Salamat sa pananakit mo ( chapter 2 )

351 8 0
                                    

"Galing ka bang magsimba,ha Yvon ?" Tanong ni manang Rosita .

Inabutang nyang nag  sasampay ng mga nilabhan ang mahigit sa 50 taong gulang na babae .

"Oho " bahagyang nakangiting tugon niya "ba't kayo ho ata ang naglaba ?"

"Kow,me gagawin daw na research sa library si KYRA eh,"

Panganay ni Manang Rosita ang tinutukoy nito 21 na ang dalaga at dahil pares lamang sila ng edad,ito rin ang pinakamatalik nyang kaibigan.

"Tulungan ko na ho kayo "sabi nya .

Nang kukuha syang muli ng maisasampay,natigilan sya ng matagpuang titig na titig sa kanya ang babae .

"Bakit ho .. ?" nakangiti at nagtatakang tanong ni Yvon .

"Ang hula ko,hindi ka lang basta nagsimba.sinaksihan  mo ng palihim ang kasal ni TROY ano. ?"

Nawala ang ngiti sa labi nya ..

Si Manang Rosita naman ang natigilan,nag-alala wari sa damdamin nya ...

"pasensya ka na kung naging maurirat ako,ha ne .. ?"apologetic na sabi nito "Hindi ko lang kasi maiwasang mamuna dahil nasaksihan ko rin naman ang pagtitinginan nyo.."

"wala ho kayong alalahanin,Manang Rosita .. "malungkot na ngiting sabe nya "talaga naman hong mag-kukwento ako sa inyo,e . wala naman ho akong inililihim sa inyo tungkol sa amin ni TROY dba ..?"

"sabagay .."anang babae ng muling nagsampay . "parang naging kakutsaba mo pa nga ako nung palabasin mong sumama kang makipag-tanan kay JAIME,dba ? ako'ng nag-bigay ng sulat na mapapalaya kay TROY .."

Hindi sya umimik . . .

"pero hanga ako sayo Yvon . " tumingin sa kanya ."bihirang babae ang makakagawa ng ginawa mOng sakripisyo .."

YVON : naisip ko ho kasi,iyon ang pinakataman gawin.

MANANG ROSITA : pero alam ko,mahal ka rin ni Troy.kung hindi mo sya pinalaya tiyak na ikaw ang pinakasalan nya .

Hindi nya inamin na pinilit na sya ni TROY na magpakasal at tumanggi sya,Dahil alam nyang may mas matibang sa puso nito.Isang babaeng nararapat dito.

"mabait ka Yvon ,"awang sabi ni Manang Rosita "at ang mababait na paris mo pinagpapala,liligaya ka rin sa bandang huli."

"sana nga ho.. "

Nakalapat lamang ang katawan nya sa higaan pero di sya dalawin ng antok,hanggang bumalik sa kanya ang nakaraan . . .

    3 Taon din sila nagsama ni TROY,na akala nya ay para sila asa isa't-isa,wala na silang magulang,parehas ulila at ito ang nagtulak kay TROY na mag-sumikap sa buhay,nakaahon naman ang huli at nangako ito na lahat ng nakamit ay para sa kanya,para sa kanilang dalawa . marami na nga silang pangarap at meron na rin silang bahay,at nagsimula na itong mag-ipon para sa liit na negosyo,ngunit malaki ang pinagbago ng lalaki,aminin man ni TROY o hindi.Tiyak nyang napaibig na ito sa sekretaryang si LYNN,anak-mayaman na may gustong patunayan sa sariling kakayahan kaya nagsusumikap na walang tulong buhat sa angkan nito .

      Kilala nya si TROY,hindi ito oportunista. hindi pera ang habol nito kay LYNN.alam nya,PAG-IBIG yon,salamat at natagpuan nito si LYNN,tiyak nyang liligaya ang 2 . kung umiyak man sya noong una,natural lang yon sa babaing nasaktan,sabi ni Manang Rosita liligaya rin ang isang paris nya nagparaya alang-alang sa pag-ibig.

SANA NGA  . . . .

Pero matatagalan pa marahil bago nya malampasan ang tungkol sa panibagong pag-ibig.Sa ngayon,Sariwa pa sa puso niya ang sugat na hindi sinasadyang nailikha ni TROY .

Salamat sa pananakit mo !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon