Chapter 23

7.1K 448 183
                                    

Ano bang trip nila sa buhay? Bakit di na lang sila mag-aral at sumunod na lang sa school rules? Ito ang school na pinili naming pag-aralan kaya dapat ay sumusunod kami sa rules nito!

Hindi ko na kaya pa ang pinanggagawa nila. Kailangan na itong matapos! Ilang taon na itong inaasikaso ng former councils at mga Professors pero wala pa ring nangyayari, tingin ba nila ay magbabago ang pananaw ng administration nang dahil lang sa mga kalokohan nila?

Maaga akong natapos sa quiz namin pero hindi tulad dati ay hindi ko na hinintay pa ang pagtunog ng bell. Agad ko itong ipinasa. Naghintay ako sa labas ng room nila Sulivan. Kakausapin ko siya at pipigilan ko siya sa mga gagawin pa lang ng grupo niya. This should be stopped! Mapapahamak lang sila!

Hindi ako nagtagal sa paghihintay dahil mabilis din siyang natapos sa pagsagot ng kanilang quiz. Paglabas niya'y nagkasalubong ang tingin namin.

"Let's talk, de Lopezes."

Tinitigan niya ako na para bang tinitimbang niya ang sinabi ko. Makaraan ang ilang sandali ay tumango siya nang hindi man lang nagpapakawala ng kahit isang salita.

Dinala ko siya sa lugar kung saan walang makakarinig sa amin. Ayaw kong magpadalos-dalos sa pag-uusap namin dahil baka may makarinig. Siguradong agad nila itong isusumbong sa school officials.

Hinarap ko si Sulivan. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Stop this already, de Lopezes."

Tumaas ang kilay niya. Hinintay ko siyang magsalita pero nanatili siya sa gano'ng posisyon.

"Sumusobra na kayo. Ano? Hihintayin niyo pang malaman ito ng admin at patalsikin kayo sa school?"

"Walang makakaalam kung walang magsusumbong."

"Precisely!" tumaas ang boses ko. "Tingin niyo ba ay walang magsusumbong? Kung ako, hindi ko kayo ilalaglag pero paano kapag may iba pang nakakaalam? Tandaan mo, de Lopezes, hindi lang mga mata ko ang pwedeng makakita sa ginagawa niyo at hindi lang tenga ko ang nakakarinig sa mga usapan niyo."

"This is what you called sacrifice, Pantorilla. We're ready to sacrifice ourselves for the betterment of this institution."

Pumikit ako nang mariin. Gustong-gusto ko nang sumigaw pero pinigilan ko ang sarili.

"Remind me again kung ilan na ang sumubok para gawin ito? And remind me as well kung ano ang nagiging sagot dito ng administration? Pareho lang, hindi ba? Ayaw nilang bitawan ang sistemang ito!"

"So basically, you're saying that we will definitely fail just because they failed?" hindi nakatakas sa pandinig ko ang talas ng boses niya.

"Yes, de Lopezes! Yes! So will you please stop this nonsense? Kung talagang gusto niyo pa ring ipagpatuloy 'yan, then do it through the right process. Send petition letters to the administration, ask the council president to talk to the officials, and many more solutions! Hindi iyong nagre-rebelde kayo sa loob ng school."

Humakbang siya palapit. Itinaas ko ang noo ko at tiningnan siya nang diretso sa mata. Ayokong umatras dahil pakiramdam ko'y kung humakbang ako palayo kahit isang beses lang ay matatalo ako sa usapan naming ito.

"You call this rebellion, Pantorilla? We're just representing the voice of thousand students who were oppressed by this cruel system. And you call that solutions? Bakit? Sa tingin mo ba ay hindi 'yan ginawa ng mga iba? Hindi ba't kaya sila nabigo ay dahil pilit pa rin nilang sinusunod ang school rules na gustong-gusto nilang baguhin? Lahat ng sinabi mo ay ginawa na nila pero nanatili pa ring tulog ang school administration. Kinantahan lang nila ang administration para lalo pang antukin. Ang kailangan nila'y pampagising, Pantorilla, at ito na nga iyon."

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now