"Wala naman. Gusto lang kitang makita," sandali akong napatigil sa lakad kaya ganoon rin ang ginawa niya. Ibubuka ko na sana ang labi kaso hindi ko na nagawa dahil nawalan kaagad ako ng sasabihin.

I can feel the awkwardness between us. Napapahiya akong ngumiti saka hinilot ang sentido.

"Ah..." naputol na kaagad iyon nang ayusin niya ng marahan ang buhok ko. Nailang tuloy ako dahil parang ibang tingin ang binibigay niya sa akin.

Para bang kumikislap iyong mga mata niya. Katulad na katulad dati ng mga tinginan ko sa kanya noong crush ko pa siya.

We continued walking, not minding what happened earlier. Hinatid niya ako sa dorm kaya hindi na niya ako kinulit pa. Alam rin naman niyang pagod at inaantok ako.

He just reminded me about the outing. Sinabi ko na lang na i-text niya ako. Pagkatapos noon ay diretso nang nagpaalam sa akin.

Maaga na lang akong pumasok sa trabaho dahil wala rin naman akong masyadong ginagawa. Maski doon ay hindi ko mapigilang matulala na naman. Sakit ko na nga siguro ito.

"Okay ka lang? Mukhang matamlay tayo, ah? Dahil ba wala iyong... si Gab?" makahulugang tanong pa ni Oliver sa akin.

I've told him few things about Gab. Lagi na kasing nacu-curious dahil gabi-gabing nandito iyon noon. I couldn't blame him since he's really curious. Lagi na kasi akong kinukulit kaya hindi ko rin napigilang magkwento.

I grabbed the can of coffee and sipped on it. "Posible bang hindi ka mamansin kapag hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ka nagkaganoon?" taka kong tanong. Hindi rin naman niya kasi alam kung ano ba talaga ang nangyari sa amin ng lalaking iyon.

"Hmm. Bakit? Depende rin, kasi ako mismo ang nakakaalam ng tanging dahilan na iyon kung bakit hindi kita pinapansin. Unless kung may lihim na galit ako sa'yo."

Galit.

Galit ba iyon sa akin? Ano naman ang ikagagalit niya? Kung tungkol doon sa naging tanong niya sa akin, handa naman akong sagutin iyon pagka bukas kaso hindi na nga namansin. Paano ko sasagutin iyon?

Parang mas matindi pa sa may buwanang dalaw kung gawin iyon sa akin. Nakakaya niya akong daan-daanan lang kapag nagkakasalubong. Sarap niyang batukan minsan.

"Ganun ba?"

"LQ ba kayo?"

Napahinto ako saka nilapag ang kape. LQ? Lover's Quarrel?

"Hindi naman kami nun kaya hindi ganoon. Bakit ba kasi napunta na naman ba tayo sa kanya?"

Napailing ako nang ngumisi na naman ito. Wala bang mahanap na girlfriend ito para naman ma-inspire sakali.

Sabagay, kapag seaman raw ay manloloko kaagad. Ewan ko ba sa mga mindset ng mga babae ngayon. Palibhasa puro kasi nasaktan kaya ibinubuhos sa isang tao ang lahat.

"Miss mo na ba?"

"Ano? Tsk. Ano akala mo sa'ken? Madaling mahalin ang isang bagay tapos kapag nawala, hahanap-hanapin?"

"Minahal mo na ba?"

Napahilamos ako sa mukha nang matanto kung ano iyong sinabi ko. Hinuhuli yata ako nito, eh. Palibhasa laging nandito iyon noon kaya lagi kaming nakikitang nag-uusap. Tapos ngayon nagkaroon na ng tapang na asarin ako.

"Tigil na nga. Inaantok ako kaya huwag kang magulo," suway ko pero sinundot sundot pa niya ang tagiliran ko. I glared at him until he removed himself beside me. Inubos ko na ang kapeng iyon saka itinapon sa basurahan.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now