Nakarinig na lang ako ng pagbagsak sa sahig. Nahulog din ang painting sa wall. Sino ba kasi to? Sinilip ko sya sa baba ng kama ko at... agad akong napatakbo pababa ng kama at sinapat sya.

O____________________O

"OMG Ian! Okay ka lang?" yeah right. Tama kayo ng basa. Si Ian the great ang nandito.

"Sorry sorry. Kasi naman e... bakit ka ba nambubulabog." sabi ko habang tinutulungan sya tumayo.

"Wow ha. Ako pa ngayon?" bwelta nya.

"Ayy, sorry." umupo naman kami pareho sa may sofa.

"Ano ba kasing nangyari sayo?" tanong ko habang nagdi-dial sa telepono.

"Kasi naman, sinusubukan lang naman kitang gisingin. More on... to surprise you. Pero ako ata ang nasurprise. Nakaupo ako sa kama ng bigla ka na lang nagwala... Ang sakit pa--- may bukol ata ako."

Sasagot pa sana ako ng bigla na lang may sumagot sa kabilang linya. "Good morning. What can I do for you?"

"Cold compress please. Samahan mo na ng yelo, malamang." nag-okay naman sya kaya binaba ko na.

"Sorry na nga di ba? Bakit ka ba kasi nandito?" hinantay namin ang crew ng ilang minuto. Dumating naman sya agad. Ako na ang nagbukas ng pinto at kinuha ang compress.

"Here ilagay mo sa noo mo." sabi ko. Sinunod din naman nya.

"Binibisita ka." napataas ako ng kilay sa kanya. Weh? Sya binibisita ako. Oh lord! Kill me now.

x_________________x

"Aray naman pinsan. Parang sinabi mo naman na nagsisinungaling ako at hindi ko kayang gawin yun." nilagay nya pa ang kamay nya sa dibdib nya na kunwaring nasasaktan sa sinabi ko.

"Exactly. You are not capable to do something like.... that. Like this."

"Ang sama mo." sabi nya at nagpout pa sya. Paksheeet! Nakakadiri.

"Ewww.. Ian! SPG yan." tinuro ko pa yung nguso nyang naka-errr----- pout?!

"Fine. I'm bored kaya ako nandito. Happy?"

Yeah! I won. I told you. He is not capable to do something like this. Hahaha. Minsan lang ako manalo sa kanya kaya itodo na.

"Wait me here, 'kay? Sabay na tayo magbreakfast. Magpe-prepare lang ako." tsaka ako naglakad papuntang Cr.

-

Pagtapos kong maligo at iayos ang sarili ko ay agad din kaming bumaba para makapag-breakfast. Nag-order lang kami ng egg, bacon and fried rice together with fresh orange juice. Grabe, nago-order pa lang kami natatakam na ko. Hihi ^________^

"Hinahanap ka nung madaldal at walang pakialam sa mundo mong kaibigan." sabi ni Ian.

"Huh? Sino?"

"Wow, nagtanong ka pa ha." sarcastic nyang sabi.

Madaldal? Walang pakialam na kaibigan? Sino ba yung sinasabi nitong ungas na to.

-______________-??

*TING*

Si Ji Yoon at Shine. Ay grabe buffering ako. Hina ng loading ng utak ko. Pssh. GUTOM KASI AKO. Che!

"Alam ko." mahina kong sabi.

Kumusta kaya sila? Ano kayang nangyari sa concert? Siguro sobrang saya. Panigurado ang dami ring tao. Wahhhhhhh! Naiinggit talaga ako. Huhuhu :'(

Pero sa malamang lamang si Ji Yoon lang ang nag-enjoy. Baka si Shine bored na bored. Yes KPOP fan kaming tatlo. Pero sadyang di lang halata kay Shine. Bored na bored pa sya kung nanunuod kami ng mga concert. Napagkakamalan ko na nga minsan na hindi sya talagang kpop fan. Basta ganun. Paki intindi. Kasi kahit ako di ko maintindihan.

Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION- Where stories live. Discover now