CHAPTER 12

1.9K 34 0
                                    

-CHAPTER 12-

SUMMER's POV

"Look. Maganda ba?" tanong ko kay Fhey habang ipinapakita ang inisketch kong wedding gown. Nandito kami ngayon sa opisina ko at binisita ako ng magaling kong bestfriend.

"Wow naman sis. Para saan yan? May bago bang demand sa boutique mo? Ang swerte naman ng magsusuot niyan napaka elegante" manghang-manghang sabi niya.

Umiling ako at sinabing "I want this for my wedding"

Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. "So.. nagpropose na pala ang magaling na boyfriend mo?"

Umiling ulit ako. Tumawa naman siya ng malakas.

"Napaka assuming mo talaga Summer Del Fuente! Ikaw na ang reyna ng mga  assumera!"

"Hindi naman porket inihahanda ko na ang wedding gown ko eh ikakasal na ko. Hindi ba pwedeng naghahanda lang?" kalmadong tugon ko sa kanya.

"Sige go. Expect pa more tutal libre lang naman mangarap" pataray na sabi niya sa akin. Nanahimik na lang ako habang pinapanood siyang magselfie. Napakabungangera talaga ng kaibigan ko na to. Totoo ngang opposites attract dahil magkaibang magkaiba ang ugali namin pero heto at magbestfriend kami. Napangiti ako sa naisip ko.

"By the way, Sum.. nasabi mo na ba kay Autumn yung tungkol sa mga nagpapadala ng pictures sayo?" malungkot na tanong niya. Kitang kita ko sa mga mata niya na nag aalala siya para akin at para sa relasyon namin ni Autumn. Nabanggit ko sa kaniya ang tungkol sa mga nagpapadala sa akin ng litrato ni Autumn na may kasamang babae.

Umiling lang ako bilang sagot. Ayoko nang buksan pa ang usapin na yon dahil wala lang naman sa akin yon. Sabi nga nila, mas maniwala ka kapag ikaw mismo ang nakakita dahil baka gumagawa lang ang iba ng paraan para magkasira kayong dalawang magkarelasyon.

"So anong balak mo? Habang buhay na lang itago yon? Dapat nga tinatanong mo siya dahil sigurado akong may alam siya don! Malamang siya kaya yung nasa pictures!"

Galit na galit na naman itong bestfriend ko. Ito ang pinakagusto ko sa kaniya. Ayaw niyang nasasaktan ako. Ayaw niyang umiiyak ako. Kahit napaka prangka niya lagi niyang pa ring kinoconsider ang nararamdaman ko. Kaya bukod kay Autumn, ayaw ko rin siyang mawala sa akin.


"Wala lang yon Fhey. Baka isa lang sa mga nagkakagusto kay Autumn na gusto kaming sirain. Parang bago naman sayo yung ganon"

Syempre. Bilang sikat na model ako dati eh lagi talagang may nagpapadala sa akin ng mga pictures noon. Pero hindi ni Autumn dahil hindi ko masyadong isinasapubliko ang relasyon namin. May mga nagpapadala rin sa akin noon pero mga pictures ko kasama ang iba't ibang lalaking model. Pinapares nila ako sa kung sino sino pero hindi ako nagpapaapekto.

"Bahala ka Sum. Para kong nagpapangaral ng 7 years old eh"

Alam kong nakukulitan na siya sa akin kaya nanahimik na lang ako at tinignan ang magazine na pinadala sa akin ng manager ng perfume na ineendorse ko. Endorsement na rin naman siguro ang tawag don no dahil ako ang nagmomodel ng product nila.

Napukaw ang atensyon ko sa picture namin ni Shawn. Ito ang pinakamagandang kuha. Kung wala lang siguro akong boyfriend ay naattract na ko sa kaniya. May perpektong mukha at busilak na puso but it doesn't mean na may gusto ako sa kaniya. Si Autumn lang ang tanging tinitibok ng puso ko at wala nang iba.



AUTUMN's POV

NAGULAT ako sa dami ng mga papel na nasa mesa ko ngayon dito sa office. Sabi ng sekretarya ko ay mga proposal daw ito mula sa iba't-ibang kumpanya. Hindi ko inakala na ganito kaganda ang maidudulot ng pagpapakasal ko kay Raigne. Mula kanina ay hindi na ako natayo sa kinauupuan ko at masinsing pinag-aaralan ang mga proposal. Napahinto lang ako nang makitang may tumatawag.

THE MISTRESS (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن