Chapter 51 📖

Začít od začátku
                                    

"Bye Babe..."
-si Kuya Sean! At ang sweet ng pagkakasabi niya...

At parang naiiyak pang lumapit si ate Alex kay kuya Sean at niyakap siya nito.
Hindi makakasama si kuya Sean sa kanya dahil nga may trabaho siya dito, may trabaho din sa abroad si ate Alex at nagbakasyon lang siya dito ng ilang araw at para narin makasama niya ulit ang boyfriend na si kuya Sean.

Tumingin naman ako kay Ethan,
nakangiti din siya habang nakatingin sa dalawang hindi parin tumitigil sa pagyayakapan.
Napangiti naman ako dahil feeling ko ayos na para sa kanya ang makita silang ganyan di gaya ng dati, at parang tanggap narin niya ang katotohanan...Ang saya-saya lang din sa pakiramdam dahil may pag-asa na ako sa wakass!!!!

^___^

'Ano ba yan, nag-aasume na naman ako gosh!'

@Mr.Demon's Condominium

Hanggang dito ay hindi ko maiwasang mapangiti, dahil ang Ethan ko ay parang naka-moved on na sa wakas! At hindi ko alam ang mararamdaman ko, matutuwa ba, kikiligin, o malulungkot.


(o.O)?

'Nge! Bakit ako malulungkot? Tsk naka-moved on na nga siya diba?
So dapat masaya, dapat masayang-masaya!'

Pero baka tinatago niya lang yung sakit sa pamamagitan ng ngiti, dahil alam niya sa loob niya na masakit parin kahit matagal na.

(>>.<<)!!

'Walang ganon mars! Walang ganon...Masaya na nga ako malulungkot pa ulit?
Think positive nga diba?sabi pa nga ni Mr.Demon kanina----'

"You know, wag kalang susuko agad at j-just be possitive instead of blaming yourself, you lost? but this is not the end of your journey, we didn't know that one of a sudden---."

'Maiinlove din siya sa'kin...
Yiiiieeeeee China all! Yiiiieeeee....
Wahhhhh yiiiieeeee ahem! Yyyiiiieeeeee!!'

#Baliw!

"Oh bakit nakatunganga kapa diyan? Hindi kaba pupunta sa party?"
Biglang sulpot ni Mr.Demon.

'Party?...ahh Victory party ng bruhang Colleen! Ngayon nga palang gabi yun, tsk!'

"Hindi kaya ako ininvite.."
I lied.

"Owws? Sabi ni Colleen pupuntahan ka niya sa bahay ninyo para bigyan ng invitation"

"At bakit niya naman nasabi sayo yun?"
Nagtatakang tanong ko pa.

"Pumunta siya dito para imbitahin tayo, tapos sabi ko wala ka at nasa bahay ninyo kaya sabi niya pupuntahan ka nalang daw!"

"E-eh, oo na invited nga ako pero---."

"Tsk pero ano? Nahihiya ka dahil siya ang nanalo na dapat ikaw sana?"

'Ayyy, hindi naman yun yung iniisip ko!'

"Sinabi ko na nga diba, tayong lahat nag-sisimula sa pagiging talonan.
Wag lang tayo agad susuko, just be positive, hindi pa end of the word.
Malay mo, one of a sudden---."

"Maiinlab na siya sa'kin..."
Bulong ko!

"Ano?!"

"Wala!...tsk basta hindi parin ako pupunta, kung g-gusto mo ikaw nalang dito nalang ako manonood ng TV."

"Eh bakit nga?"

"Kasi ayaw ko nga! Ang kulit mo naman..."

"Bakit nga kasi ayaw mo? Sabihin mo kasi para maintindihan ko!"

CAPTIVATED BY MR.DEMONKde žijí příběhy. Začni objevovat