Si Leonardo James Bjorn ay kilala bilang isang womanizer, babae doon, babae dito. Ngunit hindi alam ng mga tao ang totoong rason nito.
Akala nila ay typical na babaero ito pero Hindi, dahil lingid sa kanilang kaalaman ay nakasasalay pala ang buhay nito sa pagiging babaero.
Si Conciarna Emily Lopez ay isang pangkaraniwang babae lamang. Katamtaman ang estado at may pangarap sa buhay.
Hanggang sa naimbitahan siya sa isang Seminar, nang makilala niya ang isang lalaki na may pangkaraniwang pangangailangan pero hindi ang dahilan.
Akala niya ay makakatakas siya pero iyon ang akala niya dahil unti unti ay napapansin niyang tila magkakambal ang tadhana at ang lalakeng pilit niyang tinatakasan.
