"Oh c'mon, I'm just challenging you. Mas pikon ka nga talaga." inis akong umupo sa sofa at binato sa kaniya ang unan pero mabilis niya lang nasalo 'to.

"Bwiset kang Manok ka! Prituhin kita d'yan kapag nagkataon." napairap ako at binalik ang tingin sa telepono ko.

"Spill it, doggy." malalim na boses na usal nito pero 'di ko na siya nilingon at baka mag walk out na talaga ako ng tuluyan.

"May limang rules ako. Makinig kang mabuti dahil wala akong balak ulitin."mataray kong sambit.

"Really? That's in favor for me, I can use that to be the reason why I violated your rules." mapaglaro ang boses niya kaya inis ko na siyang tinignan.

"Subukan mo at 'di na talaga ako magkakamaling gawin kang tinola! Ihahain kita mismo sa sarili mo. Aba, hindi lang ikaw 'yung kayang magsabi ng 'Kapag sinabi ko paninindigan ko' "madiin kong saad kaya painosenteng tumingin 'to saakin.

"Ok stop, I'm scared. Please proceed." sarkastikong wika nito kaya napahilot nalang ako sa sintido ko. Bakit 'di ko na naman magawang maniwala sa sinabi ni Amirah na gentleman 'tong lalaki 'to?

"Una, no string attached." dahan dahan pero sobrang lutong kong usal dahilan para pagkunutan niya ako ng noo.

"Fundamentally, a no strings attached relationship is one in which two people carry on a purely physical connection with one another; there’s no emotional connection between them. In other words, a no strings attached relationship implies that you’re sexually intimate, but that’s as far as your relationship goes, and you’re not committed to each other in any way. Casual sex with no expectation of a normal date." mabilis na sambit nito, wala ako nagets sa sinabi niya pero alam ko naman ang meaning 'No string attached relationship' kaya 'di ko na kailangan mag stress sa english niya.

"Tumpok pero iba 'yung version natin, iibahin na 'yung term na sex magiging Kiss na siya kasi Kiss slave nga 'di ba pauso mo 'yun kaya magpapauso na rin ako. Ang no string attached version ala Roks at Paint ay  hindi porket nag tutukaan tayo ay may relasyon tayo walang namamagitan saatin kahit kaibigan kaya hindi siya friends with benifits! Gets?" kumunot ang noo niya at kinagat ang ibaba niyang labi kaya namula nanaman 'to lalo.

"So it's Boss with benifits?" nagtiim ang bagang ko at matalim 'to tinignan habang pinaghahagis sakaniya ang unan na siyang pinulot niya naman.

"Pwede ba tumahimik ka muna! Ako lang magsasalita. H'wag kang pasasa d'yan!" tumango nalang 'to habang may ngisi pa rin sa kaniyang labi.

" 'Yun na nga, walang date nmagaganap, 'Yung tipong mga ginagawa nung ng mga normal na couple? Basta 'yun, h'wag kang abuso kasi Kiss lang ang napagusapan!" tumikhim siya at inosenteng tinignan ako, sinuklay niya pa ang kamay niya sa buhok nito kasabay ng pagigting ng kaniyang panga.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon