CHAPTER 4

7 1 1
                                    


Maaga akong nakarating sa school ngayon kasi walang traffic. It's 6:18 am palang so masaya akong nakapaglakad sa hallway kasi wala pa syadong tao.


Dumiretso na ako sa room ng first class ko para ibaba ang bag ko. May 5 na naman akong kaklaseng nasa room so ayus lang na iwan ko ang bag ko dito. Pagkababa ko ng bag ay agad din akong lumabas para pumuntang cafeteria. 

Sa sobrang aga ko kasi ngayon ay nakaligtaan ko na kumain ng breakfast. Wala pa masyadong tao sa cafeteria kaya mabilis din akong nakabili ng sandwich at juice Umupo ako sa lamesa malapit sa may entrance para mabilis na din akong makalabas. 

Wala akong kasama kumain kasi wala pa sina Iris. Mamaya pa ata klase nila. 


Habang kumakain ng sandwich ay nagsco-scroll din ako sa instagram ko. Naeenjoy ko na ang pagkain ko ng biglang may umupo sa harapan ko. Siya yung  tumitingin sakin sa may gate at siya din yung nakaaway ko bookstore!


"Pwede makiupo? "  tanong niya sabay ngiti sa akin

Hindi ba niya ako nakikilala? Thank God kung ganoon, baka kasi mag-away na naman kami dito.


" Nagtanong ka pa, eh nakaupo ka na." sabay irap ko sakanya. Hindi ko talaga mapigilang hindi magmaldita sa kahit sino eh.


" You know what Miss, parang familiar ka sakin. Hmm san nga ba kita nakita?" 

" b-baka naman hi-hindi ako yun. At tsaka hindi pa kita nakikita, ngayon lang." Pagsisinungaling ko sakanya. Hindi naman ako takot baka lang mag-skandalo na naman kami dito. 

" hindi eh, namumukaan kita eh. Hindi ko lang maaalala kung saan kita nakita."  Nilagay pa niya yung daliri niya sa sintido niya at malalim na nagisip.


"  Umm, you can have this table na. I have class pa. Sige, bye."  Dali dali kong inubos yung juice ko at tatayo na sana ako ng-


Bigla niyang hinwakan yung braso ko.


" Ikaw yung nambato sakin ng libro sa National Bookstore!"  sabay ngisi niyya sakin.

Nag-panggap parin akong walang alam. Nginitian ko din siya. Yung ngiting nang-aasar


" Ahh ikaw yung makapal ang mukha na stalker ko"

" Stalker huh? Look Miss, hindi kita iniistalk." depensa niya.

"Eh anong tawag mo dun sa pagtingin tingin mo sakin sa may gate, pagtabi niyo saking ng tropa niyo dati, yung sa NB tapos yang pagtabi mo sakin ngayon. Ano tawag mo dun?"

" Miss, hindi ikaw yung tinitingnan ko sa may gate. Nasa likod mo kasi yung schedule ng try-out sa basketball." 


sht! Ang feelingera ko talagaaa

" tsaka Miss, nakitabi kami sayo ng tropa ko noon kasi puno na lahat ng table dito. No choice kaming makishare ng lamesa. And yung sa National Bookstore, hindi kita sinundan. May kailangan lang akong bilhin na gamit kasi kailangan na bukas ng Prof ko. okay?

Napatungo nalang ako ng wala sa oras. Nakakahiya. Sana kainin nalang ako ng lupa please!

"And dito ako umupo kasi as I said, namumukaan kita. Hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita. So, nasagot ko na ba lahat ng gusto mong malaman? " ngisi niya sakin.

Forgotten FeelingsWhere stories live. Discover now