🖋️Eight🖋️

363 21 0
                                    


BALLPEN

Eight: Hindi tayo bati

Agad akong napangiti ng masilayan ko ang nakangiting mukha ni Dylan na nakatitig sa'kin. Nakapangalumbaba pa siya sa kama habang pinagmamasdan ako.

Medyo kinilig ako kasi ang gwapo niyang tingnan. Pero dahil inaantok pa ako ay nagtalukbong na lang muna ako ng kumot.

Mamaya ko na lalandiin si Dylan kapag nasa mood na ako.

At saka, ayoko ring makita niya ang itsura ko ngayon though kanina pa siguro niya ako pinagmamasdan.

Baka kasi bigla siyang maturn off dahil ang gulo-gulo pa ng buhok ko. Agad naman akong napanguso ng biglang may humila sa kumot.

Kainis naman! Gusto ko pang matulog!

"Hey, sleepy head. Bumangon ka na diyan. Malapit na tayong pumasok," malambing na sabi niya pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Pero inaantok pa ako," ungot ko at saka dumapa sa kama. Bahala siya diyan. Inaantok pa ako.

Wala ako sa mood makipaglandian ngayon.

Gusto ko lang matulog maghapon dahil inaantok pa talaga ako.

Naramdaman ko namang umalis si Dylan kaya isinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan.

Agad naman akong napatili ng may humila sa magkabilang hita ko at saka ako binuhat na parang sako.

Halos magkandahilo-hilo ako dahil sa nakabaliktad ako. Napapikit na lang ako dahil nagdadalawa ang paningin ko.

"Yah! Ibaba mo nga ako!" reklamo ko dahil hilong-hilo na ako. Pinaghahampas ko rin ang likod niya pero hindi niya naman ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa banyo.

Napatili na lang ako ng muli niya akong ibinagsak. Agad na nawala ang antok ko ng mabasa ako ng tubig.

Napapikit na lang ako at saka pinunasan ang natalsikan kong mukha.

Mabuti na lang talaga at puno na ng tubig ang bathtub kung hindi ay baka nasaktan pa ako sa pagbagsak ko.

Pagkatapos kong punansan ang mukha ko ay napanguso na lang ako at saka napayakap sa sarili.

Pinitik niya naman ang noo ko kaya agad kong nasapo iyon. Sinimangutan ko na lang siya pero hindi niya naman pinansin ang pagpapacute ko.

Napakasalbaheng nilalang! Palibhasa kasi hindi ko kayang iignore ang kagwapuhan niya kaya ginaganiyan niya ako. Konti na lang talaga at magtatampo na ako sa kanya. Tapos isang kiss lang niya okay na agad. Ang unfair talaga!

Nagcross arm na lang at nanatiling nakaupo sa bath tub. Agad na nangunot ang noo ko ng sumandal siya sa hamba ng pintuan.

"Hindi ka pa ba aalis?" nagtatakang tanong ko. Napansin ko naman kaagad ang pagkalito sa kanyang mga mata.

"Bakit naman ako aalis sa bahay ko?" inosenteng tanong niya. Umiling naman ako.

"What I mean, anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba aalis?" Kinunotan niya naman ako ng noo.

"Bakit kailangan ko pang umalis?" Agad namang napaawang ang labi ko. Napailing-iling na lang ako.

"Hello, maliligo ako tapos nandiyan ka?" hindi makapaniwalang sabi ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Pwede ka pa rin naman maligo kahit nandito ako. Wala naman akong gagawin sa'yo. Gusto mo ako pa magpaligo sa'yo eh," alok niya pero agad ko siyang inambahan ng suntok.

"Subukan mo lang talagang lumapit, makikita mo." Nginisian niya naman ako at agad akong napalunok ng humakbang siya palapit sa'kin. Mas lalong kumabog ang puso ko ng pagpantayin niya ang paningin namin.

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Where stories live. Discover now