Wasted: The beginning

67 2 0
                                    

"Magandang araw! Ako nga pala si Mira. Masiyahin at sinisiguro kong malalapitan niyo ako kahit ano pang problema niyan!" Nakangiti at bibong ani ko.

"Talaga? Malalapitan kita kahit anong problema?"

Napalingon ako sa batang nagtanong. Ang ganda niya, maputi at mahahalatang anak ng mayaman.

"Oo naman no! Bakit? May problema ka ba?"

Lumapit ako sa batang babae na iyon. Tinitigan ko ang maganda at maamo niyang mukha.

"Anong pangalan mo? At ilang taon ka na?"

"My neym es Ayrah, aym seven yers old. Ikaw?"

Napaatras ako sa gulat. Nako inay! May lahing corn beef pala ito.

"Ah.. Ano Ayrah, marunong ka bang magtagalog?" Alanganin kong tanong sa kaniya.

"Hindi Ayrah, Ay rah."

"Ha? Hindi ba magkaparehas lang yun?"

Kumuha ng papel at lapis si Ayrah at may isinulat. Nang matapos siyang magsulat ay ipinakita niya ito sa akin.

Eira

"Ahhh Eira pala. Pasesnsya na. Ako naman si Mira, pitong taong gulang. Magkaedad lang pala tayo."

"Pwede ba tayong friends?"

"Oo naman!"

"Really? Yehey I have a kaibigan na! Mommy won't bring me sa ibang bansa because meron na akong best friend." Tuwang-tuwang ani nito.

"Talaga? Dadalhin ka ng nanay mo kung wala kang magiging kaibigan dito?"

"Oo. That is my problema Mira kaya nong narinig kitang nag introduced sa front ay tinawag agad kita. Mukha ka namang kind e."

"Naku! Eira wag kang magalala, sasabihin ko sa nanay mo na hindi kana ipapadala sa ibang bansa dahil kaibigan mo na ako."

"Maraming thank you Mira. I'll be good and I'll be always at your service, sana ganon ka rin."

"Oo naman! Ako ang magiging darna mo kaya wag kang magalala." Nakangiti kong ani kay Eira.

~~~~~

"Bangon na Mira! Alas sinco na bakit nakahilata ka parin jan ha? Antamad-tamad mo talagang bata ka kahit kaylan! Sana pinatay nalang kita bago ka lumabas sa mundong to! Ano? Hindi ka talaga babangon?"

Pinigilan kong tumulo ang mga luhang nagbabadyang umagos ano mang oras. Nasanay na ako na pinagsasalitaan ako palagi ng mga masasakit na salita ni nanay at tatay pero ewan ko kung bakit hindi parin matanggap ng puso ko yung mga salitang binibigkas nila nang paulit-ulit.

"Andyan na ho Nay."

Dahan-dahan akong bumangon mula sa hinihigaan kong katreng pangisang-tao ang laki. Sa ibabaw ng katreng kawayan ay pinatungan ko ito ng pinagipon-ipon kong karton para hindi ako ginawin dahil isang manipis na kumot lamang ang pansangga ko sa katawan para hindi lamigin.

Masakit at pagod na pagod akong bumangon dahil sa marami akong nilabhan kahapon.

Tumatanggap ng labada si nanay at ako ang pinapalaba niya ng mga iyon tulad kahapon ay pulos bed sheets ang nilabhan ko kaya naman ganon nalang ang pananakit ng likod ko at idagdag pa na dinatnan ako ng buwanang-dalaw kahapon habang naglalaba at hindi ko lang man napansin hanggang sa matapos ako't makaligo doon ko lang nalaman.

Pinaghalong sakit ng katawan, pagod at sakit sa puson ang nararamdaman ko nang biglang pumasok si nanay sa loob ng silid ko at hinila ang buhok ko palabas ng bahay.

"Nay masakit po, tama na po."

"Ang tamad-tamad mo talaga! Hindi kana natuto. Matanda kana't lahat batugan ka parin. Sana hindi nalang kita binuhay!"

Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko ng isubsub ni nanay ang mukha ko sa plangganang may tubig.

"Nay tama na ho." Humihikbi kong pakiusap.

"Anong tama na ha?" Kasabay ng sigaw na yon ni nanay ay ang paghampas niya sa braso ko ng tablang ginagamit ko sa paglalaba.

Paulit-ulit niya akong pinaghahampas ng tablang iyon habang paulit-ulit ding binabanggit ang mga masasakit na salitang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin.

Nakakasawa na...

Hindi nalang ako pumalag at humihikbing tinitigan ko ang mukha niya at lalong nadurog ang puso ko nang mabasa ang nararamdaman niya sa kaniyang mukha at mga mata.

Nang makontento si nanay ay itinapon niya sa mukha ko ang tabla at tinalikuran ako para pumasok sa bahay.

Mas masakit yung salita at nakikita ko sa mga mata mo nay kesa sa ginagawa mo sakin. Ansakit-sakit.

Gusto kong sabihin iyon lahat kay nanay. Gusto kong sabihin sa kaniya yung mga nararamdaman ko pero alam kong hindi niya iyon pagtutuonan ng pansin at lalong-lalo nang pagsasalitaan niya lang ulit ako ng masasakit na salita.

Ang mga pasa at sugat ay naghihilom pero yung puso kong may malaking butas dahil sa mga salitang natatanggap ko mula sa kanila ay wala na yatang paraan para maghilom.

Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanila pero ang mga paulit-ulit nilang sinusumbat sa akin ay hindi na yata nawawala.

Sinulyapan ko ang braso kong namumula at namamanhid, panigurado ay magiging pasa na naman iyon.

"Ano na namang katarantaduhan ang ginawa mong putangina ka? Wala ka talagang sibli!"

Nagulat ako nang biglang dakmain ni tatay ang mukha ko at hinampas sa pintuan ng bahay namin.

"Tay." Umiiyak ako at kinapa ang ulo kong inihampas niya.

"Wala kang kwentang bata ka! Ano na naman ba ang ginawa mo't galit na galit na naman ang nanay mo ha?" Galit na galit niyang tanong sa akin.

Agad nangatog ang tuhod ko nang maramdamang nanakit ang puson ko. Mas nangingibabaw ang pakiramdam na iyon kesa sa ginawang hampas ni tatay at sa kaninang panghahampas ni nanay ng tabla.

"Wala ho akong ginawang masama tay." Humihikbi na ako at hindi na napigilang dumausdos paupo dahil masakit na masakit na talaga ang puson ko. Napapikit na lamang ako at napadasal.

"Ang arte-arte mo! Wala ka talagang kwenta! Dyan ka na nga!"

Sakit sa puson ko man ang nangingibabaw na nararamdaman ay nagpapasalamat parin ako nang maramdamang umalis na si tatay.

Masama man ang pakiramdam ay nilingon ko ang mga labahing tinanggap na naman ni nanay at napagdesisyonang labhan na lang ang mga ito para sakaling hindi na muna ako bungangaan ni nanay.

Araw ng linggo ngayon at pasukan na naman bukas pero hindi ko pa nasasagot ang mga assignments ko dahil sa marami akong ginagawa.

Hapon na nang matapos akong maglaba at nanginginig na ang mga kalamnan ko dahil hindi ako nakapag-almusal at tanghalian dahil sa kakalaba. Hindi ko narin iniinda ang pagod at sakit sa katawan dahil mas lamang na ang gutom na nararamdaman ko. Hindi rin naman magaabala ang nanay para pakainin ako.

Pagkatapos linisin ang likod bahay kung saan ako naglalaba ay pumasok na ako sa bahay at naghanap ng makakain. Nagpapasalamat ako dahil may iniwang isang pirasong tamban na tuyo at kaning mula pa kagabi sina nanay.

Maraming salamat po mahal na panginoon sa pagkain.

Sinimulan ko nang kumain at hindi ko napigilang humikbi habang sumusubo ng kanin nang maalala ko kung ano ang ginawa nina nanay at tatay sa akin.
~
Maeyang♡

Wasted (On Going) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن