Chapter 9

61.1K 1.6K 97
                                    

Chapter 9

Everything was organized already. Talagang pinilit nina Kuya na ituloy ang party kahit wala sina Mommy at Daddy. Ilang beses ko silang kinumbinsi na huwag na lang pero talagang mapilit sila. Ako na lang talaga ang kulang. Parang pinapalabas nila na may choice ako pero kahit ano pa ang piliin ko, sila pa rin naman ang masusunod.

"This isn't really necessary." Pabagsak akong umupo sa couch.

"Whether you like it or not, ice-celebrate natin ang birthday mo." sabi ni Kuya Justin.

"Nandito naman kami, Princess, e. 'Wag mong masyadong alalahanin sina Mommy at Daddy. Mas madami kaming makakasama mo." sabi naman ni Kuya Steff. "At isa pa, mahalaga rin para sa amin ito dahil ang kapatid naming prinsesa na akala namin ay tomboy, dalaga pala!" Humagalpak siya ng tawa.

Ibinato ko sa kanya 'yong throw pillow.

"Pumayag ka na, Princess." pagpupumilit pa rin ni Kuya Justin.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga. "Geez, okay, for Pete's sake! Pero 'wag kayong aasa na magiging masaya ako."

Lumapit naman sa akin si Kuya Harris na naglalagay ng necktie niya. "Princess! Umakyat ka na roon sa itaas. Nandoon na ang mag-aayos sa'yo." nakangiting sabi niya. Mukhang mas excited pa sila kaysa sa akin.

Umakyat na ako sa aking kwarto. Ngumiti sa akin ang isang babaeng nasa mid 20's at nagpakilala bilang isang make-up arist. Sinimulan na niya akong lagyan ng make-up at kung ano-anong kaek-ekan. Inayos rin niya ang buhok ko. Lastly, ang dress na isusuot ko. Matapos ang mahabang paghahanda ay natapos din kami.

Tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang isang babae. She's beautiful but she's not happy. Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata pero mas pinili kong pigilan 'yon. Susubukan kong maging masaya, hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga taong nandito para sa akin.

Sumulip ako mula sa bintana. Madami rin pala silang inimbita.

"Handa ka na ba, Princess?" nakangiting tanong ni Kuya Steff habang nakasandal sa amba ng pintuan.

Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanya. "Oo, Kuya."

"Halika na." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala na palabas.

Pagkarating namin sa labas ay nakita ko na kaagad sina Shellie, Xander, Jonas, Wesley at Aliya. Nandito na rin lahat ng kaklase ko maliban sa kanya. Teka, ano naman kung wala siya? Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa school at wala na rin akong pakealam pa sa kanya.

Napangiti ako nang sabay-sabay sumigaw ang mga walanghiya.

"Happy Birthday, Chloe!"

"Thank you." 

Umakyat na ang MC sa stage. "Good evening, ladies and gentlemen, I would like to introduce to you our birthday celebrant, the beautiful Chloe Janelle Rosette!"

Nagpalakpakan ang mga tao at umakyat na kami ni Kuya Steff sa mini stage. Nagbigay lang ako ng maikling speech at umupo na. Matapos ang prayers at kung ano-anong seremonyas ay nagsimula na rin ang 18 chevarlu chenes.

Pinakahuli ay ang 18 roses kung saan isa-isa akong isasayaw ng labing walong lalake na napili nila para rito.

Una kong nakasayaw ay si Xander na halos hindi kami nakapagsayaw nang maayos dahil wala na akong ginawa kundi ang tumawa dahil sa mga kalokohang sinasabi niya. Sumunod naman ay si Jonas na ginawang chacha ang sayaw namin. Sunod ay si Wesley na hindi maalam sumayaw kaya natapakan pa niya ang paa ko. Sumunod na sa kanila sina Kuya Steff, Kuya Harris, Kuya Justin at ang mga pinsan namin na taga-malayong lugar.

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon