Chapter 22: Forgive and Forget

1.7K 45 0
                                    

Dahil sa sinabi ng barkada natawa silang lahat, including Joshua and Loisa. After ng masayang tawanan hinawakan ni Joshua ang kamay ni Loisa..

" Loisa kung ano man yung sinabi sa'yo ni Jane wag mong papansinin dahil hindi naman niya kayang gawin yun. Ilang beses niya na kong tinakot pero hindi naman niya nagagawa."si Joshua

" Pero baka mamaya totohanin niya na yun, Joshua ayokong maging dahilan ng kapahamakan mo. Kaya kung pwede Joshua sundin na lang natin yun."si Loisa

" Wala tayong susundin, wala tayong gagawin kung ano tayo noon yun tayo ngayon. Walang magbabago, walang mag-iiwasan."si Joshua

" Ehh totoo ba yung sinabi mo jan sa pinsan ko, ha? Na gusto mo siya? Baka naman mamaya saktan mo lang yang pinsan ko at binibiro mo lang na gusto mo siya ha, tatamaan ka talaga sakin."si Daniel

" Mana po ako kay kuya Benj, kung ano po yung sinabi ko kanina yun po talaga yung nararamdaman ko para kay Loisa. Alam kong masyado pong mabilis pero maniwala po kayo't sa hindi totoo po yung nararamdaman ko para sa pinsan niyo. At handa akong pasukin ang butas ng karayom mapatunayan ko lang po sa kanya at sa inyo yun."si Joshua

" Alam niyo Joshua, Loisa kung meron mang sumubok na saktan kayo hindi kami papayag okay? Marami yata tayo kaya kung ako sa'yo wag mong sundin si Jane wala naman siyang magagawa sa inyo."si Kathryn

" Oo nga try niya lang talaga kayong galawing dalawa magkakapatayan na kami dito mismo."si Lexie

" Sabi niya po kasi na kayang kaya niyang gawing miserable ang buhay ni Joshua at buhay ko eh, kung sakin lang po kaya ko pero yung pati si Joshua madadamay eh grabe na po yun."si Loisa

" Hindi ko po alam kung totoohanin na po ni Jane yung sinasabi niya pero ayokong madamay si Loisa, laban naming dalawa ni Jane 'to."si Joshua

" Anong laban? Ano 'to boxing? Joshua ang gusto lang naman ni Jane ay ikaw kaya kung ako sa'yo tapusin mo na kung anong meron kayo ng babaeng yan kung hindi kami ang tatapos niyan!"si Louise

" Oh hindi naman ako papayag niyan pero pwede naman natin sigurong kausapin ng maayos si Jane. Kung ayaw niya eh di daanin sa santong paspasan."si Alden

" Pero bago yan daanin muna natin sa Santong Dasalan diba? Baka sakali, baka sakali lang ha na maayos natin 'to at least walang dahas na nangyare diba?"si Shirley

" Ang tanong papayag ba yang si Jane sa Santong Dasalan?"si Drake

" Mamaya niyan mapahamak pa 'tong pinsan ko dahil sa Jane na yan."si Daniel

" Handa naman po akong protektahan si Loisa kung ano man po ang gawin sakanya ni Jane eh, gagawin ko po ang lahat para maayos lang po ang lahat sa pagitan naming tatlo."si Joshua

" Anong aayusin? Wala kang dapat ayusin! Sa ating dalawa meron."si Jane

" Anong ginagawa mo dito?"si Louise

" Ano hindi ka pa rin ba nakaka move on sa pang-aagaw ko kay Drake? Sorry ka na lang dahil ako kay Joshua ako pupunta hindi kay Drake!"si Jane

" Pwede ba tigilan mo na yang pang gugulo samin! Ha? Dahil kami gusto na namin ng katahimikan gusto na namin magkaroon ng maayos na pamumuhay!"si Alden

" Ikaw kung ayaw mo nun eh di wag! Tigilan mo na si Joshua, tigilan mo na yang ilusyon mo na babalika ka pa niya dahil matagal niya ng sinabi sa'yo na wala na siyang nararamdaman para sayo pero habol ka pa rin ng habol! Ano? Ganyan ka ba ka-desperada?"si Loisa

Campus Love Stories: Book 1Where stories live. Discover now