"Depende. May the best accountancy student win," hamon ko sa kanya.

Kaibigan ko na si Sulivan ngayon pero hindi ibig sabihin ay hindi na ako mag-aaral nang mabuti. Gusto ko pa rin siyang talunin pero hindi tulad dati, matatanggap ko na ngayon kung matalo niya man ako.

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ako ang nangunguna. Ang mahalaga ay ginawa ko ang makakaya ko para masungkit ang pinakauna.

Kinagabihan ay bumisita ulit si Tita Victoria. Medyo natakot ako dahil baka hindi maging maganda ang resulta ng pagbisita niya tulad noong huli. Gusto ko sanang nando'n ako habang nag-uusap sila pero pinaakyat ako ni Papa sa kwarto ko. Wala akong ibang magawa kundi ang umupo malapit sa pinto ng kwarto ko, alertong pinakikinggan kung may nababasag ba sa labas o wala.

Ilang oras ay kinatok ni Papa ang kwarto ko at sinabing aalis na si Tita. Nagpaalam ako sa kanya at bahagyang nagtaka nang makita ang kakaibang saya sa mata niya, ngunit ang saya niyang ito ay walang-wala sa sayang ipinapakita ng mata ni Papa.

"Anak, lilipat na tayo ng bahay."

Nabigla ako sa sinabi ni Papa. Hindi ito halos rumehistro sa isip ko. Kailanman ay hindi tinatanggap ni Papa ang suhestiyon ni Tita Victoria. Lagi ay tinatanggihan niya ito.

Nang mapagtanto ang mga nangyayari ay dahan-dahan akong tumango. Siguro'y ito na ang bahay na pagmamay-ari ni Papa na tinutukoy ni Tita Victoria. Gusto ko pa sanang magtanong pero alam kong pareho lang ang isasagot ni Papa. Hindi pa tamang panahon.

We became really busy with organizing our several stuff for the next days. Tita Victoria would visit us every now and then to check our progress. Sulivan would sometime help us with our works and again, Papa was moved because of that. So, he really likes Sulivan now, huh? Akala ko ba'y ayaw?

"Ano, anak? Ayos na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Papa nang oras na ng alis namin.

"Opo, Papa."

"Sigurado ka, ha? Walang librong naiwan sa kwarto mo? 'Yung mga gamit mo sa ilalim ng kama, baka hindi mo pa nakukuha."

Ngumiti ako. "Wala na po akong gamit na naiwan, Papa."

Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. I returned his smile but still, I couldn't wipe off the sadness I felt while watching my home for almost 20 years. 

Alam kong hindi ito kagandahan sa paningin ng iba pero para sa akin, walang kasing ganda ang bahay na ito. Hindi man kalakihan pero maitituring ko itong kayamanan.

"Ayos lang ba talaga sayo, anak, na lumipat tayo?" nag-aalalang tanong ni Papa nang makita ang lungkot sa mukha ko.

"Ayos lang talaga, Papa. Medyo nalulungkot lang dahil.."

I couldn't find the right words to explain what I'm feeling right now. Mabigat sa loob na maiwan ang bahay na itinuring mong tahanan sa loob ng maraming taon.

Napatingin ako kay Papa na nakatingin din sa bahay. May lungkot sa mukha niya pero kapansin-pansin pa rin ang kinang sa mata niya. Habang tinitingnan ang mga mata niya'y doon ko napagtanto na ayos lang talaga. Ayos lang lumipat kami kahit saan basta ba't kasama ko si Papa. Kung nasaan siya, nando'n ang tahanan ko. He's my home, forever be my home.

Isa pa, kahit na iwan namin ang bahay na ito, bitbit naman namin ang lahat ng alaala sa loob nito.

"Give that to me.." bumaling ako kay Sulivan nang kunin niya sa kamay ko ang huling bag na nilagyan ng mga gamit namin.

"Thanks."

Dinala niya ito sa sasakyan niya. Tumingin ako kay Papa na taas-kilay na nakatingin sa kanya.

"Talaga bang kaibigan mo lang ang isang iyon?"

"Oo nga po, Papa.." namumula kong sagot.

Sa sasakyan ni Tita Victoria nakisabay si Papa samantalang kay Sulivan ako nakisabay. Pinaandar niya ang makina ng sasakyan samantalang nanatili lang akong nakatingin sa bahay namin.

"Do you want to stay for a moment?" he asked when he saw me still looking at our house.

"Hindi, ayos lang."

Nauna na rin kasi sila Papa kaya baka magtaka iyon kung hindi pa nakakasunod ang sasakyan ni Sulivan.

"You must be really sad now."

"Yeah.."

Hindi na siya nagsalita pa at nagpapasalamat ako doon. Minsan kasi, pag ganitong lungkot ang nararamdaman ko, gusto kong manahimik muna. Ayaw kong may kumakausap sa akin.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa taas ng glove compartment.

"Can you answer it for me, please?"

Inabot ko ito at tiningnan ang caller. "It's Dylan.." I informed him before pressing the accept and loudspeaker button.

Bahagya kong nilapit ang phone sa bibig niya.

"What's up, mate?" nakangising bati ni Sulivan sa kabilang linya.

"Yo, yo, yo! Anong balita, dude?"

Napangiti ako habang pinakikinggan ang malakas na boses ni Dylan. Huli ko siyang nakita ay noong sinabi niyang gusto niyang maging engineer dahil nangibang bansa ang buong pamilya nila ngayong bakasyon.

"What kind of news you want to hear? Oh, alright. She was with us the last time we hang out. Kakauwi lang galing bakasyon."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka pero hindi ako nakisali sa usapan nila.

"Hindi 'yon, gago!"

"Alin ba?" tawa ni Sulivan.

"Anong balita tungkol sa inyo? Ano? Nanliligaw ka na ba, dude?"

In just a snap, Sulivan was already holding his phone and pressing the end call button. Taka ko siyang tiningnan.

"Are you okay?"

He cleared his throat and partly squint his right eye.

"Yeah.."

"Ba't mo pinatay?"

"Masyadong maingay. It's not safe hearing him talk while driving."

Tumango na lang ako at nilahad ang kamay para kunin ang phone niya. Matagal bago niya ito ibinigay sa akin kaya habang binabalik ko ito sa pinaglagyan niya kanina ay taka akong nakatingin sa kanya.

"Ayos ka lang ba talaga?"

"Ayos lang. Wag mo lang sagutin kung tumawag ulit."

"O-kay?"

Nagpatuloy kami sa byahe. Tahimik lang sa loob ng kotse pero hindi nakakailang ang katahimikang iyon. It was some kind of comfortable silence. Sumandal ako sa bintana at pinagmasdan ang mga paiba-ibang eksena sa labas.

"De Lopezes.."

"Hmm?" napalingon ako sa kanya. Nagtataka kung bakit binabanggit niya ang sariling apelyido.

Ngumisi siya pero hindi niya ako sinagot.

"Bakit?"

Lalong lumawak ang ngisi niya. He tilted his head and played his lower lip with his thumb.

"Sinusubukan lang.."

After Her Last Straw (Dream Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα