"Po?" mas lalo pang natawa si Lola kaya napatingin ako sa gawi nina Roks kung napapansin na kami pero mabuti naman at hindi.

"Sumakabilang babae? Aba'y mukhang wala ka pang karanasan hija?"

"Wala po." sagot ko nalang kunwari nagets ko ang ibig niyang sabihin para hindi na ako mapahiya pa sa harap niya.

"H'wag kang mag alala ang mga lalaking babaero ay agad na kinukuha nito." saad niya saka turo sa langit. Sapagkakataong 'to ay natawa na ako dahil nagets ko na ang joke niya.

"Noong mga bata bata pa kami napakaraming kabit ni Arnaldo. Paulit ulit niya akong ginag-go pero ako naman 'tong mahal na mahal siya ay ntinatanggap pa rin 'to pero bago mangyari ay kinakalbo ko muna ang mga kabit niya. Naalala ko nun may koleksyon pa ako ng ibat ibang buhok ng babae na kabit ng asawa ko dahil talagang kinakalbo ko 'to. Gan'yan na gan'yan din ang ginawa ko. Minaman manan ko siya, pinanood ko muna ang mga galaw ang kaso madalas 'di na ako nakakapagpigil at bigla ko nalang sugurin 'to." napangisi ako dahil ang paraan ng pag k-kuwento niya ay may kasamang aksyon.

"Talaga po? Hmm, gusto ko rin 'yun gawin. Paano ko kaya maririnig ang usapan nila, masyado pong malayo." kinandatan lang ako ni Lola saka ngumiti ng malawak dahilan para lumagabog ang puso ko.

"H'wag ka ngang tumingin sakanila at baka maramdaman nilang may nakatingin sakanila. Eto suotin mo 'tong sumbrero ko at jacket ko habang unti unti mo 'kong nilalapit sakanila. Kunwari ay inililibot mo lang ako." inihubad ni Lola ang bucket cap niya pati narin ang jacket niya saka inabot saakin.

"Suotin mo 'yan ha, nako ilang dekada ko na rin hindi ginagawa 'tong pagmamanman sa mga kabit. Kapag kakabulhin mo ang babae isama mo na 'yung sapot sa kweba niya!" napangiwi ako dahil parang bigla kong pinagsisihan na sinabi kong boyfriend ko si Roks at kabit na 'yung babae baka mamaya pala kapatid lang siya edi lagot ako kay Lola kasi niloko ko sita tapos lagot din ako kay Roks at dun sa babae.

Kahit nagdadalawang isip ako ay sinunod ko nalang si Lola ay sinuot ko ang ibinigay niya at iginuyod siya ng palapit sakanila na parang normal lang kami at walang maitim na balak.

Habang palapit kami ay pinangatawan ko na mag prentend na ibang tao. Unti unti ko na rin naririnig ang boses nila at syempre naaninag ko na rin ang itsura nung babae. At nakapang laglag din ng panga ang kagandahan nung babae ang kaso lang hindi siya mukhang maamo. Mukha siya nangangain ng tao, ay basta sobrang tapang ng mukha niya.

"You're so weak." pinanood ko kung paano hinampas nung babae ang injury ni Roks.

Nawala na ang seryosong aura ngayon dahil parang nagbibiruan na sila o naglalandian.

"Ouch, don't touch it!" daing ni Roks habang hinahaplos haplos ang binti niya pero humagikgik lang 'to.

"HAHAHA why so pissed? Modern Apolinario?" tumawa ang babae na may pahmapas hampas pa sa balikat ni Roks kaya napangiwi ako.

"Stop, hindi ako lumpo." mahinahon lang na sagot ni Captain. Natulala nalang ako sakanila dahil parang naghaharutan sila na talagang kinainis ko.

Sobrang inis ko ngayon hindi dahil may gusto ako sakaniya kung hindi, nagsinungaling si Captain Bato na single siya potakte siya! Ang kapal ng mukha niyang pagsabihan ako tungkol sa mga sinungaling tapos siya rin pala? Ang kapal ng mukha niya! Potakteng anak ng shooting star!

Aba, hindi ko galit ako sa nga lalaking babaero sa totoo lang. Pangangaliwa pa rin ang ginawa ni Roks dahil ginawa niya akong kiss slave. Sino bang matinong lalaki na maghahanap ng kiss slave kung mayroon na siyang girlfriend? Siguro conservative ang babae at ayaw pa magpahalik kaya naghanap ng ibang tutulain 'tong manok na 'to dahil hayok na hayok na siya. P-nyeta siya! Ginawa pa akong kabit, paano nalang kung bigla akong sinugod ng nobya niya?

KISS ME, CAPTAINWhere stories live. Discover now