Nasa kalagitnaan ako ng aking mahimbing na tulog ng kumatok ang sino mang nilalang na iyon sa pinto ko.
Tumayo ako mula sa kama at hindi na nag atubiling magpunas ng muta or panis na laway saaking mukha.
" What? "
" Ate gising ka na daw sabi ni mama at mag luto ka na daw ng almusal natin , anong oras na daw kung maka tulog ka para ka daw prinsesa . " Inis kong tinignan ang kapatid kong 11 years old .
" Ano ako nanaman mag luluto? andiyan naman si kuya ah! Bakit hindi nalang siya palagi nalang ako ! Kainis hah! . " padabog na sinara ko ang pinto at bumaba sa kusina . Doon nalang ako maghihilamos may sabon naman doon pang hilamos sa mukha.
" Goodmorning Heart " Nakangiting bati ni kuya darwin saakin ngunit inirapan ko lang siya.
" Hindi good ang morning ko kuya ! " Padabog kong hinimas ang kanin na sasangagin ko at tiyaka ko binuksan ang kalan ng malakas at ipinatong ang kawaling hindi pa mainit. Nag dikdik nadin ako ng bawang mga limang piraso para masarap.
" Mama si ate nag dadabog " Sigaw ng kapatid ko . Epal lang. Babatukan ko na ito eh !. Napaka sipsip , hindi naman siya straw !.
" Ano ba iyan Heart! Minsan ka na nga lang mautusan nag dadabog kapa! " Sigaw naman ni mama pabalik. Kinuha ko ang Tianse at tiyaka Hinampas sa kapatid ko ng malakas.
" Oh hala sige iyak! lalo kitang hahampasin nito ang epal mo ah! " Inis na sabi ko sa kapatid ko habang nakaturo ang tianse sa mukha niya. Minsan hindi ko na mapigilan na patulan ang kapatid ko dahil sa ka-epalan nito.
" Susumbong kita kay papa kala mo ah! " Sabi nito habang pinipigilan ang pag iyak.
Inis na ibinalik ko sa pagluluto ang paningin ko. Nang matapos ako mag luto .
" MAMA!! KAKAIN NA ! ANO KANIN PABA LALAPIT SAYO !! " sigaw ko sa mama ko .
" Baliw ka talaga " Natatawang sabi ni kuya darwin.
" Oh daryl mukhang umiyak ka " Tinignan ko ng masama si daryl , subukan mo lang mag sumbong .
Nandito ako ngayon sa kwarto inaayos ang ringlight ko at ang camera na gagamitin ko for my vloggs. Yes vlogger ako guys hindi nga lang halata . At ang Content ko ngayon is make up tutorial.
Isinet ko na ang camera at mga gagamitin ko .
" At muling nagbabalik ang inyong mamahalin at minamahal na si HEARTY , So guys ang bago nating video is make up tutorial ang dami kasi nag rerequest nito saakin , so i seshare ko sainyo ang Make up ko kapag umaalis ako. Syempre kailangan malinis muna ang inyong mukha bago kayo mag lagay ng anik anik sa inyong mga magagandang mukha. Ito po ang gamit kong cleanser , I punas mo ito sa buong mukha mo ng gentle and huwag kakalimutan huwag tatamaan ang inyong mata at bibig . Yes guys ganito ako mag punas sa mukha ko Binabasa ko talaga yung cotton balls tas uunahin ko yung Noo ko at isusunod tong Sa ibaba ng kilay ko and the rest buong mukha ko na . Pagkatapos linisin ang inyong mukha sisimulan na natin ang paglalagay ng anik anik sa mukha.Ito yung gamit kong brand ng liquid foundation , guys maganda siya hindi siya katulad ng ibang foundation na namumuo sa mukha kapag inapply mo, mga puso hindi ako directly naglalagay ng foundation sa mukha ipinapahid ko muna ito sa pulso ko tas doon ako kukuha ng ilalagay ko sa mukha ko , Hindi ako sanay sa makapal na Foundation kaya unti lang nilalagay ko mga puso . Tapos na tayo sa Foundation Maglalagay naman tayo ng concelear sa maiitim na parts , totally pwede din siyang gawin panlagay sa mukha kung naubusan kayo ng foundation . tapos na tayo sa mga pahid pahid dito naman tayo sa Kilay , Ewan ko ah pero kasi sa ibang Make up tutorial inuuna nila is iba pero ako sinusunod sunod ko siya . Ginagamitan ko muna ito ng pang eyebrows pencil , iginuguhit ko ito hanggang gitna ng kilay ko tsaka ko siya i brabrushpop pagawi, tsaka ko siya uulitan ng liquid eyebrows . Ayan pantay na , Next naman natin eh yung sa Eyelids , Brown and black ang nilalagay ko gusto ko kasi yung mga dark color . Pagkatapos ng eyelids Sunod naman ang Mascara para sa Eyelashes . isunod naman natin ang lip stick , hindi talaga ako sanay sa normal na lipstick mas gusto ko yung liptint. So ayun nga guys tapos na tayo And tadahhh!. Thank you for watching Mga Puso if you enjoy the video like , comment and share and subscribe to my youtube channel . Thank you Mwaaa! . "
YOU ARE READING
HEART STRING (On going)
RandomIsang babaeng nakatulog mula limang taon at Papasok sa Buhay ng Isang Seryosong Lalake . She promised me she never leaves by my side !. After 4 years she's back , matutuloy kaya ang pag iibigan ng dalawa ? Letsee!. Yoona and taehyung second story .
