chapter 6: Golden Eyes

3 0 0
                                    

I was thinking about going in a club with keizer but how am I going to ask him? If only I have my car keys I dont need to go with him.


I knock at his door twice and he open it.


"Sawakas nagkaroon ka din ng lakas na kausapin ako akala ko nahihiya ka na saakin dahil sa kanin"


"Ang kapal din talaga ng mukha mo ano? Alam kong ikaw ang naglagay nun ulol"

"Ako pa makapal ang mukha? Aba dalawang araw din tayong hindi nagusap tapos yan sasabihin mo sakin?"

" bakit? Anu gusto mo sabihin ko sayo? Pasensya na? Nakakahiya yung nagyari? Gago ka ba? Ang sabihin mo natakot kang kausapin ako kaya lalabas ka lang ng lungga mo kapag nasa kwarto ako" tumawa lang siya

" oh eh anung ginagawa mo dito?"


"Pede ko bang hiramin kotse mo?"


"Hindi pwede. Nabanggit saakin ni Ms. Henshi na hindi ka pwedeng gumamit ng kotse."

"Grabe talaga yang hukluban na yan. Edi ipagmaneho mo na lang ako"

"Aba anu ka sinuswerte? Bakit ko naman gagawin yun?"

"Ganto nalang para hindi ka lugi kapag ipinagmaneho mo ko ikikiss kita! Anu deal?"


"Saan ba punta mo? Tara na!"

"Gago! Chansing ka din eh no! Syempre joke lang! Masyado kang napaghahalataan" sabay tawa ko

"Seryoso saan ka ba pupunta?"


"Namiss kong uminom. May alam ka bang club dito yung may banda sana"


"Meron kaso isang oras ang byahe papunta doon"

"Okay lang yun. Dali na sagot ko na drinks"


"Osige na. Magbibihis lang ako"


"Ayun! Sabi na nga ba papayag ka eh! Pero walang kiss ah drinks lang" tumawa siya at sinarado na ang pinto. Pero narinig kong sumigaw siya pagkasarado niya ng pinto


"Ako ang masusunod kung hahalikan kita o hindi"


"Gago!" Sabay tawa ko

Hindi na ako makapaghintay kaya nakapagbihis agad ako. Nagsuot lang ako ng white halter top na crop top, rip skinny jeans na black at white stilleto then make up para maagas. Excited na ko mhay ghad. Nang bumaba ako mas excited pala siya saakin dahil andun na siya at nakabihis na. Naka grey v neck shirt lang siya at pants. Simple lang pero dahil pogi siya maayos padin tingnan.


" lets go?" Tanong niya at tinangoan ko na lang siya tsaka excited na pumunta na sa kotse niya. Kaso naalala kong hindi ko pala alam kung anu yung kotse niya kaya sinabayan ko na lang siya nang lakad at tumawa lang siya habang pinapaikot ang susi sa daliri niya.


"Excited kasi masyado. Mas naeexcite ka pag nakita mo yung koyse ko"


"Yabang mo gago!" Tumawa lang ako and then boom. Napanganga ako ng makita ang kotse niya. I mean yung sakin kasi vios lang ganun kasi ayaw ni papa gastusan ng sobra dahil di pa ko tapos nagpagaaral pero yung kanya red bmw. Mhay ghad.

"Oh bakit di ka pa sumakay?"
Tinaasan ko lang siya ng middle fingger at sumakay na siya naman tong tawa lang ng tawa.

"Sana maubusan ka ng hangin kakatawa"


"Wag naman. Walang ka nang poging driver pagnangyari yun"


Kapal talaga ng mukha ng gago. Di na ko sumagot dahil hahaba lang ang sagutan namin. Nagpatugtug na lang ako ng malakas para tumigil siya kakasalita. Wala ako sa mood kausapin siya ang yabang kala niya ata close na kami.

Gabriel Is An Angel From HellWhere stories live. Discover now