Prologue

40 13 6
                                        

Namumugto na ang mata ko kakaiyak, hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Namumugto na ang mata ko kakaiyak, hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ako tatayo mula sa isang bagsak sa mataas na bangin na hindi ko piniling talunan.

Naranasan nyo naba yun? Yung simulan uli yung buhay mo kahit alam mo na kulang kana. Umikot ang mundo mo sa isang tao na nakasama mo ng halos tatlong taon pero para sakanya wala lang. Wala kalang.

Umalis lang sya ng hindi nya alam na may isang taong handang gawin lahat para sakanya.

Kumbaga.

One sided love.

Pero di mo naman magawang magalit sakanya kase hindi nya alam at ang gusto lang nyang gawin ay tuparin ang mga pangarap nya. Masisisi mo pa ba sya dun?

Wala sa isip ko lahat ng yan. Wala pa kong balak mag boyfriend o ano kasi bata pa ko, yun ang sabi ng mga magulang ko. Pero anong gagawin ko? Pano ko iiwasan kung dumating nang di Inaasahan?

Masama bang magbaka sakali? Kase malay mo, baka sa dulo? Kayo padin.

"Clara, anak gising kana dyan! Unang araw mo sa kolehiyo late kana naman." Sigaw ni mami sa labas ng pinto ko

"Mmmmmmmm" ungol ko.

"Clara ano ba? Hanggang ngayon ba naman ang hirap hirap mong gisingin?" Angil ni mami sakin habang binubuksan ang pinto ng kwarto ko. "Ang laki laki mo na anak ganyan kapa din, bahala ka ikaw din mahihirapan"

Binuksan ni mommy ang kurtina sa kwarto ko. Kagad dumiretso sa mata ko ang liwanag galing sa papasikat na araw at wala akong magawa kundi idilat ang mga mata kong gusto pang pumikit at tumayo sa kama.

"Mami naman ehh!" Bangon ko nang padabog. "Ang sakit tuloy nang ulo ko, babangon naman ako ehh"

"Nako anong oras na maniniwala paba ko sayo! Saka masakit ulo mo kase madaling araw na gising kapa."

Hindi ko sya pinansin. Ganyan talaga yang si mami. Simula bata ako sya na yung taga gising ko, taga hatid ko sa school. Lagi nya akong pinagluluto ng almusal saka para narin may maibaon ako.

Kinuha ko ang bath towel ko at tumingin sa orasan. Shit! 7:30 na. Alas otso panaman ang unang klase ko. 30 Minutes nalang late na ko. Lagot!

Tumakbo na ako sa banyo at kaagad pinatulo ang shower. Kailangan bilisan ko lang ayokong mapagalitan ng prof sa first day. Agad kong naramdaman ang lamig ng tubig. Hindi ko ito inalintana kahit nanginginig na ako. Pinasadahan ko lang ng sabon ang buong katawan ko at lumabas na ko nang mabilis sa cr.

Tumingin ako sa orasan. Shit kaya payan.

Di ko na kailangan mag alala kasi hinanda na naman ni mami lahat. Saka isa pa civilian nalang naman ako ngayon kase wala ng uniform pag college sa school namin. Mabilis akong nagbihis at lumabas na ng kwarto.

"Me alis na po ako!" Sabi ko.

"Di kaba kakain muna? nagluto ako oh"

"Hindi na po muna me. Malalate na ko" untas ko habang nagsusuot ng sneakers.

"Eto nalang oh baunin mo, kainin mo mamayang vacant nyo ha." Ani mami. "Bilisan mo hatid na kita." Dagdag nya pa at nagtungo na sa kotse namin.

Gumuhit ang mga ngiti saaking labi habang sinusundan ko si mami. Ang swerte ko talaga!

Di naman malayo yung school ko sa bahay namin. Kung di lang talaga ko malalate pwede kong lakarin nalang. Meron pa kong five minutes nang makarating kami ni mami sa school. Kaagad kong binuksan ang pinto at humalik kay mami bago bumaba.

"Thank you me, i love you." Sabi ko sakanya nang nakangiti.

"Wala yun anak, love you too!"

Kaagad na akong dumiretso sa building ko. Hinanap ko yung engineering department at hinanap ang classroom ko. Sinilip ko ang orasan ko bago pumasok at nakitang sakto lang ang dating ko. Wala padin prof na dumarating. Buti nalang kase alam ko terror daw yung unag prof namin. Ang nakalagay sa sched namin si Sir Abueva, kilala bilang terror kase matanda nadin sya pero isa sa pinakamagaling sa larangan ng engineering.

Pumasok ako sa classroom at naghanap ng bakanteng upuan. Wala akong kakilala dito dahil bago lang ako. May nakita akong bakante sa may gitna pero sa may sulok bandang bintana. May makakatabi akong babae, sa itsura nya mukha naman syang mabait at tahimik.

Nginitian ko nalang sya bago ako tumabi sakanya.

Limang minuto na wala padin si Sir Abueva. Asan na kaya yun? Nagsimula nang magbulong bulungan ang mga kaklase ko. Ano kayang meron? Magkakakilala na pala sila. Ah siguro dito din sila nag aral last year kase mukhang close na halos lahat sakanila.

"Uyy totoo ba?" Sabi nung kaklase kong lalaki na matangkad.

"Sino daw kapalit?" Ani nung isang babae

"Magaling bayun?"

Di ko maintindihan kung ano bang pinag uusapan nila. Anong palit? Saka anong magaling? Si sir ba? Bago pa ko makapagtanong sa katabi ko may pumasok na saming isang lalaking naka puti na halos hindi nagkakalayo saamin ang edad. Kala ko isa lang sa mga kaklase kong lalaki pero tumahimik at umayos yung mga kaklase ko.

Nakatingin lahat sakanya at sya naman ay tinitingnan kami isa isa. Sino ba to? Nasan na si Sir Abueva?

"Goodmorning class! I'll be your prof for this period. Mister Abueva can't come."

Halos lahat ng mga kaklase ko ay parang may idea na sa sinasabi nya samantalang ako walang makuha ni isa.

Ano daw tama ba rinig ko? Prof? Baka naman nagbibiro lang sya.

Ka edad lang namin sya eh.

Once Upon an UsWhere stories live. Discover now