Chapter 43: Sleep Over

1.1K 32 2
                                    

Saturday pala ng umaga ay dumating na ang mga girls na sila Loisa, Kathryn, Lexie at Louise ang mga boys ay mamayang hapon pa ang dating. Nag swimming muna ang mga girls dahil may swimming pool naman sila Shirley sa bahay.

" Shirley sure na ba yung date ng alis niyo ng Manila? Hindi ka talaga makakapunta ng Sports Fest?"si Lexie

" Hindi na nga po, tsaka kahit naman hindi tuloy e hindi rin ako pwedeng umattend ng Sports Fest niyo dahil matetemp lang akong kumain ng isaw at ng betamax."si Shirley

" Masaya ka naman for Drake na sila ni Lexie ang napiling candidate for Mr.&Ms.Juniors?"si Loisa

" Syempre naman nuh masaya ako para kay Lexie at mas masaya ako para kay Drake kasi kahit wala ako nakaya niya."si Shirley

" Sa tingin ko Shirley sobrang na yang pagmamahal sayo ni Drake kasi diba, yung kinanta niya kahapon e dinedicate niya pa sayo, kahit na wala ka naman dun."si Louise

" Mahalaga sakin si Drake, kaya nga kahit ayoko na malayo ako sakanya wala naman akong magagawa dahil yun yung will ni God e."si Shirley

" Bakit di na lang kasi maging kayo na?"si Kathryn

" Oo nga ate Shirley, sabi mo naman mahalaga siya sayo at sa tingin ko may feelings ka na para sakanya."si Loisa

" Ito talagang bunso natin sa barkada, alam mo Loisa hindi sapat na mahal o gusto niyo lang ang isa't isa para magkaroon kayo ng relasyon. Kailangan handa kayo sa bawat pagsubok na dadating sa inyo."si Shirley

" It all means na hindi ka pa handa?"si Lexie

" Naiintindihan ka namin Shirley, it's your first time to have a relationship kaya alam namin na nahihrapan ka."si Louise

" Tsaka Shirley hindi naman madali ang mag handle ng isang relasyon kaya talagang hindi ka pa magiging handa."si Kathryn

" Gusto ko naman na si Drake kayalang sa tingin ko mahihirapan kaming mag adjust kung sasagutin ko na siya ngayon. Hindi mahirap ang Long Distance Relationship."si Shirley

" Kung sa bagay talagang mahirap hindi naman kasi sanay si kuya Drake na wala ka sa tabi niya e."si Loisa

" Kami ni Benj diba wala pa naman kaming isang buwan kaya full of adjustment ang nangyayare samin ngayon."si Lexie

" Girls I have to give you something nga pala, Yaya pakuha naman ako nung mga box na yun o! Thank you."si Shirley

" Sige po ma'am sandali lang po."-yaya

" Ano naman yan?"si Kathryn

" Eto na po Ma'am."-Yaya

" Thank you, oh ayan pinapersonalized ko pa yang mga yan including the box. It's a necklace. Mga pangalan niyo yan. Yan yung gift ko sa inyo at papasalamat sa inyo."si Shirley

" For what?"si Loisa

" Oo nga naman para saan?"si Louise

" Thank you for supporting me, kahit na yung kapalit ng pagpayag niyo sa pag papagamot e magkakahiwalay tayo. Para ko na kayong kapatid lahat."si Shirley

" Shirley syempre papayag kami at susuportahan ka namin, yun yung makakabuti sayo e kaya sa malamang papayag kami. Kahit na masakit samin na magka-hiwahiwalay tayo."si Kathryn

" Basta bumalik ka lang as soon as gumaling ka yun lang ang mahalaga samin."si Lexie

" Syempre naman saan ba naman ako pupunta pa? At ano naman ang gagawin ko sa America."si Shirley

Campus Love Stories: Book 1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora