It's from Clarisha.

She says that I can be part of their friendship but I ignore them.

"She don't even have power to protect herself. Hindi makakayanan ng katawan niya ang ginagawa mo!!!"  I heard her voice again shouting.

What am I going to do now?

Naghihina na ako na parang any minute eh mawawalan na ako ng malay.

Hindi ko na kaya.

Hindi ko namalayan na bigla na akong natumba.

I can see a blood. Blood comes from my body.

Am I going to die now?

Kasabay ng pagkawala ko ng malay ang pagkawala ng spell.













Maliwanag ang agad na bumungad sa aking paggising.

Nang maimulat ko nang tuluyan ang aking mata ay napansin kong nandito ako sa... Ospital?

"I'm happy that you already wake up"  nakangiting sabi niya habang nakahawak ng pagkain.

"Here" binigay niya sakin ang pagkaing dala niya. Mga prutas ito.

"You need to restore your energy" sabi niya at pinagbabalatan pa ako ng dalanghita.

Hindi ako sumagot sa kaniya.

Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan. Tinulungan pa niya akong bumangon bago ko kinain ang mga prutas na dala niya.

It was fresh at malamig pa ito. Kagagaling lang siguro sa ref.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang emosyon niya which is very concern.

I smiled.

"Okay lang" sabi ko. I'm a liar.

Why do people use to say they are okay even if they are not?

A liar.

"Are you sure?" bakit ba siya nag aalala sa akin samantalang hindi naman kami magkaibigan. Hindi nga ba?

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na tinuturing nila akong kaibigan while I'm just ignoring them.

Am I really ignoring them? Sa pagkakaalam ko naman hindi masyado pero hindi lang talaga ako interesado. Right, I'm not just interested to them. I didn't know them thoroughly.

Nahypnotyze lang ako, ang gulo na ng pag iisip ko.

"Hmmmm, by the way sabi ng doctor ay pwede ka nang lumabas bukas ng umaga. Hindi muna sa ngayon dahil kailangan mo pang ipahinga ang katawan mo" hindi ko siya sinagot.

Hindi ko alam ang mga nangyayari sa akin ngayon. First day na first day ko pa lang sa unibersidad na ito ay muntikan na akong mamatay. Pano pa kaya pag tumagal pa ako rito, baka patay na ako.

Ano ba kaseng nakain ni mommy at naisipan niya akong ipasok sa unibersidad na ito samantalang wala naman akong kakayahan katulad ng mga nagagawa ng ibang estudyante rito. I don't belong here. Kawawa naman ako. I'm so miserable.

Don't say that...

Eto nanaman siya sa pagbabasa ng isipan eh. Wala na ba talagang pwedeng gawin para hindi niya mabasa ang nasa isip ko. Para tuloy akong nawawalan ng karapatang mag-isip ng gusto kong isipin.

"Sorry... Hindi ko rin kase maiwasan na basahin ang isipan mo mas lalo na pag nakita kong malungkot ka" malungkot ba ako ngayon? Hindi ko na rin kase alam ang gagawin ko para lang malampasan ang problemang ito. Bakit ba kase ako nandito?

Magia University (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon