Chapter 18

159 5 1
                                    

Lionel

Kasalukuyan kaming nandito ngayon ni Herbert sa clinic habang ginagamot siya ng nurse.

Hindi naman ganoon ka-grabe ang natamo niyang sugat na nakuha mula kay Max pero dinala ko pa rin siya dito dahil nakakahiya naman kung papabayaan ko lang siya doon at nakahandusay diba?

Nakaupo ako dito malapit sa pintuan ng clinic habang nandoon naman si Herbert sa isa pang upuan at inaasikaso ng nurse. Magkaharap lang ang inuupuan namin pero malayo-layo naman ang agwat.

Habang nakatingin siya sa ibang direksyon ay pinagmasdan ko ang kanyang mukha.

Ano kayang nakain nito at pati siya ay gusto na rin akong ligawan?

Nakakabigla naman kasi eh. Noon ay nagpanggap pa siya na mabait kaya tinuring ko siyang kaibigan pero pinaglaruan lang niya ako at ipinahiya sa maraming tao. Ngayon ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Simula nung nagbago ang itsura ko ay doon na rin siya humingi ng tawad at ngayon ay humingi na rin ng permiso sakin para manligaw.

Kung ganun, talagang bumabase lang siya sa itsura at hindi sa katangian? Abaaaa! Nasaan na iyong sinasabi niya noon na 'Physical feature doesn't matter but attitude is'?

Buti pa si Max. Kahit na ganito ang pagkatao ko ay tinanggap niya pa rin ako at wala siyang pagdadalawang isip na tanggapin ako sa kung sino ako.

Huwag mo na ngang isipin pa si Max. Pinagseselosan na naman si Herbert. Palaging galit. Bastos pa! ,sigaw ng isa kong isipan.

Uyyy. Aminin mo. Kinikilig ka pag nagseselos si Max, sigaw rin ng isa ko pang isipan.

Aaaaah. Max. Pasalamat ka. Kahit na ganyan ka ay hindi ko magawang magalit sayo.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala panay ang tingin niya dito sa kinaroroonan ko at nakangiti kaya ngumiti rin ako sa kanya kahit na nakakailang.

Pagkatapos siyang gamutin ng nurse ay lumabas na kaagad kami sa clinic at nagpasalamat rito pero bago pa kami nakalabas ay tinawag ako nito.

"Bakit nurse?"

"Uhmmm. Teka lang. Pwede bang palabasin mo muna ang kasama mo ngayon? Private kasi ang pag-uusapan natin."

Nakasunod pala si Herbert sakin kaya sinenyasan ko itong lumabas muna saglit para hindi niya marinig ang pag-uusapan namin. Wala naman itong nagawa pa kaya napatango na lang siya at sinarado ang pinto pagkatapos nitong lumabas.

Kinakabahan ako sa sasabihin ng nurse sakin. Eh kasi naman, bakit private conversation pa ang gagawin namin?

"Mr. Cruz", tawag ulit nito sakin.

"Bakit?"

"Napapansin ko lang ha?", nakatingin lang ang nurse sakin na para bang kinikilig.

"Nakatingin sayo si Herbert kanina habang ginagamot ko siya."

Abaaaa. Pati ba naman ikaw nurse naki-chismis na rin ha?

"Eh, ano naman kung tinitingnan niya ako?"

"May gusto siya sayo noh?", diretsong tanong nito sakin.

Ayy naku nurse. Kung alam mo lang. Nangliligaw na si Herbert sakin. Charott.

"Ewan ko", pagtanggi ko.

"Aysuss. Nagdeny ka pa. Halata naman na gusto ka nun eh", pang-aasar ulit nito.

"Gusto mo sayo nalang si Herbert?", biro kong tanong sa kanya.

"Talaga?", hindi makapaniwalang sagot nito.

ARE YOU READY FOR IT?Where stories live. Discover now