"Kaya kong pagsabayin iyon kasama ka."

"Alam ko. Pero kasi masyadong iba ang nakasanayan natin," sabi ko. "Gusto ni Papa makapagtapos ako bago mag-boyfriend. Ikaw, graduating na kaya pwede mong gawin lahat ng gusto mo samantalang ako ay maghihintay pa ng isang taon bago hayaan ang sarili sa ganoong bagay."

He stared at me like he's not agreeing on what I've said. I can do anything to myself but Papa is still my Papa. Kahit ganito na ako at kaya na ang sarili ay ang sundin siya ang tanging obligasyon ko bilang anak niya.

Isang taon na lang naman.

What if... I'll give it a try? I still don't have feelings for him though.

"I can wait for you. Kahit ilang taon naman ang abutin ng panliligaw ko, basta oo mo lang ang hangganan, magiging masaya ako."

"Knowing you. Hindi ako naniniwala."

"You've seen me dating a lot of girls but it takes one woman to change myself. Hindi ako seryoso pero kapag nagmahal ako, I'll willingly pour all of my love to my girl."

"Okay. Sa graduation mo," I said before walking again. Narinig ko pa ang nagmamadali niyang yabag makalapit lang sa akin.

"Graduation ang alin?"

"Matalino ka pero pagdating dito, nabobobo ka." I mimicked what he said to me. Tumawa ako nang makita ang nakabusangot niyang mukha. "Sa graduation mo kita sasagutin. Okay lang ba?"

Graduation. Kapag hindi ako nagkaroon ng feelings sa kanya, wala nang pag-asa.

He's near to his dreams. And I am giving him hopes to have me on that day. I don't know how he loves, he cares and protects his girl.

Pero noong nakita ko iyong isang bagay na minsan kong nasaksihan noong may ka-date ito, nasabi ko na lang sa sarili na baka isa iyon sa katangian niya.

Maranasan man lang sana iyon sa kanya.

"Yeah, sure."

He gave me his sweetest smile and walked beside me. Naroon ang galak sa kanya na para bang nagwagi sa isang pasiklaban.

Mukhang ako na ang magiging kaligayahan niya. He's too precious, especially his smile.

"Take care as always. Text na lang kita. And don't stress yourself on studies or work. Mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin," he winked before brushing my hair using his hands. Hinatid niya talaga ako hanggang aa bungad ng dorm ko.

Umiling ako saka tinaboy na ito. Medyo busy na kasi ito kaya hindi nakakapunta minsan sa trabaho ko. It's okay for me since lagi naman akong nakakatanggap ng sandamakmak na texts mula sa kanya. Hindi ko nga alam kung ganoon ba talaga iyon sa iba o sa akin lang ba.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang mag-vibrate ang phone ko. It was from him which made me rolled my eyes.

From:Gab

Don't forget to eat your dinner. Bumalik lang akong school, may tatapusin pa.Hehe. :')

"Talagang inuna ako, ah?" I mumbled and typed my reply for him. Sinimulan ko na ring ayusin ang ibang gamit ko saka kumain na rin. May trabaho ako kaya bawal akong lumiban ngayon. Pambawi lang doon sa outing ni Mavy.

Siguro busy din iyon kaya hindi na kami masyadong nagkikita. Classmates naman sila ni Gab pero nang minsang tinanong ko tungkol kay Mavy ay iniwas ang tanong ko. Ewan ko ba sa kanila. They're acting very weird the first time I saw them talking in front of me.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now