip.

SALUBONG ang kilay ni Roxanne nang makita na sarado ang bar ni Lucien kinabukasan.

Gusto sana niya itong kausapin upang pag-usapan nila ang kanilang kasunduan. Ngunit wala ito roon.

Nagtungo siya sa apartment; nagbabakasakaling naroon ito. Hindi naman kasi ito umuwi sa bahay niya kagabi.

Naroon parin ang 'for sale' sign nito.

Naging malalim ang pagbuntong hininga niya bago niya pinindot ang doorbell ng pinto ng unit ni Lucien. Ngunit walang sumagot.

Muli niya iyong pinindot, ngunit makaraan ang ilang segundo ay walang nagbukas. Inis niyang pinihit ang nakasarang pinto; nagbabakasaling bukas iyon, ngunit hindi rin.

"Where is he?" Naiinis niyang tanong sa sarili.

Nasa gano'ng sitwasyon siya nang mapansin ang isang kulay asul na box sa harap naman ng kanyang apartment unit.

Kunot noo niyang tinungo iyon upang tingnan kung ano ang laman. Sa ibabaw ng box ay may isang papel.

Kanya iyong kinuha at binasa.

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now