Chapter 27

1.2K 57 3
                                    

A/N: This chapter is dedicated to @havingsmartmouth. Thank you sa book cover.

-

So Nyeol's POV

'Sasagutin ko na ba sya?'

Ilang araw na nga ba simula ng maitanong ko yan sa sarili ko. I think 3 or 4 weeks ago. Isang buwan na rin. Sa loob ng mga araw na yun, tanging katagang yan ang naiisip ko. Sa loob din ng isang buwan, lalo ring lumalalim ang pagtingin ko kay Kookie.

Lagi ko syang kasama--- syempre maliban sa mga araw na busy sya. Lagi ko syang katext at madalas syang tumatawag. Maraming beses na rin nya akong napasaya. Sabagay, presence pa lang nya masaya na ko. He always make sure na lagi syang may baon na surprise para sa akin. Sino nga bang hindi ma-i-in love sa ganun?

Gustong gusto ko na syang sagutin. Pero laging humaharang ang takot at kaba. Takot akong masaktan. This may sounds corny but yes it's true. I'm afraid to cry. Natatakot ako na baka isang araw magsawa na sya saken at iwan na nya ako. Baka hindi ko yun kayanin. OA na kung OA pero wala e. Takot ako.

"Hey.. may problema ba?" tanong saken ni Jungkook. Kasama ko kasi sya ngayon. Niyaya ko syang magpicnic. Wala lang, trip?

"Ah.. wala." tangi kong sagot.

"Di ka ba masaya?" napalitan ng lungkot ang kaninang masaya nyang mata.

'This is what I hate... I can't resist his charms.'

"Of course not."

"Ah." sumandal sya sa puno at tumingin sa mga batang naglalaro. Silence filled us. Tila nawalan ako ng sasabihin. Ano ba to? Ilang sandali pa ay binasag ko ang katahimikan namin.

"Jungkook di ka pa napapagod?" yan ang lumabas sa bibig ko. Di ko magawang tumingin sa kanya dahil sa di ko malamang kaba.

"Ha? Hindi." sabi nya. Parang nabunutan ng tinik ang puso ko dahil sa sinabi nya.

"Bakit? I mean, di ka pa ba napapagod sa kakahintay na sagutin kita. Lagi ka na lang nanjan pero di ko yun masuklian tapos---" bago ko pa matuloy ang sinasabi ko ay naramdaman ko na lang ang biglaang pagyakap nya saken.

"Wag mong sabihin yan. Kailanman di ako mapapagod sayo. Kasi mahal kita. At kahit gaano katagal mo pa kong paghintayin, hinding hindi ako aalis sa tabi mo. Ganyan kita kamahal." di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Napangiti na lamang ako at niyakap sya pabalik. Sa ngayon, kuntento na ko nakayakap sya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak. Masyado akong masaya sa narinig ko.

"Sshh. Stop crying." pinunasan nya ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko. "Just always remember that I'm always at your side, okay?" tumango na lamang ako at hinalikan nya ako sa noo.

'Ang swerte ko dahil minahal ako ng lalaking tulad nya.' isip isip ko.

-

"Napaka hard to get mo! Pabirhen ka pa. E gustong gusto mo naman sya." bulyaw saken ni Ji Yoon.

"E sa natatakot ako e." depensa ko sa sarili ko.

"Na ano?! Na masaktan?" natutuliling na ang tenga ko sa kakasigaw nya e. Tsk -_____________-

"Oo." mahina kong sagot.

"Pano mo malalaman kung masasaktan ka e kung hindi nga KAYO. Sige nga aber?" nakapamewang nyang saad. Nanatili na lamang akong tahimik.

Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION- Where stories live. Discover now