Patagal ng patagal ay umuunti ang mga taong nakikipaglaban. Nasanay narin ang kamay ko sa espadang hawak ko at mabilis na pinagwiwisik ito sa bawat humaharang sa dinaraanan ko. Diretso lamang ang tingin ko habang naglalakad. Sugatan narin ang mga kasamahan ko at alam kong nanghihina ang mga ito. Napansin ko rin na tila dumidilim ang kalangitan.


Matagal. Matagal na labanan ang nangyayari ngayon. Sobrang tagal na parang hindi ko na nga namamalayan na puno na pala ako ng dugo at kakaunti na lamang ang natitira


"HAAA!" tila baliw na tumakbo ito sa direksyon ko. Sinabayan ko rin ito ay mabilis na iniwaksi ang espada sa espada nito. Sinipa ko ang tyan nito't nadaplisan ng tulis ng espada ko ang pisngi nito. Dumurang pinunasan nito ang kaniyang pisngi. Mabilis kung iniiwas ang katawa ko sa pasalubong na espada nito sa akin. Hindi ako nakaiwas ng mabilis itong napunta sa likod ko at sinipa ako.


"Binibini!"


Mabilis na pumaharap ako ginantihan ko ng suntok. Isinantabi ko muna ang espadang hawak ko. Yumuko ako ng salubungin niya ng ako espada. Muli kung sinuntok ang tyan at dibdib nito't hinihingal na lumayo. Mabilis kung kinuha ang espada at nakipaglabanan ng pwersa sa espada.  Napapaatras ito at buong pwersang itinulak ang espada ko ng espada niya.  Nagulat na lamang ako ng bigla nitong nahila si kyle at hinawakan ang dalawang kamay gamit ang isa nitong kamay habang ang isang kamay nitong mag espada at nakatutok sa leeg nito. Tumatawa ito sa ginagawa.


"Hindi ka mananalo sa akin. Hindi kayo mananalo sa akin." Tumawa muli ito.


Isang bulto ng tao ang dumating. Lumapad ang ngiti ni darth habang ako ay nakatingin lamang sa kaniya at hinihintay ang kaniyang reaksiyon.


"HAHAHA! Akala mo ba maiisahan mo ako? Lahat ng bayan rito, inatake ko! Lahat ng tao rito ay pinapatay ko! Naririnig mo ba ako? HAHAHAA!" Tila baliw na sambit nito.


kumulog.. at sinabayan ng kidlat..


"Kamusta heneral pablo? tapos na ba ang lahat?" ngiting ngiti sambit ni darth.


Naramdaman kung may tumabi sa akin. Tinignan ko ang mga ito. Sugatan rin sila katulad ko.


"Alam mo ba kung bakit nakidlat? dahil pinapaalalahanan niya na may paparating na malakas na bagyong magpapabahala sa lahat." ngumisi ako rito. Hindi katulad ng ngisi ko kanina, Isang ngiting nakakakilabot.


Binigyang tingin ko ang heneral.


"Kamusta heneral eric? tapos na ba ang lahat?" pagbabalik na tanong ko. Magalang na lumapit ito sa akin na ikinalaglag ng panga ni darth.


"Safe and clear, young deity."


Pilit na tawa ang lumabas sa bibig ni darth. Hindi ito naniniwala.


"Oh. How are you, professor darth?" isang malambing na tono ang narinig ko. Napangiti ako.

Sunny Adelson: The journeyWhere stories live. Discover now