Chapter 14: Space and Time

2.4K 46 1
                                    

" Mr. Cholo Santos, Mr. Max Hernandez, Mr. Francis Magundayao, Mr. Rocky Dominguez lahat kayo ay matatanggal sa eskwelahang ito!! At hindi kayo maaring bumalik!!"rinig ng barkada ang sigaw ni PS mula sa loob ng office nito

Nakatambay ang barkada sa labas ng office ni PS hanggang ngayon ay kinakausap pa rin ni PS ang apat na lalaki. Nahuli din si Cholo na nagdadala ng illegal na gamot kaya deretso kulungan na sila. 

" At least ngayon wala ng manggugulo sa barkada."si Kathryn 

" Oo nga eh tama lang yan sa kanilang apat nakita niyo naman nagdadala sila ng pinagbabawal na gamot."si Drake 

" Ewan ko na lang pag nakatakas pa yan sa kulungan ah, sana naman magtanda na sila."si Alden 

" Lexie tubig oh. Lexie galit ka pa ba sakin?"si Benj 

" Bakit di mo sinabi sakin yung tungkol dun? Bakit sa iba ko pa dapat malaman? Ha Benj? Diba usapan faithful at honest na tayo sa isa't isa?"si Lexie 

" Ahh guys bili lang kaming pagkain ni Louise sa cafeteria ah."si Alden 

" Tara Drake samahan mo ko sa may locker ko kukunin ko na yung mga libro ko."si Shirley

" Sige tara."si Drake

" Kathryn, Loisa, Joshua punta muna tayo sa tambayan mukha namang uwian na eh."si Daniel 

" Sige tara."si Joshua 

" Lexie ayaw ko na naman na balikan pa yun, tapos na yun eh at isa pa kaya ko lang naman kasama yung babaeng yun sa storage dahil na lock kami."si Benj 

" Hindi ko naman kayo pinag-iispan ng masama Benj eh pero ngayon hindi ko na alam kung alin yung totoo sa hindi eh. Ano ba? May dapat pa ba kong malaman sayo?"si Lexie 

" Wala na akong tinatago sayo Lexie yung nalaman mong yun napatunayan na yun eh na wala kaming ginawang masama."si Benj

" Hindi naman yun yung punto ko Benj kung may ginawa man kayo o wala dapat sinabi mo sakin. Kahit tapos na."si Lexie 

" Okay Lexie, I'm sorry. Okay? I'm sorry."si Benj 

" Yung pagmamahal ko sa'yo Benj binuo yun ng tiwala at pinagsamahan natin, pero paano na ngayon? Sinira mo yung tiwala ko sa'yo."si Lexie

" Lexie wag naman ganito kung gusto mong lumuhod ako luluhod ako mpatawad mo alng ako."si Benj 

" Alam mo Benj kung mawawala ako sa buhay mo siguro babalik ka sa pagiging the breakers eh gusto mo ba yun? Mukhang yun naman yung gusto mo eh sige ibibigay ko sayo."si Lexie 

" Lexie hindi ikaw yung gusto ko ikaw lang. Ayoko ng bumalik sa pagiging the breakers dahil ikaw bumago sakin eh."si Benj 

" Ang sakit pala Benj nuh? Ang sakit-sakit kaya siguro kung hindi ka pa handa na maging ka-MU ko sige pagbibigyan kita. Hanapin mo muna yung sarili mo Benj, hanapin mo yung Benj na mahal ko."si Lexie 

" Hindi naman ako nawala Lexie eh eto pa rin ako."si Benj

" Hindi nawala ka dahil yung kilala kong Benj hindi nagtatago ng sikreto sakin.''si Lexie 

" Mahal na mahal kita Lexie eh mahal na mahal."si Benj 

" Ganun din ako pero Benj sinira mo yung tiwala ko sayo. Hanapin mo muna yung sarili mo, baka sakali bumalik yung tiwala ko sayo."si Lexie at umalis na ito palayo

Campus Love Stories: Book 1Where stories live. Discover now