Chapter 12 - The Party

Start from the beginning
                                    

It started with a prayer pagkatapos nito ay nagbigay ng kanyang mensahe ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan namin.

"... Thank you and please enjoy! Advance Merry Christmas everyone," saad nito at sabay -sabay namin itinaas lahat ang hawak naming wine glass.

Matapos namin kumain nagsimula na silang magpatugtog ng slow dance. Tumayo si Justine sa harap ko at saka inilahad ang kamay nito.

"Can I have this dance with the most beautiful girl tonight?" Tanong niya sa akin habang matamis na nakangiti.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Tumango ako sa kanya ng tatlong beses at saka tinanggap ang kamay niya.

Naglakad kami patungo sa gitna kung saan marami na rin ang sumasayaw.

Palagi lagi na lang kitang
Hinahanap maghapon at magdamag
Sa tuwing pumipikit larawan mo ang naiisip
Kailan kaya kita makakamit

Nang nasa gitna na kami, ang kanang kamay ko ay inilagay ko sa kanyang balikat samantalang siya ay nakahawak sa baywang ko, ang kaliwang kamay ko naman ay nakahawak sa kanang kamay niya.

Palaging hindi mapakali
Hanggang nakaw na lang ng tingin
Sa bawat pagbigkas sa ngalan mo ng aking labi
Dalangin ko sana'y iyong dinggin

At nang magtama ang tingin naming dalawa pareho kaming napangiti habang sinasabayan ang saliw ng musika.

Pakiram ko ako ang pinakaswerteng babae dahil kasayaw ko ngayon ang lalaking gusto ko. Ang lalaking nagpapatibok ng puso ko.

Ikaw lang ang nagpatibok
Muli ng puso kong ito
Akala ko di na magbabalik
Sa piling mo'y walang kibo
Ngiti'y di maalis
Sana'y ito na ang
Tanging pag-ibig at wala nang papalit

"Thank you. Hindi ko inaasahan na may isang katulad mo na magkakagusto sa isang tulad ko," saad ko nang mag-angat ako ng tingin.

Tinitigan niya ako ng matagal bago ito ngumiti ng bahagya.

"Hindi ka mahirap mahalin Kate. Ako dapat ang magpasalamat sayo. Hindi ko inaasahan nang dahil sayo magmamahal ulit ako," sambit nito.

'Hindi ko inaasahan nang dahil sayo magmahal ulit ako.'

Nacurious na naman ako dahil sa sinabi niya. So it means that he loved someone bago pa man ako dumating sa buhay niya.

It's not that I'm jealous. I just want to know everything about him.

Pero kahit gusto kong magtanong tungkol sa bagay na iyon ay pinili ko na lang na manahimik. I don't want to ruin this night at isa pa hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nalaman ko tungkol sa bagay na iyon.

Hindi na kami nagsalita pa at mas dinama na lang kanta hanggang sa matapos ito. Nakahilig ang ulo ko sa matipunong dibdib ni Justine, rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya.

A sweet rhythm I will never get tired of listening since it's the most beautiful heartbeat that I've heard coming from the man I like.

Nang matapos kaming sumayaw nagpaalam muna ako kay Justine na pupunta lang ako sa rest room.

Natagalan ako dahil hindi ko alam kung nasaan ito. Nagkaligaw-ligaw pa ako.

Nang makabalik na abutan ko si Sheia at Justine na nag-uusap.

"You don't see her as her di ba?" Tanong ni Sheia sa kanya.

"Of course not," walang emosyong sagot ni Justine kay Sheia.

Those pair of cold eyes. Bakit nakakaramdam ako ng matinding kaba kasabay ng pagkirot ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit mas pinili kong huwag munang lumapit sa kanila at mas marinig pa ang susunod nilang pag-uusapan.

Something is not right. May bagay silang hindi sinasabi sa akin.

"Sinabi mo na ba?" Tanong ulit ni Sheia.

Umiling lang si Justine sa kanya bilang sagot.

"Hindi kita pipigilan kung magmamahal ka ulit. I promised to her na babantayan ka namin ni Kayden... na sasaya ka ulit. I just don't want her to get hurt also Justine. Siguraduhin mo lang na mahal mo talaga siya hindi dahil---"

"Sheia stop... please. Tama na. Alam ko," pagpapatigil ni Justine sa kanya.

Bumuntong hininga si Sheia at saka tumayo. Natulala siya ng magtama ang mata naming dalawa lumingon din si Justine. Bakas sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat.

"K-kate kanina ka pa ba?" Tanong nito sa akin at ngumiti ng alanganin.

"No. Karatating ko lang... may pinag-uusapan ba kayong dalawa? Pwede ko naman kayong iwan muna," pagsisinungaling ko. Mabuti na lang at nairaos ko ang sasabihin ko ng hindi nauutal.

Para naman silang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko. Mas lalo lang lumakas ang hinala ko na may kinalaman ako sa pinag-uusapan nila.

"No need. Tapos na kaming mag-usap," saad ni Justine at ngumiti ito ng matamis sa akin. Ibang-iba sa Justine na nakita ko kani-kanina lang.

"Yes Kate, no need. Maiwan ko na muna kayo," saad nito at nagmamadaling umalis.








Begin Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now