"Ah... Pero bakit po kayo napatawag?" Tanong ko at sumubo ng pagkain ko.

[Ah, Oo nga pala. Yung guest room natin, paki-ayos dahil may bagong maninirahan na sa atin.]

"Bagong maninirahan?" Tanong ko at uminom ng gatas.

Yes, milk ang iniinom ko at hindi kape. May problema ba?

[Mamaya ko na i-explain sayo pag-uwi ko. Pakilinisan na lang okay?]

"Pero di ko kayang linisin iyon nang mag-isa..." subo ko ukit ng pagkain.

[Diba dadating sina Hylene at Eiryn? Magpatulong ka na lang sa kanila. Sige na anak at nagda-drive ako haha.]

*TOOT**TOOT**TOOT*

Pinutol kaagad ni Mama matapos niya sabihin yung huling linya niya.

Sigh... 

Tinapos ko agad ang kinakain ko at hinugasan ito. Pagkatapos ay pumunta na ako sa guest room namin sa second floor na katapat lang ng kwarto ko.

With the key in my hand, I inserted it in the keyhole then twisted it 'til I heard a 'click'. I slowly opened the door at isang maalikabok na kwarto na may  puting Queen-sized bed, long sofa, elegantly patterned black carpet, empty bookshelf, closet, study table at isang full-length mirror ang bumungad sakin.

Mukhang matataglan ang paglinis dito...

Bumaba muna ako at kumuha ng cleaning materials at umakyat muli. Pagkarating ay sinimulan ko na maglinis pero syempre sinuot ko muna ang face mask at apron.

Tinanggal ko muna yung mga namumuong cobwebs sa mga sulok ng ceiling. Pagkatapos ay sinimulan ko nang linisin ang mg furnitures.

Wala pa sa kalagitnaan ng pagpupunad ko ay may narinig akong nag-doorbell.

Sina Hylene na yata...

Bumaba ako at pumunta sa living room para tingnan kung sila nga. Tiningnan ko muna ang orasan at 9:22 a.m. na pala. Nakita kong pinapasok na ni Manang Rosa sina Hylene at Eiryn.

"Nandito na pala kayo."

"Wazzap Acee!" Bati sakin ni Hylene at umupo kaagad sa sofa na parang bahay niya 'to. "Nasaan si Tita May?" Dugtong na tanong niya.

Kahit kailan talaga... nawawala ang galang batang 'to... hayss...

"Umalis si Mama at nakipagkita sa dating kaibigan."

"Nakipagdate si Tita?!" Shocked na tanong ni Hylene at binatukan ko naman siya. "Aray naman!"

"Hoy! Ano ka ba! Babae yung dating kaibigan ni Mama na kasalukyang magkasama ngayon!" Sabi ko.

"Oh? Acee, bakit ganyan ang suot mo?" Tanong sakin ni Eiryn dahil sa get-up ko.

"Inutusan kasi ako ni Mama na linisin yung Guest Room namin dahil may bisita daw na maninirahan na sa amin," Sabi ko at niyaya sila papunta sa taas.

"Sino daw?" Tanong ni Hylene.

"Di ko alam. Baka yung kasama ni Mama?" Di siguradong sagot ko at pumasok muli sa guest room. "Since nandito na kayo, tutulungan niyo akong maglinis dito." Sabi ko at binigyan sila ng tig-isang basahan.

"Ayoko nga!" Hylene.

"Para ka talagang bata!" Sabi ni Eiryn kay Hylene at kinuha yung isang basahan sa kamay at pinunas sa mukha ni Hylene. "HAHAHAHAHAHA!" Tawa ni Hylene at nakitawa rin ako.

The Crystal Guardian (Under Revision)Where stories live. Discover now