7

122 7 0
                                    

Third person pov;

Natapos ng kumain ang mga ito. Nagpaalam si sunny na magpapalit ng damit. Nakatitig lamang ang apat na lalaki sa likod nito.



"Pambihirang babae, diba?" agaw atensyon ni dio sa kanila. Tumango naman ang mga ito.



"Hindi ko alam kung bakit niya gustong makita ang may kakaibang mga kakayahan rito sa lugar natin pero ang tanging alam ko lang na isasagot niya ay 'gusto ko dahil kaya ko' " Paliwanag nito habang nakatingin kay andres.



"Ang kaninang mga mata niya na nangungusap sa akin ay para akong hinihipnotismo. Kahit na gusto kong bawiin ang tingin ko sa kaniya ay hindi ko magawa." sabi ni leo na inaalala ang nangyari.



"Pati ang boses niya, napakalambing at maamo. Parang kampante siya sa mga ginagawa niya at sa mga gagawin pa niya." napatawa ang mga ito dahil parang manghang mangha si ley.



Sunny's pov;

"Oy kayo anong pinaguusapan ninyo ha!" sambit ko .Nakakulay puti rin ako ngunit may ibang desenyo. May hawak akong pamulat.



"Wala binibini." sambit ni leo



"Ano iyan?" tanong naman ni dio.



"Pamulat. Susulatan ko ang damit ninyo hehe." Bago pa man magreak ang mga ito ay dali dali na akong pumunta sa likod nila. Naglagay ako ng lettering na 'sunny' at nagdrawing ng sun sa taas ng letter y. Lahat sila ganon ang ginawa ko. Nasa bandang taas lang naman ito kung kaya't hindi masyadong pansin pag nasa malayo. Naglagay nadin ako ng iba't ibang qoutes para sa kanila isa't isa.



"Tapos na!" palakpak na sabi ko. Tinignan naman nila isa't isa ang ginawa ko. Napangiti ako ng ngumiti sila dahil sa nakikita nilang sulat ko sa  isa't isa. Nagulat ako ng umiyak si ley. Agad ko itong pinuntahan.



"Bakit anong nangyari? May masakit ba?" seryosong sabi ko rito. Niyakap niya naman ako bigla. Tinap ko ang likod nito.



"Shh.. tahan na."



"N-Ngayon lang ako naging ganito kasaya sa isang munting ginawa mo, sunny. Labis akong nagpapasalamat sa iyo." iyak parin na sabi ni ley. Pinalapit ko naman si leo na umiiyak narin ay niyakap.



"Mga iyakin ang mga kaibigan ko. Tahan na ha?" Ngiting sabi ko rito. Nakangiting nakaakbay naman sa isa't isa sina andres at dio habang nakatingin sa amin.



May dumating na lalaking kawal at may ibinigay kay andres. Binasa niya naman ito at muling ibinigay sa mensahero ang mensahe.



"Pinapatawag na kayo, leo at ley. Iaanunsyo na ang pagiging tagamuno at tagaturo ninyo." ngiting sabi nito.



"Dapat batiin ninyo kami ha! Manonood kami! HAHAHA" sabi ko sa mga ito.



"Aalis na ba tayo?" tumingin si andres sa akin maging sina leo na parang nasa akon ang desisyon. Tumungo naman ako.



"Sa palengke tayo dumaan!" sabi ko. maglalakad na sana ako ng kalibitin ako ni dio.



"Ang balabal mo." siya ang nagsuot nito sa akin.



Habang naglalakad kinwento ni Andres na dalawa pala ang palengke rito. Ang isa ay yung unang palengke na dinaanan namin ni dio at ang tinatahak naman namin na daan ay ang pangalawa. Sa pangalawang palengke narito ang mga bilihan ng mga makakain habang yung sa una ay puro basagulero ang nasa gilid ng daan. Pinagigitnaan ako nila. Naagaw ng atensyon ko ang apat na kawal na nakasakay sa kabayo. Nasa harapan naman nito ang..



Sunny Adelson: The journeyWhere stories live. Discover now