Beks 17: Si Baklang Niko

Start from the beginning
                                    

Inangat ko na din yung ulo ko, dali-dali namang nagsilapitan si Ate Pepay at Inday.

"Ayos ka lang bunso?" nag-aalalang tanong naman sa akin ni Ate Pepay, tumango na lamang ako bilang sagot.

"Sino ba iyon ate?" nagtatakang tanong ko naman sa kanila.

"Yun yung sinasabi namin sayo kagabi, si Baklang Niko, este Sir Niko" sabi ni Ate Inday at nagtawanan naman silang dalawa ni Ate Pepay.

"Huy!" saway naman ni Aling Lin sa dalawa. "Pag may nakarinig sa mga pinagsasabi niyo, malalagot talaga kayo," dagdag paliwanag niya naman.

"Sorry Te, kasi si ano eh, inaano niya si bunso," sabi naman ni Ate Pepay.

"Ah basta, magsibalik na kayo sa trabaho niyo," utos naman ni Aling Lin sa kanilang dalawa.

"Opo," nagsibalikan naman na silang dalawa sa loob para magtrabaho.

"Jusko, apo kamuntikan ka na," nag-aalalang sabi naman sa akin ni Aling Linda.

"'La, maayos naman ako diba? Nandito pa ako, salamat talaga kanina. Kung wala ka siguro baka di ko alam kung saan nanaman ako pupulutin," pagpapasalamat na sabi ko naman sa kaniya.

"Oh siya siya siya, bumalik na tayo sa loob," sabi niya naman sa akin. Bumalik na nga kami sa loob. Ang daming bilin ni Lola Lin. Ang dami niyang pinapagawa sa akin, jusko.

Syempre nilibot na rin niya ako sa mansion, ngayon ko lang nalaman na meron parang attic dito sa mansion na ito, alam niyo yun? Yung parang may hagdan pataas sa may bubong? Tapos ano, parang bodega siya, pero nasa pinakataas ng bahay. Basta ganon, meron ding basketball court dito sa kabilang gilid ng mansion, meron pa ngang mga bleachers! College ba ito?

Nagulat din ako na saktong 10 ang pintuan dito sa taas. walo roon ay puro kwarto, tapos yung lima ay Entertainment Room kung saan akala mo may isang sinehan. 

Meron ding mini library sa isang kwarto, tapos yung tatlo hindi ko na nakita kasi nagmamadali na si ALing Linda bumaba dahil magtatanghalian na at kailangan nang maghanda.

Dumiretso na nga kami sa dining room. Grabe first time ko nakapasok dito. Napaka long talaga nung long table! Jusko, ilang katao ba ang pamilya dito at ganito kahaba ang lamesa?

Nagsipasukan na ang ilan sa mga kasambahay dala-dala ang mga plato, putahe, at kung anu-ano pa, may pa fiesta ba? O ganito ba talaga lagi rito? Kasi alam niyo naman diba, ngayon lang ako nagtrabaho talaga.

Nang matapos na maayos ang lahat ay isa-isang nagsipasukan ang mga nandito. Unang pumasok si Madam, Yeshi, Sir Hans, Harold at si Baklang Niko, pfft, natawa ako sa bakalang Niko. May pa red carpet ba at isa-isa silang pumapasok?

Nandito naman kaming lahat ngayon sa gilid, nakaposte lang sa gilid, ganito yung nakikita ko sa mga teleserye kapag nasa pamamahay ka ng mga mayayaman.

Nagsi-upuan naman na sila. Kumaway naman sa akin si Yeshi, kumaway naman ako pabalik pero patago lang baka anuhin ako nitong nasa harap ko eh, naka-upo kasi sa harap ko si Baklang Niko. Nakatalikod naman siya, pero mahirap na, may mata ata ito sa likod eh.

My Yaya is BekiWhere stories live. Discover now