Humaba ang nguso niya pero hindi na nagsalita pa.

Pagkaraan ng isa pang oras ay narating na namin ang bahay.

"You can sleep here nalang para makapagpahinga ka na. Your apartment is quite far from here, sabi mo pagod ka na." Ngumiti siya ng malawak dahil sa sinabi ko.

"Ang sweet naman."

"No. Baka kasi maibangga mo pa ang sasakyan ko." I said, kahit na nag-aalala naman ako talaga dahil halata sa mukha niya ang kapaguran.

"Mas inalala pa talaga ang kotse kaysa sa boyfriend."

I opened the car's door at dumeretso na agad sa loob ng bahay. Naabutan ko si Nanay Kas. I hugged her.

"Good evening, Nanay."

"Amira, kumain ka na ba?"

"Yes po, Nay. Dumalaw po kami ni Ozi sa Home for the Angels kaya nagabihan, doon na rin po kami nagdinner kasama ang mga bata." I explained.

"Nasabi nga ng Daddy mo, hija."

"He's here po?"

"Nasa study room niya. Kanina pa nga siya hindi lumalabas, hinatiran ko nalang siya ng almusal, tanghalian at hapunan niya doon." Tipid akong ngumiti kay Nanay. She understands naman kung bakit ganon si Daddy.

"I'll go to him, magpahinga ka na rin po, Nay." Tumango siya, at napatingin naman sa likuran ko.

"Oo nga po pala. Ozi will sleep here tonight. Pagod na raw po siya eh, baka po kung mapano pa sa daan..." Nanay looked at me, "...at masira ang kotse ko." I added. Tumawa lang ang matanda.

Lumapit si Ozi sa amin at binati si Nanay.

"Oh siya at ihahanda ko nalang ang matutulugan niya."

"No, Nay. Magpahinga na po kayo. Ako na ang bahala."

"Sigurado ka ba Amira?" I was about to answer Nanay when Ozi butted in.

"Nako po, baka sa kulungan ako ng aso patulugin ng alaga niyo, Nanay. Walang awa po 'yan eh." Kumapit pa siya sa braso ni Nanay. I bit the insides of my cheek to prevent myself from smiling. He was cute while his arm was encircled sa braso ni Nanay Kas at nakanguso. What the heck, parang bata!

He even whispered at Nanay Kas. Pinanlakihan ko naman siya ng mata baka kung ano na ang sinabi. Ang daldal pa naman niya!

"Amira, Ozi. Nandito na pala kayo." Tsaka lang namin napansin na nakababa na si Daddy.

He can still walk straight pa naman kaso mapupungay na ang mga mata dahil siguro sa pag-inom niya ng alak.

Nagmadali akong lumapit sa kanya at niyakap siya pagkatapos ay hinalikan sa pisngi.

"Dad."

"I'm fine." He said.

He's not. I pouted. He just pinched my cheek.

"We'll talk tomorrow. Matulog ka na." He said.

"At ikaw?"

"I'll talk and have some drink with Ozi, narinig ko dito muna siya matutulog?" I nodded.

Tumingin ako kay Ozi na pinapanood pala kami.

"Okay. Goodnight, everyone." I told them.

Bumaling ulit ako kay Dad at nagsalita ng mahina.

"Daddy pagod 'yan si Ozi huwag mong painumin ng marami. And you old man, alam kong kanina ka pa nag-iinom kaya magpahinga ka na rin after niyo mag-usap at tumagay ng kaunti. Okay?" Pagpapaalala ko. Kawawang Ozi, mukhang wala siyang choice but to have some talk and drink with Daddy pa instead na magpahinga na siya.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Onde histórias criam vida. Descubra agora