Chapter 7

166 6 0
                                    

Lionel

Alas singko pa lang ng umaga ay gising na agad ako dahil ngayon ang pag-alis ni mama para sa birthday ni Aling Maria. Isang malaking travelling bag ang dinala nito na akala mo ay parang magbabakasyon ng isang taon doon sa boracay.

"Mama, ang laki naman yata ng bagahe mo? Parang hindi ka na uuwi dito ah?", natatawang puna ko rito.

"Ayy naku anak. Hayaan mo na ako. Minsan lang naman ito eh. Tsaka gusto ko talagang mag relax doon. Kahit papaano ay mawala ng saglit itong stress ko."

"Ayy naku. Si mama talaga. Nagiging feeling bata. Sige na. Ihahatid na kita kina Aling Maria. Baka mahuli ka pa sa pagbyahe."

Pagkatapos kong ihatid si mama ay bumalik agad ako sa bahay para ang sarili naman ang aasikasuhin ko.

------------------------------

6:46 am.

Maaga pa. Kaya naisipan ko na lang na matulog ulit. Mamayang alas kuwatro pa naman magsisimula ang party. Kaya inihiga ko ang aking katawan sa malambot na kama at naidlip muna.

Ilang minuto lang ang lumipas ay naalimpungatan ako dahil sa ingay ng phone ko kaya kinuha ko ito malapit sa cabinet kung saan ko ito inilagay at tiningnan ang nasa screen nito. Unregistered number. Napakunot ang noo ko.

Sino naman kaya ito?

"Hello?"

"Hey!", pagsagot nito sa kabilang linya.

Pamilyar ang boses nito.

"Herbert?"

"Yeah. Ako nga ito."

"T-teka lang. P-paano mo nakuha ang number ko?"

"Si Pearl ang nagbigay sakin ng number mo."

Iyong Pearl na iyon. Lagot talaga siya sa akin.

"Napatawag ka?"

"Are you ready for the party?", tanong nito.

"A-ako? Oo naman."

"See you later", sagot nito bago naputol ang tawag.

Pagkatapos niyang tumawag ay tumayo na agad ako para magluto para sa tanghalian.

------------------------------

2:14 pm.

Malapit na pala ang alas kwatro. Kaya dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay inilabas ko na sa cabinet ang bagong damit na nabili namin ni Pearl kahapon doon sa mall.

Isang oversized jacket na kulay dirty white na may maliliit na dark blue-flower design at isang faded jeans na fitted mula sa waistline hanggang sa tuhod. Mula naman sa tuhod pababa sa paa ay naka loose na ito.

Mabuti naman at maganda pumili si Pearl ng mga ganitong bagay.

Kaya sinuot ko na ito. Saktong-sakto lang sakin ang size. Hindi masikip, hindi rin maluwag kaya comfortable akong suotin ito.

ARE YOU READY FOR IT?Where stories live. Discover now