Salamat sa pananakit mo !

1K 10 5
                                    

Chapter 1

Tiniyak ni Yvon sa hindi sya mapapansin ninuman sa loob ng simbahan,Kalahati na ng kasal ang inabot nya ..

Nagtataka sya .. wala syang nakapang galit sa dibdib,sa halip puno ng kaligayahan ang nandoon,marahil ay ganoon kapag ang tao ay nagpaparaya,para sa taong minamahal..

O minahal,sa mas tamang salita ..

Dahil ang sa kanila ni TROY ay nakalipas na,tanggap nya na hindi sila para sa isat-isa ..

kaya ginamit pa nya ang manili2gaw na si JAIME,para palitawing nagbago ang tingin nya sa relasyon nila ni TROY. Gusto nya itong palayainng wala itong nararamdamang Guilt o pag-aalala sa kanya,Dahil alam nya,iba na ang INIIBIG ng lalaki ..

Nang Kunwa'y nakipagtanann sya kay JAIME,alam nyang ang ipapalit sa kanya ni TROY ay ang babaeng mahal nito Higit pa sa kanya .. si LYNN ..

Ngayon kasal na ang mga ito,alam nyang li2gaya na ang mga ito .. magaan na ang dibdib nya ng lumayo.Hindi na sya mag-papakita sa bagong-kasal,ayaw nyang magkaroon pa ng isipin si TROY ..

"Hangad ko ang inyong kaligayahan .." mahinang dalangin ni YVON .

Ibinaba nya ang belong kanina ay ginamit nyang pantabing sa mukha.binayaan nya na bumagsak iyon sa kanyang leeg.Tinungo nya ang estatwang anghel na kinaroroonan ng Benditadong Tubig .

Natigilan sya,may nakasabay sya sa pagsawsaw doon ..

Maang na nagtaas sya ng tingin sa lalaking nakasabay,Humigit kumulang na 6 na talampakan ang taas nito at marahil ay naglalaro ang edad nito sa 20 - 25 taong gulang lamang,malapad ang balikat ng lalaki na kitang-kita sa sout nitong mamahaling Barong Tagalog na may puting sando sa loob.

maayos ang gupit ng buhok nito na nagbibigay sa lalaki ng anyong kagalang-galang.at hindi lang basta kagalang-galang kundi tatak ng isang taong may awtoridad.Isang lalaking hindi basta-basta at may sinabi,isang lalaking kabuuan na marahil ng pangarap ng sinumang babae dahil ang maawtoridad nitong anyo at sinamahan pa ng kakaibang uri ng kaguwapuhan na waring nanghihipnotismo .

Bigla syang kinabahan,ano kaya ang relasyon nito sa ikinasal ? Bestman ?

lalo syang kinabahan,baka mahuli sya ni TROY na sya ay nandito ..

Nag-mamadali nyang binawi ang kamay at tinalikuran nya ang lalaki na titig na titig sa kanya ..

"Miss .... ! "

takot syang lumingon,ayaw nya ..

Humarang sa daraanan nya ang lalaki .

"B-bakit .. ?" tanong nya,pinipilit na lamang nyang maging normal ang tono.

"K-kuwan kasi ... kanina pa kita napapansin.Napangiti kpa nga na maghalikan ang NEWLYWEDS,may kilala kba sa kanila .. ?"

Nanlamig sya.Heto na nga ang kinakatakutan nya ..

"W-wala .. " aniyang umiwas na ng daraanan .

"Akala ko kasi kaibigan ka ng sister kong si LYNN." pahabol ng lalaki .

Umiling sya,hindi nilingon ang lalaki .

"I'm SAMUEL ..! "

Napangiti sya ng lingunin ito.malayo na ang pagitan nila dahil sa tulin ng kanyang lakad,KAPATID pla ni LYNN ang lalaki,marahil kuya ito .

Nais nyang matawa ng wala na ang kinatatakutan,sinabi pa nito ang pangalan na wari'y nais magpakilala ..

Hindi na naman sila magkikitang muli pagkatapos ng paakakataon ito,nakahinga siya ng maluwag .

Salamat sa pananakit mo !जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें