"Prof. Heddie!! I think we still have a good player here" nagulat ako ng biglang tumayo ang katabi ko. Napaangat naman ng kaniyang ulo si Prof. "Who?" tipid na tanong ni Prof. Napalingon naman sa akin si Clarisha. O_O

Bakit hindi ko naisip na nakakabasa pala ng isipan ang isang 'to. Edi sana hindi na ako nag isip isip ng mga bagay tungkol sa sarili ko. Gosh pinapahamak ko talaga ang sarili ko. Dapat talaga hindi na ako mag-iisip ng ganoon next time.

"Si Shanselle po Prof. She knows how to play chess. And she's also a player in her old school," nakangiting sambit niya. "What?" kunot noong tanong ko sa kaniya. Tinaasan lang ako ng kilay ng bruha. Pinapahamak talaga ako ng babaeng 'to.

Napatingin naman sa akin si Professor Heddie. Oh o. "Is that true, Miss Monteverde?" tanong naman sa akin ni Professor. Hayss bakit kailangang mangyare sakin 'to. Magsisinungaling ba ako?

"Prof. Kase po an----" hindi ko na natuloy ang nais kong sabihin nang putulin ito ni Clarisha. "I read what she thinks Prof." nagsalita na naman ang bruha. Sabihan ko kaya ulit 'to ng witch para magtampo ulit. That time hindi ko na siya susuyuin.

"Okay Shanselle, can you be a substitute of Heron?" tanong niya sa akin. Tumingin naman lahat ng kaklase namin sa akin na parang kinukumbinsi ako na maglaro. I just roled my eyes. Ano pa bang magagawa ko eh sa nilaglag na ko ng babaeng 'to.

"O-okay P-prof. Heddie," nauutal na sagot ko. Kinakabahan kase ako sis. Biglaan 'to, ni hindi ko inaasahan na maglalaro ako ng wala sa oras. Grabe ha, ang galing mo Clarisha. Thank you. Tsk... Napatawa naman siya, panigurado nabasa nanaman niya ang sinasabi ko sa isipan ko. Nice.

"Okay, be ready," sagot ni Prof. saka naglakad papunta sa baba para ilista na ang pangalan ko. Gusto kong managunot. Gusto ko dapat si Clarisha iyon. Gosh you're insane.

"Don't worry Shan. Sorry na rin. I just want to help. We need a player. I know you can do it," she... They already call me in that name 'Shan'. Silang apat lang except 'yong isa. Isa pa hindi kami close para tawagin niya ako sa name na iyon.

We are the Isha sisters. You know why? Of course you don't know. Our name sounds alike. My second name which is Crivisha, Clarisha, and the second name of Flerida which is Kisha. But we prefer on calling our names in; Shan, Clare (ako nag isip no'n) and Flei.  That's it. Wala lang napansin lang namin, ba't ba. Share lang namin, wala kayong pake... Bleeeh...

Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na. Napatingin naman ako sa harapan at nakita ko ang malaking... Board game? Sabi na nga ba at maling sumali ako eh. So pano ko naman bubuhatin ang mga malalaking bagay na iyan. Halatang gawa sa pilak eh. Hindi ako strong woman noh.

"Shan, hindi mo naman iyan bubuhatin eh." natatawang sabi ni Clare. Tawa tawa ka namamahamak ka naman. "You will gonna control it" control? Ah baka de-remote control. Okay pala eh.

"No! I mean, you will command it." natatawang wika niya. Wow ha ginawa pa talaga akong katatawanan. Hindi ko naman kase alam. Sorry ha!!!

Ang tatlo naman? Walang pakealam sa mundo. Hindi man lang nila ako ipagtanggol sa babaeng baliw na 'to. Parang hindi nila alam na pinahamak ako. Galing nila. Walang kwenta.

Naglalaro ang unang maglalaban. Pinapanood ko silang maigi dahil hindi ako mapakali. Kinakabahan ako. Kainis kase eh. Tanggalin ko na kaya ang utak ko para hindi na ako makapag isip at wala nang mabasa si Clare.

Nakatayo ang dalawang player sa magkabilang pwesto. Parang maliit na stage ang tinatayuan nila para makita nila.  Nagsimula ang laro. Siyempre always white ang Una. Nagsimula na sila.

Pinanood ko lang sila para alam ko kung ano ang dapat kong gawin. Pagkatapos kase nila ay susunod na kami. Pinakita kase sa screen kung sino ang mga magkakalaban. Galing naman sa orange spiders ang aking makakalaban. Balita ko nga ay magaling siya. Kaya ngayon? Kinakabahan ako ng sobra...

Magia University (On-going)Where stories live. Discover now