Grabe bilis pala nang panahon. Ano nabang date ngayon?? Hmm, 14. It's october 14. Parang yung birthday lang ni Franz e July, 19 e. Ang bilis talaga

Napakamot nalang ako sa ulo. Naalala ko may usapan kami ni Grey na susunduin nanaman daw niya ako at kakain kami. Grabe inaaraw-araw niya, halos sa pangmayaman na Restaurant pa naman kami lagi kumakain. Jusko nakakasawa kaya yung steak. Pero okay lang malabot naman e. Hihi tsaka libre

Balik tayo. Ayan na nakapasok na yung sunod naming Prof, si Ma'am Castro naman ngayon. Favorite ako nito e. Pano ba naman hindi ako nale-late sakanya haha, lagi din akong present, tsaka ako lang kase palagi kausap niya.

Nag-discuss na si Ma'am tutal nasabi niya na rin kase last time yung mga scores namin. Syempre highest ako.

Tutal last subject ko nalang 'to dahil pang-umaga lang naman ako e nakinig nalang ako. Wala rin namang akong makadaldalan. Si Raiza lang naman close ko dito tapos Hayun!! may katext pa siya. Hayst!! Sana all may lablayp!!

______

Grabe ang tagal mag discuss ni Maam nag overtime pa siya nang twenty mins. Iniwan kona si Raiza sa room tutal pupuntahan naman daw siya ni Tom. At 'eto ako ngayon naghihintay sa tapat nang gate. Ang sabi kase ni Grey susunduin niya daw ako at kakain nanaman kami.

Simula nung gabing malaman ko na siya yung nagte-text sakin at nalaman niya ring gusto ka rin siya. E halos araw-araw niya na akong pinupuntahan at lagi rin kaming nagla-lunch sa kung ano-anong restaurant.

Hayy. Buti talaga di ako ang nagastos kundi butas bulsa ko.

Nalaman ko rin na. Wala na palang magulang si Grey. Car accident daw. Dead on arrival. Parehas pala kami wala nang magulang.

Nakapunta na rin ako sa bahay niya. Yun yung time na may nakalimutan siyang papeles tapos kailangan niya pang balikan sa bahay niya. 'NIYA' kase simula nung namatay magulang niya e napasa na daw lahat nang kayamanan nang magulang niya sakanya.

Grabe. Sa edad na 21 may sarili na siyang bahay--ahh MANSION pala tamang word hehe. Ganda kaya nung bahay may swimming pool pa. Pangarap kopa naman yung ganon. Bahay na may swimming pool. Tss, sana all

Nakilala ko rin si Manang Minda, tumayong nanay niya simula nung ANO lamniyona!! Ang cute ni Manang Minda parang si Lola din siya madaldal tsaka mabait kaso wala na si Lola e.

Naalala kopa yung sinabi ni Manang

'Alam moba lagi kang kinekwento ni Grey saakin. Napakaganda mo d--'

'MAAANANGG MINDAA'

Hindi na natapos ni Manang nun dahil sumigaw si Grey tapos sinamaan siya nang tingin. Tinawanan lang siya ni Manang.

Seems like kinekwento nga ako ni Grey kay Manang Minda. Ano-ano naman kaya ang sinasabi niya tungkol sakin.

Nabalik ako sa reality nang ay bumusinang sasakyan sa harap ko. Malamang sino pabang kilala kong may ferarring pula??

Hindi na siya bumaba. Binaba niya nalang yung bintana nang front seat tapos sinenyasan ako na pumasok na.

Kumain kami sa isang Korean Restaurant. Nag samgyupsal kami. Hihi favorite ko kaya 'yon. In my whole existence tatlo o apat na beses palang ako nakakain 'don. Buti talaga marunong ako mag-chopstick

Pansin kolang ahh iba-iba kinakainan namin ni Grey. May Italian, French, Japanese, Korean etc... Balak ata naming kainan lahat nang iba-ibang nationality na Restaurant. Feeling ko tuloy lumilibot ako around the world haha.

Nakapagpalit na rin ako nang damit pang-opisina dun sa banyo nang Restaurant. Buti malinis banyo nila hahah. Chos!!

Habang biyahe kwentuhan lang kami nang kwentuhan. Minsan nga nagkekwento rin siya sa buhay niya. So dapat ako rin. Wala kaming ilangan, nagkakantahan pa nga kami e. Magaling din pala siyang kumanta. Biruin niyo yun??

"Ahh, Grey pwede ba next time kumain naman tayo sa carenderia" request ko. Nakakasawa na steak e.

"Saan ba meron nun?" tanong niya naman. Mukhang dipa nakakain sa carenderia

"Alam mo bang sa harap nang building nang Salazar Company merong carenderia?" tanong ko. Nakakain na ako dati dun e

Halata namang di niya alam nagkibit-balikat lang siya e.

"Dika paba nakakain don?" dagdag na tanong ko

"No, I use to eat in Restaurants" Ahh oo nga mayaman pala siya. "Pero gusto ko ring kumain sa carenderia. Gusto ko nang bago" sabi niya.

"Mas masarap kaya 'don. Tapos mura pa. Alam moba sa halagang singkwenta may lunch kana" Gumuhit ang gulat sa mukha niya.

"What the!! Dapat pala dun nalang ako kuamakain. Sayang yung halos dalawang libo ko sa lunch antin ahh!" sabi niya. Haha ang cute ni KURIPOT! Joke haha.

"Hahaha, dapat dun nalang tayo kumain palagi"

"Ibig bang sabihin gusto mo ako kasama kapag kumakain?" tanong niya. E anong big deal lagi naman tayong sabay kumakain

"Tss, Oo naman. Kumportable na ako sayo"

"Hmm, Talaga lang ahhh. Btw let's eat tommorow in Carinderia front of my building. Susunduin ulit kita" grabe yung MY BUILDING ahh.

Tumango lang ako.

Nakarating na kami sa parking lot. Pinauna kona siyang pumasok kase baka ma-chismis kami. Alam pa naman nang ibang mga empleyado e boyfriend ko si Renz.

Naghihintay pa ako nang five minutes sa Parking lot. Maaga pa naman e, may fifteen minutes pa ako bago ang duty ko.

Nagse-cellphone lang ako dun. Nagwa-wattpad. Ganda kase nang binabasa ko e.

Grabe kawawa naman si Sammy palagi nalang kinokontrol buhay niya. Di tuloy sila pwede ni TOP. Hayst!

Naglakad na ako at pumasok sa Elevator. Pinindot ko na yung number nang floor at close. Magsasarado na sana nang may biglang humarang para di tuluyan magsara.

Pumasok ang isang lalaking mid 50's ata. Napakapormal. Halatang kagalang-galang. Kahit na matanda na ito halata pa din ang kagwapuhang taglay. Nagsusumigaw rin yung salitang karangyaan dahil sa mga alahas. Mga singsing at kwintas. Mukha rin kagalang-galang

Grabe. Sino kaya 'to? Siguro isa sa mga investors o ewan.

Lumabas kaming dalawa sa parehong floor.

Pumunta na ako sa sariling cubicle ko. Nakita kopang pumasok siya dun sa isang office.

Na nakapangalan Ronnie Miguel Salazar

Siguro siya na 'yun dahil diko pa naman nakikita mukha nung Sir Ronnie e. May mga chismis din na nangupit daw 'yon nang pera sa kompanya para sa pagsusugal. Narinig kolang sa mga ka-emplemyedo.

Kinuha ko na yung mga papeles na pipirmahan ni Grey. Dapat kahapon pa 'to e. Kaso hanggang sa nag time na nang uwian ko. May meeting parin sila.

Nakuha kona. Mga 20 papers din ito.

Naglakad na ako papunta dun sa office niya.

"WHAT THE FUCK!!" huminto ako ilang dipa sa pinto nang opisina ni Grey.

Siya ba yung sumigaw??

Dali-dali akong naglakad at pumasok sa opisina.

And there i saw.

Broken vase , broken glasses.

Tapos dun sa isang tabi. May kahon may laman na da-DAGANG patay, may dugo-dugo tapos ang baho-baho.

Tinakpan ko agad yung ilong ko.

Pagbaling ko kay Grey. Galit na galit yung mukha niya. Ibang-iba siya sa Grey na kakilala ko. Ngayon kolang siya nakitang ganito. Namumula din yung mukha niya. Ang talim nang titig niya.

"WHO THE FUCK DID THIS??" sigaw niya pa.

____________

KEEP SAFE EVERYONE

It Started with a Kiss [COMPLETED] Where stories live. Discover now