"Pabili po ng facemask." smabit ko nang makarating na ako sa ng pharmcy dito mismo sa hospital. 'Di ako makapaniwala na pag gagastusan ko ng malaki si Roks aba na 100+ na ako sakaniya. 'Yung ulam, kanin, wax at etong facemask.

"Free lang po 'to Ma'am." napangiti naman ako ng malaki dahil nakatipid pa ako. Hindi na ako nag aksaya ng oras para maghintay at bumalik ako sa garden ang kaso habang papunta ako dun ay may nakasalubong ako.

"Hija patulong naman ako at dalhin mo 'ko sa garden." sambit nang matandang pasyente na magisa sa wheelchair niya na automatic na hightech.

"Nasaan po ang nurse n'yo?"

"Tinakasan ko, hindi ko talaga gusto ang nagbabantay saaking 'yun. Masyadong mahigpit kung umasta ang akala mo kung sinong mas matanda." natawa nalang ako at patuloy na pinakinggan ang lahat ng rant niya sa nurse niya habang patungo kami ng garden.

"G na G ka lola ha, chillax lang. Puso n'yo baka magkumbulsyon." suot suot ko na ang facemask ko habang tinutulak ang wheelchair ni Lola.

"Matagal na 'tong nag k-kumbulsyon dahil sa nurse na 'yun porket walang love life ang sungit sungit." hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa garden.

"Napakaganda talaga rito, ito ang pinaka paborito kong lugar sa hospital na 'to. Halos isang linggo na ako rito sa hospital. Eh mga anak ko masyadong busy sa kaniya kaniyang trabaho kaya madalas kasama ko ang mga kasambahay namin at nurse." kunwari nakikinig lang ako kay Lola pero ang totoo ang utak ko ay nakatuon kina Roks.

Sa pwestong 'to namin ni Lola ay ang malayo pa rin kila Roks pero kitang kita ko ang sideview nito pero ang babaeng kasama niya ay 'di ko pa rin maaninag ang mukha  pero base sa nakikita ko ngayon kay Captain Bato ay masyadong seryoso 'to kaya mas lalo akong nagtataka.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa gawi na 'yan, crush mo ba ang lalaki?" napabalikwas ako nang marinig ko ang tinutukoy ni Lola.

"Ha? Hindi po." mabilis kong pagtatangi sakaniya pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"Bakit parang nasa ibang planeta ka? Tignan mo kung nasaan tayo ngayon?" napatingin ako sa tinuro at halos mataranta ako nang makita kong nakabangga kami sa isang malaking paso.

"Ay sorry po may iniisip lang." agad ko siyang inalis doon at sinumulan muli siyang ilibot sa garden.

"Sino iniisip mo 'yang lalaki bang 'yan? Ano aamin ka o lalapit tayo dun?" nanlaki ang mga mata ko saka umiling umiling. Napakamot ako sa pisnge ko dahil mas nahirapan pa ata ako ngayon na manmanan si Roks dahil kay Lola.

"Shh, h'wag po kayo maingay. Ano po kasi minaman manan ko 'yung nobyo ko. Tinitignan ko kung paano sila magusap ng kabit niya." napapikit ako ng mariin dahil hindi ko inaasahan na 'yun ang lalabas na salita sa aking bibig. Wrong move ba?

"Anong pangalan mo?" nagtaka naman ako dahil biglang naging seryoso ang mukha ni Lola pakiramdam ko tuloy may pinaplano siya.

"Paint po." tumango lang siya at inilahad saakin ang kamay niya.

"Ako si Elesiya, welcome to the club hija." napakamot muli ako saaking pisnge dahil hindi ko maintindihan si Lola Elesiya.

"Ano po ang ibig n'yong sabihin?" pilit akong tumawa dahil tumawa rin si Lola kahit wala namang nakakatawa.

"Ang ibig kong sabihin ang mga minamahal natin ay nag sawa na sa kweba natin at sumakabilang pagpapahingaan na ng kanilang sawa." painosente lang akong tumingin kay Lola Elesiya dahil 'di ko naman talaga siya maintindihan.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon