Napakasakit din ng aking ulo. Patay na ba ako? Imposible. Bakit naman ako makakaramdam ng sakit kung patay na ako.

"Shan!!!" agad akong niyakap ng babaeng naging kaibigan ko sa paaralang ito. Si Clarisha na tinatawag naming clare. "Buti naman at gumising kana." naiiyak na wika niya. Ramdam ko rin sa tono ng pananalita niya ang pag aalala.

Agad rin namang yumakap sa akin ang isa ko pang kaibigan. Flerida Pero tinatawag kong... Naming flei. "Pinag alala mo kami, ansama mo!" naiiyak ding sambit niya.

Napatingin naman ako sa dalawa pang lalaki na nakatayo ngayon. Kita ko rin ang pag-aalala ni Cloford. Napatingin din ako kay Marky at nakatingin din siya sa akin ng napaka seryoso. Hindi naman siguro ako namamalikmata na nakita ko siyang nag aalala kahit pa seryoso ang kaniyang itsura. Nagkatitigan din kami ng limang segundo ngunit siya ang unang nag iwas ng tingin.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa dalawang babae ngayon. "Anong nangyare?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganito at kung bakit buhay pa ako.

"Nababangungot ka" maikling sagot ni Flerida. Bangungot? Teka isa lang ba iyong masamang panaginip? Pero bakit parang totoo?

"Anong oras na kase kaya napagdesisyonan namin na puntahan ka rito," paliwanag naman ni Clarisha. Teka... Anong oras na ba? Agad naman akong napatingin sa wall clock ng kwarto ko at laking gulat ko nang makita ang oras. Ala una na ng tanghali. Ganoon ba ako katagal na natulog?...

"Akala kase namin hindi ka na pupunta sa pag eensayo. Kaya kami na mismo ang pumunta sa iyo rito. Mabuti nalang at pinapasok kami ni Marky dito sa dormitoryo niyo," sambit naman ni Cloford habang nakasandal sa pader. Ensayo? Oo nga pala. May practice kaming grupo ngayon at ngayon din nila ako tutulungan na palabasin ang abilidad ko.

Sa pagkakaalam ko ay nag alarm ako pero mukhang hindi ko iyon narinig.

Biglang pumasok sa isipan ko ang aking napanaginipan. Bakit parang totoo ang nangyaring iyon? Bakit parang kilala ko ang lalaking nakamaskara? Hindi ko man nakita ang mukha niya pero sobrang bigat ng pakiramdam ko nang magsalita ito na para bang gusto kong isipin na nagkakamali lang ako at hindi siya iyon.

Ang kaniyang boses... Nakakatakot ito na sobrang nagpabilis ng kalbog ng dibdib ko pero may dulot din itong kirot. It's like crushing my heart into pieces.

"Shan, sino ang lalaking iyon?" malungkot na wika ni Clarisha na may halo ring pag aalala. Dahil sa sobrang kakaisip nang bagay na iyon ay nakalimutan ko na rin na nakakabasa pala siya ng isipan.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam... Hindi ko nakita ang mukha niya dahil agad na akong nawalan ng malay." I answered.

Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong alamin kung sino iyon. Parang gusto ko na lang kalimutan. Hindi naman siguro iyon mangyayare sa totoong buhay dahil isa lamang iyong panaginip... Isang masamang panaginip.










"Isa pa Shan, kaya mo 'yan... Just focus, okay?" sigaw ni Clarisha. Nandito kami ngayon sa field hindi ko alam kung saang banda. Ang alam ko lang ay naglakad kami ng ilang minuto at nandito na kami. Hindi ko rin maalala ang dinaanan namin dahil na rin sa lumutang ang aking isipan. Parang wala ako sa sarili.

Hindi ako makapagfucos pero pinipilit ko. Ilang buwan na rin ako rito simula noong pumasok ako sa unibersidad na ito. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong kapangyarihan tulad nila. Minsan nawawalan na rin ako ng pag asa pero kailangan eh. Sabi nga sa kasabihan 'Try and try until you succeed' ... I need to be strong. I will find it soon sabi nga ni Clarisha. Tiwala lang.

Kailangan kong magfocus at iwaksi muna ang mga gumugulo sa isipan ko. Kailangan ko nang malaman kung anong kaya ko para naman hindi ako nagmumukhang kawawa rito sa paaralan na ito. I'm so pathetic.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magia University (On-going)Where stories live. Discover now