Wala namang mali kay Ashton. Matangkad, mayaman, matalino at may maipagmamalaking hitsura. Pwede na itong gawing modelo kung tutuosin. Walang babae ang hindi maghahabol rito at napatunayan naman niya iyon.

Iyon nga lang, hindi ito ang tipo niya. Mukha kasi itong supremo. Pakiramdam niya, kung magiging asawa niya ito, malamang ay magiging sunod sunuran siya.

"I want you."

"Para saan?"

"I want you to be my date this coming event. My family is holding an event and I want you to be my date."

"Sorry, I am kinda busy."

"Busy? Going in and out to that bar?" Nakangisi ito. "Sa pagkakaalala ko, hindi ugali ng mga Herrera ang magpunta ng bar—pwera nalang kay Everest. He is half, after all. But you.. naligaw ka ata."

Naningkit ang kanyang mga mata. "Pinapasundan mo ba ako?"

Nagkibit balikat ito. "I guess. There is no point of lying when you already know the answer."

"You? Ashton Zaldriagga had been following me?" Sarkastika siyang natawa. "Wow. Matutuwa na ba ako? Mahaba na ba ang buhok ko niyan? Dude, you are creepy."

"Siguro nga ay hindi mo pa ako lubos na kilala." Nagsimula itong humakbang palapit sa kanya. Ang mga kamay nito ay isinuksok sa bulsa ng suot na slacks at matiim na nakatitig sa kanya.

Dahil matangkad ito ay bahagya itong bumaluktot para pantayin ang laki nilang dalawa.

Napaatras siya.

"Kapag may gusto akong makuha, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"I like you, Roxanne."

Natigilan siya at napatitig lang sa lalaking kaharap. Naghahanap ng tamang sasabihin sa tinuran nito.

Ito, gusto siya?

Hindi pa man siya nakaka-limot sa nangyari sa kanila ni Lucien kagabi. Sumabay pa si Ashton sa pang-gugulo sa isip niya.

"So, I'll pick you up tomorrow night."

Kaagad siyang natauhan sa sinabi nito. "Bukas ng gabi? I didn't even say yes!"

"You don't have to."

"Wow ha!" Manghang aniya. "Ako ang niyaya mo kaya ako ang magdi-desisyon kung sasama ako sa'yo o hindi."

"Then, what?"

"No. May lakad ako."

Ngumisi ito. Ang mga mata ay bahagyang naningkit, animo'y may pinaplano. "I assumed you'll say that. I'll see you tomorrow night, then." Ang kamay nito ay dumaan sa bewang niya patungo sa doorknob. Narinig niya ang pagpihit nito at bahagyang pagbukas ng pinto.

"Seriously? Wala ka ba talagang naintindihan sa mga sinabi ko?"

"I told you, I can do everything to get what I want." Akma nitong hahalikan ang labi niya nang kaagad ay umiwas siya.

Mabilis niyang nilayo ang sarili sa lalaki.

"Get out."

"Ipapadala ko nalang sa apartment mo ang damit na gagamitin mo bukas."

"I am not coming."

"Tignan natin." Pagkasabi niyon ay lumabas na ito.

"I SWEAR, that the evidence that I shall give, shall be the truth, the whole truth and nothing but the truth, so help me God."

Herrera Series 7: Owning the TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon