"Kapag nakaalis na sila kailangan na nating gumalaw." paalala sa amin ni Penelope. Tumango naman kaming dalawa ni Riley habang si Freena ay tulala parin. Ano kaya ang nangyari dito?

Maya-maya pa ay narinig na namin ang mga tunog ng sasakyan. Umusog ako sa pwesto ko at tiningnan 'yung kanina pang pinagmamasdan ni Freena.

Laking gulat ko nang makita ko si Vandeon at Vandish na papasok sa isang sasakyan. Fvck!

Agad akong napatayo at tinakbo ang sasakyang 'yon.

"ALMIKA!"

"SHIT!"

"ALMIKA, COMEBACK HERE!"

Tinapon ko ang pana ko sa tabi at sabay na hinila ang kwelyo ni Vandeon palabas ng sasakyan.

"HAYOP KA! IBIGAY MO ANG ANAK KO SA AKIN!" galit na sigaw ko sabay kuha kay Vandish na ngayong umiiyak na.

"WALANG HIYA KA! HINDI KITA TATANTANAN HAYOP KA!"

"SUBUKAN MO PANG LUMAPIT SA AMIN, PAPATAYIN NA TALAGA KITA!"

Imbis na masindak? Ngumisi lamang siya na tila may gagawing masama. And I'm afraid to know it. Damn it!

Parang may plano na naman siyang gagawin.

"Almika, nice to see you again," ngumisi siya. Ngising hindi mo nanaising tingnan.

Tumakbo ang anak ko papalapit kina Riley habang ako naman ay nakipaglabanan ng tingin kay Vandeon. Gusto ko siyang suntukin sa mukha.

And I did it.

"Almika!"

Naging alerto naman ang mga kasamahan ni Vandeon. Lumapit silang lahat sa akin at akma na sana akong sasaktan nang suntukin at sipain ko ang mga mukha nila. Hindi pa ako nakuntento, mukha namang nasiyahan si Vandeon, ito yata ang gusto niya. Sige, panoorin mo ako, Vandeon, kung papano ko uubusin ang mga tauhan mo.

Nilabas ko ang baril na nasa gilid ng beywang ko. Kinalabit ko ang gatilyo tsaka tinutok mismo sa pagmumukha ni Vandeon.

"Wow." he clapped his hands. May ngisi parin sa mga labi.

"If I were you..." lumapit siya sa akin. "I'll pull the trigger before its too late."

"As you wish." ngumisi ako. Tinamaan ko ang braso niya tsaka pinaulanan ng bala ang mga tauhan niya hanggang sa nawala silang lahat sa paningin ko.

"Almika! Fvck!"

Umatras ako. Pagod na pagod.

"Is that all?"

Inangat ko ang ulo. "Demonyo ka talaga no? Ni hindi mo man lang naramdaman ang tama ko saiyo. 'Yan rin ba ang naramdaman mo nu'ng pinatay mo ang mga magulang ko? Walang kaawa-awa mo silang pinatay! Hayop ka!" Sinuntok ko ang mukha niya.

"Ano? Sumagot ka!"

"I told you before, Almika. I don't have mercy when it comes to your family, magpasalamat ka nalang dahil hindi ko sinaktan ang anak mo. Pinakain ko 'yan, binihisan at binigyan ng magandang buhay. Mabibigay mo ba 'yon sa kanya? Sa lagay mo na 'yan? Look at yourself, Almika. Kahit anong gawin mo? You can't win against me."

Natahimik ako. "Look at those mens you killed, are you satisfied? You killed them for your son. Hindi ba kademonyuhan 'yang ginawa mo? I killed people too, Almika, pero tinawag mo akong demonyo dahil du'n, hindi ba't dahil may pinoprotektahan din ako?"

"You killed them because you want to protect your son and yourself from them, how about me? How about my fvcking reasons, Almika! Sa tingin mo ba ay pinatay ko ang mga magulang mo dahil sa wala akong awa? Ganu'n ba 'yon?"

"I don't want to hear all of your bullshits, Vandeon. Kahit ano pang sabihin mo hindi mawawala sa isip ko ang kademonyuhan mo. Tunay naman talagang mamamatay tao ka, hindi na magbabago iyon." Tumalikod ako.

Lumapit ako sa pwesto nina Riley. Sinalubong naman kaagad ako ng anak ko. He was crying. Damn, miss na miss ko na ang anak ko.

"Mommy! Mommy! I missed you Mommy! Let's go home."

Pinunasan ko ang luha niya at tumango.

"Baby, uuwi na ta..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang sumakit ang ulo ko.

"Almika!" rinig kong sigaw ni Penelope.

Nabitawan ko si Vandish at napatingin ako sa gawi ni Vandeon na may bakas na pag-aalala sa kanyang mukha. Imposible.

"Arghh!"

"Almika!"

"Kunin niyo na si Almika!"

Wala na akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Sobrang sakit na ng ulo ko, hindi ko na kaya naiiyak na ako.

"Mommy! Mommy!"

"Damn it! Bakit ang tigas tigas ng ulo mo! Hands off, Lopez!" galit na sigaw ng lalaki bago ako tuluyang nawalan ng malay.

***
Hello babies! Don't forget to vote and comment if you have questions or concern about the story. I will update once or twice a week it depends on my mood, char. Happy reading! Keep safe everyone, hope you like it. Nasa exciting part na tayo ng story.

And again, for those readers na nalilito parin at nagtataka bakit naiba ang story it because I changed it. Hope you understand. You can read the ver. 01 on dreame if you like that version, thank you.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon