Chapter Three: Stranger, Danger

Magsimula sa umpisa
                                    

Zeus' Dagger
Rarity: A
Type: Dagger
Additional Attributes:
Hit +50
Attack Power +52
Speed +47
Description:
A sharp and sword-like dagger. Strikes lightning into the enemy.

▪▪▪

Should I use the sword? Siguro mamaya na. Parang ang bigat din eh. Bibili ako ng scabbard mamaya. Mayroon pa naman akong five thousand silvers mula sa pagpatay ng baby wolves. At one thousand golds na mula sa pagspawn ko.

Itinago ko ang dagger sa isang sheath sa may waist ko at isinuot ang ring. Pagkatapos ay lumabas ako mula sa gubat at bumungad sa'kin ang isang village. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito pero sigurado'y dahil ito sa tulong ni Mr. Scary.

Naalala ko ang quest. Kailangan kong puntahan si Blacksmith at tulungan siya sa pagdefeat sa wolf king. Iyon nga lang, hindi ko alam kung nasaan iyon.

"Uh... excuse me," tanong ko sa nalapitan kong grupo ng kalalakihan. "Alam niyo ba kung nasaan ang blacksmith?"

Binalingan nila ako. Noong una'y parang naiinis pa ang itsura nila pero nang makita ako'y unti-unting lumambot ang expresiyon nila sa mukha. Kumunot ang noo ko lalo na nang tumagal ang titig nila sa'kin. In the corner of my eye, I can also see passerby stopping and people staring at me. May dumi ba ako sa mukha?

"Uh... alam niyo ho ba kung nasaan ang Blacksmith?" tanong ko ulit.

Nanatili ang pagtitig nila habang nakaawang ang mga labi. Because of confusion and the uncomfortable stares, napaatras ako. Parang nabuhusan naman sila ng malamig na tubig sa ginawa ko at agad silang sumagot.

"Ah! Ang Blacksmith ba, miss? Nandoon iyon, isang liko-" naputol siya ng kasama.

"Isang liko lang tapos diretso ka na. Ang pinakahuling store, iyon ang tirahan ng Blacksmith-" pinutol ng katabi ang sasabihin niya.

"Nako, may quest ka ba? Tulungan ka na namin?"

"Oo nga, pwede kang sumabay sa party namin!"

"Tama! Ano ba ang class mo? May dagger ka. Isa ka bang Rogue? Gusto mong sumali sa'min?"

Nagulat ako nang may sumulpot na isa pang lalaki at may mga kasama din siya.

"Miss! Dito ka na sa'min. Malapit na kami sa Level 15, itong mga 'to Level 13 pa lang. Tiyak na mas matutulungan ka namin!" ani ng bagong dating.

Sasagot na sana ako nang may sumulpot ulit! Isang panibagong grupo ng kalalakihan.

"Kami magle-level 17 na, pero okay lang sa'min na tulungan ka! Ang wolf king siguro ang quest mo, ano? Madali lang 'yan pag sumama ka sa'min! Tara team up tayo!"

"Mukhang beginner's armor 'yan miss, upgrade natin. Tutulungan kita sa gold coins! Marami ako no'n!"

Biglang pumula sa galit ang grupo ng lalaking pinagtanungan ko. Nagsamaan ang tatlong grupo ng tingin at parang handa na nilang patayin ang isa't isa.

"Putangina! Hoy! Kami ang pinagtanungan niya! Huwag nga kayong pumapasok sa usapan na hindi kayo kasali!"

"Pinagtanungan lang kayo, hoy! Kami tutulungan namin siya! Manahimik ka na lang diyan, totoy!"

Nagt-twitch na ang mata ng lalaki dahil sa pagtawag sa kaniya ng totoy. Kinuha nito ang espada mula sa likod at itinutok sa nagsalita.

"Oh? Ano? Come on, let's see who's more fit to help her!"

Ngumisi ang ikatatlong grupo. "Sure, walang problema dito! Humanda kayo sa pagkatalo."

At nagrambol nga sila sa harapan ko. Napa-atras ako dahil sa ginagawa nila. Kung minsan ay mapapatingin sila sa gawi ko at ngingiti sila ng matamis na parang hindi basag ang mga mukha nila.

Napatingin ako sa paligid. Lahat sila ay nakatuon ang atensiyon sa komusyon. Ang iba naman ay nakatitig lang sa'kin at parang wala sa sarili. Unconsciously, nahawakan ko ang singsing at naalala ang attribute nito.

"Hide," I whispered.

Parang nagising mula sa pagkatulog ang mga nakatitig sa'kin kanina. Luminga-linga sila sa paligid kaya nalaman kong gumana nga ang singsing. Dali-dali akong tumakbo sa isang alley at nagtago doon. Ilang sandali ay narinig ko ang paghupa ng away at ang mga tanong nila ay pumasa-ere.

"Ha? Nasaan na iyon magandang babae dito?"

"Tangina! Sigurado, natakot iyon sa inyo! Ayan kasi at nag-away away pa kayo!"

"Ay putangina mo rin, 'no? Hindi ba't ang lider niyo ang nanghamon dito sa lider namin?"

"Tumigil na nga kayo, mga bobo! Hanapin natin siya, sigurado hindi pa iyon nakaka-alis!"

Napalunok ako at mas napasiksik sa dilim nang maramdaman kong tumakbo sila sa tabi ko. I frowned when a lot of them are already running and shouting for a beautiful white-haired elf. Sumilip ako ng marahan at nakita silang panay pa din ang hanap sa'kin. Kahit ang mga banga ay binubuksan nila upang alamin kung nagtatago ako doon.

Binuksan ko ang bag inventory at kinuha ang cloak mula doon. Paniguradong hindi na ako masyadong makakagalaw 'pag hindi ko tinakpan ang itsura ko. Nakakainis naman 'to!

▪▪▪

Monarch's Cloak
Rarity: A
Type: Clothing
Additional Attribute:
Stealth +26
Endurance +24
Intelligence +21
Description:
Lightning resistance.

▪▪▪

Agad ko iyong isinuot. Itinali ko muna ang buhok ko bago itinakip ang hood. Then, when the voices seemed distant, I casually walk out of the alley. Hindi naman ako pinapansin ng mga tao dahil abala sila sa paghahanap ng isang white-haired elf.

Fortunately, naging maayos ang lakad ko papunta sa Blacksmith Shop. Sinunod ko ang directions na sinabi nila. Isang liko at isang diretso hanggang sa pinakadulong cabin. May isang metal sign na nakahang sa gilid nito, with a hammer above an anvil as an icon. Sigurado nga na ito na ang shop niya.

Hindi ko inalis ang hood lalo na nang makitang may grupo din sa labas ng shop. Tatlong lalaki at dalawang babae ang nagpupulong sa harap nito. I'm glad I'm wearing a cloak as they only gave me a glance before continuing their discussion. Walang problema akong pumasok sa shop.

Dahil wala pang tao sa counter, inabala ko ang sarili sa pagtingin sa mga weapons. Mula sa maliliit na kutsilyo hanggang sa malalaking espada. The details were so intricate and fascinating. Ngunit alam kong hindi ito mga S-Class items. Ang pinakamataas na rarity siguro nito ay A-Class.

Napaigtad ako nang may marinig na boses. I immediately turned to the counter. A large-looking man with tattoos smiled at me.

"Hello, player. How may I help you?"

-chapter end-

▪▪▪

[NEW!]:

Quest from blacksmith??!

▪▪ ▪

Welcome, PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon