"Ikaw na 'yung fiancé ni Lia, diba? Sigurado ka na ba dyan, tol? Nanakit 'tong si Lia eh!" malokong sabi ni Lester kay Kale.

Kale looked at me, trying not to laugh while I just pouted.

"Alam mo, Lester. Hanggang ngayon, gago ka pa rin." sabi ko sa kanya at inirapan nalang siya.

Tumawa naman siya. "Hindi mo na ba ako hahampasin? Dati, halos araw-araw mo na akong hampasin ah,"

"Iniinis mo kase ako, kung hindi mo naman ako iinisin hindi naman kita hahampasin," sabi ko at akmang hahampasin na naman siya kaya umilag siya sa akin.

Tumingin naman si Lester kay Kale na parang humihingi ng tulong.

"Bro, 'yung mapapangasawa mo oh, kung ako sa'yo, mag-isip ka na kung papakasalan mo 'to, napaka-violent." sabi niya na nakayakap sa sarili.

Tumawa naman si Kale at umakbay sa akin. I just made a face at him. Tawa naman nang tawa sina Mason at Derek sa kanya. Walang pinagbago.

"Mason nga pala, pre." pakilala ni Mason kay Kale. "Nagkakilala na tayo nung sinundo mo si Lia, dati."

Oo nga pala nagkakilala na rin sila nung minsan na sinundo ako ni Kale.

"Oh, nice to see you again," Kale said, smiling.

Tumawa naman si Lester, nagkatinginan naman sila ni Derek na parang may kalokohan na naman na naisip.

"Nako, Kale. Bantayan mo 'yang si Mason. Crush na crush kaya niyan si Lia nung first year," sabi ni Lester.

Sinamaan naman namin nang tingin si Lester. Tumawa lang naman ito. Si Derek naman, umiling-iling lang.

"Gago," mura ni Mason sabay batok dito. Napahawak nalang naman si Lester sa ulo niya. "Ano ngayon? May asawa't anak na ako, tsk."

Umawang ang labi ko. Grabe, halos lahat na sila may mga asawa't anak. I could see some unfamiliar faces on the table too. Wow, time really went fast for us.

"Sus, dati nga diba, lagi mo pinagseselosan si Gray dahil—"

Tinakpan ni Derek ang bibig ni Lester para hindi na ito magsalita. Hindi ko alam kung nalaman din ba nila na gusto ko si Gray noon. Siguro? Barkada nila si Gray eh, at saka pakiramdam ko nga'y halata ako.

Tumingin lang naman sa akin si Kale. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya, pero inaasahan naman namin 'to.

Pagtingin ko naman sa likod ay wala pa nga sina Gray at sina Sheryl. Baka sabay-sabay sila.

Mason and Derek awkwardly glanced at us, while Lester is trying to remove Derek's hold on his mouth.

"Nikka! Asawa mo oh, napakakulit na naman!" sigaw ni Mason.

My eyes widened. Si Nikka at si Lester ang nagkatuluyan?

Alam ko naman na sila nung college... pero hindi ko aakalain na sila talaga ang magkakatuluyan... wow.

"Lester! Tumigil ka nga dyan!" rinig kong sigaw ni Nikka habang papalapit. Binatukan niya ito at napa-aray naman si Lester.

"Love, naman." he said. Inirapan siya ni Nikka at bumaling nalang sa akin.

Agad naman siyang ngumiti at niyakap ako. Isa rin si Nikka sa mga mababait na nakilala ko. Sobrang mabait, at matutulungin. Kaya crush na crush ni Lester 'to, noon eh.

"Lia! Na-miss kita!" she exclaimed. Napunta naman ang tingin niya kay Kale.

"Uh, si Kale. Fiancé ko." pakilala ko sa kanya.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now