There's a reason why the heart and mind are in two different areas of our body. Minsan dumadaan muna ito sa isip bago sa puso o kaya'y dadaan muna ito sa puso bago sa isip. Madalas nananatili muna ito sa isang lugar.

Pero nakakalimutan natin na pwede naman kasing pumasok at lumabas ito sa tenga natin. Piliin lang natin ang mga maaaring manatili sa puso man o sa isip para sa mas tahimik na buhay.

"Well, I really did value my grades. Of course, I still do. Pero mas gusto ko na munang i-enjoy na lang. Sa college na lang ulit ako mas-stress." Pagbibiro ko. All of them laughed at me heartily.

Walang mali sa pagiging grade conscious. But not with the expense of actually sacrificing your social life because you value your grades too much. Ang grado ay mababawi pa, pero ang tingin sa'yo ng mga tao ay maaaring hindi na.

It was already our Christmas break but we're still doing something related to our school. Ganun naman talaga e, pinipilit lang namin na maaga matapos para hindi hassle sa mga uuwi ng probinsya sa darating na pasko.

"Ade is inviting us. Party daw?" Anyaya ni Gio saakin nang magsimula na ako magligpit ng materyales na ginamit kanina.

Tumingin ako sa wallclock.

It was already 5pm and almost all of them are already home. Si Gio na lang ang natira dahil tumulong pa siyang mag-ayos ng bahay.

"Inom? Ayoko."

Gio shrugged his shoulders. "Pwede ka naman hindi uminom. Karaoke lang daw."

After being legal, akala mo palaging octoberfest kung magyaya ang mga kaklase ko o kaya kaibigan ko ng inuman. Syempre 'yung iba hindi naman pumapayag pero madalas lahat sila ay game na game.

Hindi naman talaga everyday walwal kapag eighteen ka na. Honestly, I don't even like the taste of it. May mga kaklase o kaibigan lang talaga ako na sinusulit ang pagiging eighteen nila, as if they can't drink anymore in the next years of their lives.

Hindi ko mapigilan ang magtaas ng kilay. "Kakanta ako?"

Masakit man pero matagal ko nang tanggap na wala akong talent. Singing is definitely not my forte, kahit nga skill ay hindi talaga e.

Humalakhak si Gio. "Alam mo pwede mo namang sabihin na ayaw mo e."

I contemplated if I can ask this. Ade is friends with him. Kaya agad akong umiwas ng tingin at binatuhan ng tanong si Gio.

"Pupunta ba siya?"

Natigilan si Gio at tumingin lang saakin nang seryoso.

"Nevermind. Bakit ba nagyaya si Ade?" I asked, trying to change the topic. Ano naman ngayon kung pupunta si Sath? What will I do? Nothing.

"Ewan ko roon? Trip niya lang." kibit balikat ni Gio.

Sa huli ay napapayag ako ni Gio dahil ayoko rin namang maging loner sa bahay. Nasa probinsya kasi si Tita Clara at ang mga pinsan ko. Pagbalik nila ay saka ako naman ang pupunta sa Batangas para roon mag-Pasko.

I decided to go with jeans and a white button down shirt. Napatingin ako sa salamin habang nag-aayos, I applied some mascara and a nude lipstick I always wanted to try on.

Sa isang KTV Bar kami pumunta ni Gio. Mukhang may nakapagpa-reserve na nga talaga para sa'min. Pumasok kami sa isang kwarto kung nasaan nandoon na si Ade at ang mga kaibigan niya. The dancing lights welcomed us as we enter the room.

"Hey," Ade was the one who greeted us.

They already ordered food. Most of them were sizzling plates and grilled seafood. Siguro ay talagang gusto lang ni Ade ng get together. I saw his friends on the couches.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon